PAGKAALIS ni Jeff, ay bumaba naman ako para magpunta sa kusina. May ngiti rin sa aking mga labi. Sana lang ay tuloy-tuloy na ang galak ng aking puso. "Hija, mukhang maganda yata ang araw mo ngayon, ah? Nagkaayos na ba kayo ng asawa mo?" tanong sa akin ni Manang nang makita ko. "Parang ganoon na nga po, Manang," masayang sabi ko rito. "Naku! Mabuti naman. Sana lang ay tuloy-tuloy na iyan. Kung may problema kayo ay pag-usapan nang maayos. Ganoon kapag mag-asawa, hindi maiiwasan ang magkaroon ng problema. Oh, tampuhan," nakangiting sabi sa akin ni Manang. Kaya naman masaya akong nagpasalamat dito. At matamis na ngumiti sa matanda. Lumipas ang maghapon. Sa totoo lang ay nasasabik na akong makita si Jeff! Sana lang ay dumating na ito. Mayamaya pa'y may narinig akong ugong ng sasakyan. Ngun

