KINABUKASAN maaga akong nagising sapagkat ako ang maglalaba ng damit ni Jeff. Nakita kong may pagkain na sa munti namin lamesa. Saka pansin ko'y hindi nag-iiyak sa Jax kagabi. Dahil siguro sa hindi na ito naiinitan. "Hija, nandiyan na pala ang mga lalabhan mo ibinaba na ni Nelly. Siya nga pala hija. Ang sabi ni Nelly ay kung puwedeng ikaw na muna ang maglinis ng kwarto ni Jeff. Sobrang dumi raw doon, lalo at gabi-gabing umiinom ang asawa mo," pagbibigay alam sa akin ni Lola Asyang. "Hindi po kaya mahuli ako ni Jeff?" tanong ko. "Hindi naman siguro hija. Saka ang alam noon ay pipi ka, tapos sinabi ko rin na laging may takip ang mukha mo kasi tinatago mo ang pangit mong mukha. Saka tama lang na maglinis ka ngayon doon dahil wala siya sa kwarto," usal ni lola. "Sige po Lola. Maglilinis m

