(FELLYN POV) Peste! Na saan na ba si Jeff? Kanina pa ako naghihintay rito sa sofa. Ngunit wala pa rin ito. Bigla akong napatingin sa aking cellphone nang tumunog iyon. Agad kong sinagot iyon. "Ano'ng balita? Nagawa na ba ninyong iligpit ang babaeng iyon?" tanong ko sa aking tauhan. "Opo, Ma'am. Bago po kami umalis sa bahay na luma ay nagliliyad na ang apoy. At sigurading letchon ang aabutin niya sa loob," sabi ng tauhan ko. "Good! Sige na, tatawag na lang ako kapag may ipapagawa pa ako sa inyo," saad ko. At agad na nagpaalam. Napangisi ako. Sa wakas wala na akong kahati sa pagmamahal ko kay Jeff. Sisiguraduhin kong magiging akin siya at mamahalin ako. Mayamaya pa'y narinig ko ang ugong nang sasakyan. Kaya naman dali-dali akong lumabas ng bahay, alam kong si Jeff na ang dumating. "Ano'

