(JEFF LUWES POV) "Diyos ko! Jeff! Ano ba iyang ginagawa mo? Sobrang aga pa para mag-inom ka!" narinig kong bulalas sa akin ni Manang. Kaya namumungay ang mga matang tumingin ako rito. "Hayaan muna ako manang! Saka kapag umiinom ako ay nakakalimutan ko si Bettina ang aking mahal na asawa pero ginago lamang niya ko!" galit na saad ko. "Pero Jeff, hinďi mo naman kailangan abusihin ang iyong katawan. Isang buwan ka nang ganyan simula ng umalis si Bettina," sermon nito sa akin. "Manang, hindi ko akalain na lolokuhin ako ng aking asawa. Ang sakit!"galit na sabi ko sabay bato ng baso sa pader. "Jeff, Diyos ko! Gusto mo bang maubos ang lahat ng gamit dito sa bahay? Lagi mo na lang binabasag kapag naglalasing ka!" bulalas sa akin ng matanda. "Hayaan mo manang, bibili ako bukas ng marami," sag

