Nagising akong masakit ang aking ulo. Umikot din ang paningin ko sa loob ng silid kung saan ako naroroon. Nagulat din nga ako nang may biglang gumalaw sa aking tabi, kaya agad akong napabaling dito. Ganoon na lamang ang panlalaki ng aking mga mata nang mamataan ko si Jeff. Nakapulupot din ang mga braso niya sa aking beyawan. Ano bang nangyari? Bakit kami magkatabi? Naguguluhan ako sa nangyayari sa akin. Tumingin ako sa katawan nito. Parang gusto kong tumakbo papalabas ng silid nito nang mapansin kong wala itong suot na damit. Kabadong kinapa ko ang katawan ko, ganoon na lamang ang panglulumo ko na wala rin akong kahit ano'ng saplot. Itinaas ko ang kumot upang silipin upang makasiguro ako. Tama nga ang hinala kong parihas kaming walang damit, kailangan kong makaalis sa silid nito haban

