Ano ba ang gagawin ko? May pag-aalala sa aking puso para sa kalagayan ni Jeff. Ngunit nag-aalala naman ang aking isipan na baka iba ang isipin nito oras na lumapit ako rito. Umalis na lamang ako sa harap ng bintana at bumalik sa aking kama, baka umalis din iyon oras na lamigin. Pinilit kong matulog. Pero sadyang hindi ako dalawin ng antok sapagkat lumilipad ang aking isipan papunta sa labas ng bahay. At sa tao na nakahiga sa bermuda grass. Muli akong bumangon upang silipin ito sa bintana at sana lang ay umalis na ito. Pero nanlumo ako nang makita kong naroroon pa rin ang lalaki. Hindi na ako nakatiis, nagmamadali akong bumaba para puntahan at pauwiin ito, baka kasi kung ano'ng ang mangyari rito. Naghanap muna ako ng payong upang hindi ako mabasa at nang makakita ako ay agad akong luma

