(JEFF LUWES) Tuloy-tuloy akong pumasok sa loob ng bar. Namataan ko agad si Cobe at alam kong hinihintay ako nito. Kaya naman pagdating sa pwesto nito ay agad akong naupo sa sofa. "Ano'ng balita?" tanong ko agad dito. "Wala naman. Namis lamang kita ang tagal muna kasing hindi pumupunta rito," anas ng kaibigan ko. Na siyang kinagalit ko rito. "Stkks! Nagmamadali akong pumunta rito akala ko'y may sasabihin ka sa akin tungkol kay Bettina," nanghihinayang sabi ko rito. "Huwag kang mag-alala Dude. Makikita mo rin siya. Sa ngayon ay may dapat pa akong gagawin. Pero hindi pa rin ako titigil sa paghahanap sa kaniya. Siya nga pala narinig ko na iyong ipinasa mong voice recorder. Mukhang hindi sa isang restaurant nangyari ang pag-uusap na iyon," anas ni Cobe. "Iyan din ang ipinagtataka ko. Iwa

