(BETTINA LUWES POV) Tahimik akong nakahiga habang katabi ang aking anak. Hindi muna ako matutulog dahil hinihintay ko si Lola Asyang. Nandoon pa kasi ito sa malaking bahay upang tulungan si Manang Nelly. Hindi naman nagtagal ay dumating na rin si lola. Napatingin ako sa mukha ng matanda. Nakikita ko roon ang labis na pag-aalala. "Bettina, naglalasing na naman ang iyong asawa, narinig din namin ang pagbabasag niya sa inyong kwarto. Ang sabi ni Nelly ay halos gabi-gabi raw kung iminom si Jeff," saad ni lola na may pag-alala sa mukha nito. Ako naman ay biglang napatayo mula sa pagkakahiga. At pagkatapos ay tumingin sa matanda. "Puwede po bang pakibantayan muna si baby Jax?" "Jusko! Saan ka pupunta, Bettina?" nag-aalalang tanong ni lola. "Sisilipin ko lang po sandali si Jeff," sagot k

