KINABUKASAN, nagising akong wala si baby Jax sa aking tabi. Kaya parang nawala ang aking antok kumabog din ang dibdib ko. Ngunit bigla naman nagsink-in sa aking isipan na baka hawak ito ni lola Asyang. Ngunit gusto ko pa ring makasiguro. Kaya naman dali-dali kong kinuha ang aking pantakip sa mukha. At agad na lumabas ng kubo. Hindi pa ako halos nakakalapit sa harden nang marinig ko ang boses ni Jeff at lola Asyang. Ako naman ay maliksing nagtago sa isang mataas na halaman. Ngunit nakikita ko pa rin mula rito sa aking pwesto sina Jeff at lola Asyang kasama ang aking anak. Kaya naman pinakinggan ko nang maayos ang pinag-uusapan nila. "Siya po ba ang apo mo, lola?" narinig kong tanong ni Jeff. "Ay! Opo Sir, siya nga po. Pinapa-arawan ko lang po. Saka mukhang naiinip na rin sa loob ng kub

