Chapter 8_ Kade Cerece.

1633 Words
MAXIMUS MULA ng araw na matapos ang meeting namin ng Alteza parang ibang iba na ang tingin ng mga tauhan na kaibigan ko rin sa akin. Para ba akong ibang tao sa mga mata nila. Idagdag pa na si Mero na pinaka-oa sa lahat ang lagi kong kasama. Katulad ngayon, nakababad ito sa loob ng opisina ko at wala ng ginawa kundi ang titigan ako sabay ngisi na akala mo ba isa akong malaking katatawanan. “Kung hindi ka lang assistant, member ng Alteza at kaibigan ko binaril na kita kanina pa.” malamig na sabi ko sa lalaking kunwari ay gulat na gulat at inosente sa kahit anong katarantaduhan. “Whoa! Inaano ba kita? I’m just thinking about something. Masyado ka namang apektado Jefe.” gilalas niyang sabi. Lalo lang akong nakaramdam tuloy ng inis sa kanya dahil sa naging sagot nito sa akin. Kuhang kuha niya talaga ang yamot ko. Alam niya kung paano ako kantiin. “Care to tell me what’s on your mind?” asar na sabi ko. Para lang mabawasan ang init ng ulo ko. “Tsk… Naging tsismoso ka na rin ngayon Max. Nakakatakot pa lang ma in love este ma engaged at soon ikakasal na rin–!” “Shut up! 'Wag mo akong paabutin sa sukdulan Mero.” warning ko sa lalaki na agad naman umayos ng upo. “Fine! Na excite lang naman akong makilala si lady C.” wika niya na halatang pabitin. “Oo na! Si senyor Leon inutusan akong dalhin ang isang regalo sa kanya mamaya—” “So close ka na pala sa tatay ko! Kaya akala mo okay lang na gumawa ng hakbang na hindi ko alam. Mero, kung ibalik kaya kita sa bansang pinanggalingan mo para naman matutunan mo na ako ang boss mo at hindi ang tatay ko.” pikon na sabi ko sa lalaki na tumapos agad sa kanyang mga sasabihin pa sana. “Ito naman selos agad. Napaka-seloso mo. Para naman sa magiging asawa mo ‘yun—!” “Out!” pinal na sabi ko na tumapos sa sinasabi ni Mero. “Kj mo! Damot nito. Invited naman kami sa wedding n’yo. So, bakit bawal ko pa siyang makilala? Takot ka ba na mag change of heart siya sa oras na makita ako.” padabog na sagot ni Mero sabay lakad paalis ng aking opisina. “Change of heart my ass! Alam natin kung sino talaga ang totoong gwapo.” Asik ko. Akala ko pa naman ay hindi na iyon tutugunin ni Mero dahil halos nakalabas na ito. “Oh ‘di nga? Pasilip nga d’yan sa likod ng gintong maskara!” nakadungaw na ani nito. Sinmaan ko lang siya ng tingin kaya agad na itong umalis. Napuno naman ng kung ano ang mga tanong ang isip ko. Hindi ko maintindihan ang bigla paggawa ng kilos ang aking ama. Wala naman akong kalat na hinahayaan na makita o madampot ng iba. Sa kilos niya pati ng aking ina at kapatid para bang may espesyal kay Callie na hindi ko alam at sila lang ang nakakaalam. “Ano pa bang hindi ko alam sa’yo future wife?” tanong ko sa aking sarili. Nanahimik at nag-isip ako kung ano ba ang dapat kong gawin o alamin hanggang sa may text message akong makuha mula na naman sa aking dalisay na Ina. [“I told you to take it slow and easy, my dear Maxi. Maayos na ang lahat, just wait for a few days at okay na. I know you're nervous. Pero nagawa mo naman ng tama so keep calm. And please, don’t shout at Mero, remember he’s your friend not just an ordinary assistant.”] Ano bang alam nila sa lahat lalo na sa mga ginawa ko? “Sumbungero!” bulalas na sabi ko ng mabasa ang buong message ng aking Ina. Maling mali talaga na si Mero ang kinuha kong kanang kamay. Parang mas kaya niyang paniwalain ang mga magulang ko kaysa sa akin. [“I know na pikon na pikon ka ngayon. Why don’t pay a visit to your future and soon to be Mrs. Davis.”] Akala ko tapos na ang aking Ina may pabahabol pa pala siya. Mukhang sa kanya wala akong pwedeng itago lalo na sa tungkol sa mga certain na bagay. Ilang araw na nga mula ng huli ko siyang makita. Hindi rin naman napakinabangan ang cellphone na binigay ko. “Fûck that phone! Ako ba talaga lagi ang dapat mauna?” Inis na sabi ko na sa huli parang klaro na rin naman sa akin ang sagot. Ilang beses akong bumuo ng message for Callie na sa huli binubura ko lang din dahil sa tingin ko ay mali o sabihin na lang na nakakababa ng ego as a man. “Damn it!” mura ko ng halos sumakit na ang aking daliri kakatipa pero wala namang na send na mensahe ni isa. From being irritated, natagpuan ko na lang ang sarili ko na nilalandas ang daan palabas ng kumpanya. Hindi ko talaga kayang magbigay ng mensahe kay Callieyah sa phone. Talking to her through phone or personally is far away different, kumpara sa pakikipag-usap sa mga tauhan, kakilala at kaibigan ko. “Jefe, saan po tayo?” salubong ng isa sa licence security ng Alteza. Kasisimula palang ng organisasyon noon ng sumali ito. Ang mga security ng Alteza ay malayo sa security at bodyguard na alam ng karamihan. Those security that we have are all well-trained men na masasabi kong daig pa ang mga sundalo. Hindi lang sa endurance, skills and technique ang kaya nilang ilaban sa mga sundalo. Lahat ng alteza security ay may utak na kayang paganahin in any kind of situation. Walang lugar sa alteza ang mga literal na nakatago lang ang kukote. Even doing battle on the computer by cracking codes, ay eksperto din sila. Hindi lang din sila basta mula sa simpleng pamumuhay. Half of our men came from different countries. Lahat tulad din namin na may pinaghuhugutan. Ngunit dahil ang Alteza ay base sa Pilipinas the no. 1 rule is learn to live, talk like a real Filipino. Kung hindi kaya walang pilitan. Kung gaano kahirap pumasok sa Alteza gano’n naman kadali lumabas. Die in front of us and you're free to go. Ngunit ang kamatayan na hinihingi namin ay iba sa iniisip ng karamihan. Tanging ang miyembro ng organisasyon lang nakakaalam ng tunay na kahulugan ng kamatayan sa aming samahan. “Jefe?” untag muli ng lalaki na si Kade. Isa ito sa top rank security na napipisil kong maging leader ng isa pang grupo na siyang nag-aasist sa bawat operation na gagawin ng isa sa aminn sa iba’t ibang bansa. Ito ang dahilan kung bakit siya ang tumatayong driver ko mula sa araw na ito. I need to see something on him para mabuo ang aking desisyon. Kung sakaling papasa si Kade siya ang makakasama ni Jato sa Korea. “I don’t know, Kade. Magmaneho ka lang pa norte. I need to relax.” malamig na ani ko sa lalaki. “Copy Jefe!” Sumakay ito ng kotse matapos iwanang bukas ang pinto ng back seat. Ako naman ay sumakay na rin. Pag-sara ng pinto ng kotse agad ng nag-lock iyon kasunod ng pag-usad ng sasakyan. Isa sa test ito kay Kade kung saan niya ako dadalhin. Ipinikit ko ang aking mata hanggang sa hindi ko namalayan na napa-idlip na pala ako. Mabuti na lang pagpatay ng makina ng kotse ay agad akong nagising. “Nandito na po tayo sir Maximus.” anunsyo ni Kade. Nang ibaling ko ang sa labas ang aking tingin ay nagulat ako kung saan niya ako dinala. “Bakit dito Kade?” tanong ko sa lalaki. “Alam ko Jefe na naguguluhan at distracted ka. Kaya naman dinala kita rito para maalala mo kung saan nagsimula ang lahat.” tugon niya kasunod ang pag-sariwa ng araw na ‘yun kung saan at paano umabot lahat sa puntong ito. “Bakit hindi doon mismo sa kanya?” ani ko matapos balikan ang nakaraan. “Dito sa lugar na ito unang beses kong nakita na muling nagkaroon ng kinang ang mga mata mo Jefe, matapos ang naging trahedya noon. Kaya nandito tayo ngayon. Alam natin na darating ang araw na uungkatin niya ang nakaraan. Marami siyang makakalaban kaya naman gusto ko lang na maalala mo ang naging pangako mo noon. Pangako na alam kong hindi mo lang basta tutuparin kundi paninindigan din. ” muling paliwanag ni Kade Cerece sa akin. “Gaano ka kasigurado Kade na gagawin ko na tuparin ang pangako ko noon? Wala namang may alam noon kundi ikaw at ako.” “Siguradong sigurado ako na gagawin mo. Katulad ng kasiguraduhan mo sa akin na kaya kong mamatay para sa inyong dalawa.” tugon muli ng lalaki sa akin. “When Jato is ready, ihanda mo ang sarili mo. Ikaw ang mamumuno sa assisting team ni Jato sa Korea. For almost one and a half decades you already proved yourself Kade. Now, you need to step out. Darating ang araw kakailanganin ka rin niya.” wika ko naman sa lalaki, bago ako lumabas ng kotse at puntahan ang isang lugar na kailanman hindi ko makakalimutan. Lugar kung saan dapat una akong binawian ng buhay ngunit iba ang nangyari. Kade Cerece is an illegitimate grandson of Cerece clan na nakabase sa italya. Pinahanga niya ako dahil hindi siya gahaman tulad ng ibang mga tao na pinagkaitan. Alam ko na hindi siya kahit kailan magiging kalaban ng taong pinangakuan ko ng pang habang buhay na kaligtasan. Dahil kung sakaling magiging kalaban siya kaya kong buwagin ang Alteza kapalit ng buhay niya. “Ganito ang tama mo sa akin, aking Dama.” wala sa sarili na bulong ko sa hangin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD