(JEFF LUWES POV) Tahimik akong nakatingin sa kisame. Iniisip ko ang sinabi sa akin ni Cobe. Hindi kaya may taong gustong masira ang pagsasam namin ni Bettina? Ngunit si sino? Kaya naman biglang nagsink-in sa utak ko si Fellyn. Alam kong malabong gawin iyon ito. Pero saan kaya galing ang recorder na iyon? Para maiparinig sa akin? Mukhang kailangan kong pa-imbestigahan ito kahit labag sa aking kalooban. Upang makasiguro ako. Kaya naman hinanap ng mga mata ko ang aking cellphone. Ngunit wala akong makita. Baka naiwan ko sa ibaba. Kaya agad akong tumayo para kuhanin iyon. Gusto kong tawagan si Cobe. Pagbukas ko ng pinto ng aking silid ay agad kong namataan si Fellyn. Hawak nito ang cellphone ko. "Fellyn! Sino'ng nagbigay sa 'yo ng karapatan na paki-alaman ang gamit ko?" galit na tanong ko

