(BETTINA LUWES POV) Masayang nakatingin ako sa aking baby habang natutulog ito. Hindi ko akalaing magkakaanak ako. Sobrang gwapo nito at kamukhang-kamukha ng ama nito. "Bettina, matulog ka muna. Alam kong puyat ka kagabi dahil ayaw magpababa ng anak mo," sabi sa akin ni lola Asyang. "Sige po lola, matutulog na po ako," sagot ko at humiga sa tabi ng aking anak. Paghiga ko'y hindi naman ako nakatulog sapagkat bumalik na naman ang ala-ala ko kung papaano ako nakaligtas sa sunog na iyon. Iyon ang araw na hindi ko malilimutan. Akala ko'y katapusan ko na iyon. (ALA-ALA SUNOG) Habang ako'y nagpupumilit na makaalis sa aking pagkakagapos ay dinig na dinig ko ang tawanan ng mga tauhan ni Fellyn habang unti-unting tinutupok ng apoy ang lumang bahay. Narinig ko rin ang mga tawanan nila papalayo

