Chapter 7_ Desidido

1808 Words
“MUKHANG totoo nga ang nababalitaan ko. Mas lumala ka nga Callie.” tugon nito na malayo naman sa tanong ko. Dalawa lang naman ang posibleng nagsabi sa kanya ng mga nangyayari. Si Dad at isa sa may edad ng kasambahay namin na si Virgie. Siya lang din naman ang tanging naging kasundo ni ate Nilda kaya ito na ang nagpalaki sa kanya. “Mas lumala, ako? Paano? Saan at bakit?” walang emosyon na tanong ko sa kanya. “Callie, ate mo ako. Unawain mo sana na gusto ko lang ng normal, masaya at malaya na buhay at pamilya kaya nagawa kong umalis. Sana maunawaan mo ‘yun.” Halos umikot ang mga mata ko dahil sa narinig kong sinabi ng aking kapatid sa paawa at malambing na tono. Anong tingin niya sa akin? Gusto ko ang magulo, sira at walang direksyon na buhay at pamilya. “Callie ‘wag ka ng magalit kay ate. Marami namang nagawa si ate for you ‘diba? Kaya sana isipin mo na lang ‘yun kaysa magalit ka sa akin ng walang kabagay-bagay—” “Tsk..tsk.. Hindi na ako musmos katulad noon ate Nilda. Hindi basta laruan, candy at damit ang pinag-uusapan dito kundi pang habang buhay na kalayaan. Nasasabi mo pa na walang kabagay-bagay. May pangarap ako sa buhay at dahil sa tumakas ka, tiyak na mahuhuli o baka nga hindi na matupad ang pangarap ko.” “Callie ‘wag ng matigas ang ulo. Makinig ka kay Daddy at sa akin na ate mo. We know what’s best for you. Tinawagan lang talaga kita to check on you. Medyo worried ako sa’yo tsaka baka kasi gumawa ka ng katangahan.” tunog anghel ang salita pero nanlalait. Ito ang mahusay na anak sa mata ng aking ama. “Worried? Kung totoo ‘yan hindi mo ako ilalagay sa alanganin—Ate!” halos bulong na lang nasabi ko para itago ang ngitngit na nararamdaman sa babaeng ate ko naman pero nagsisimula ng bumigat ang loob ko para sa kanya. “Bunso ‘wag ng mag tantrums. Mahalagang mahalaga ang pamilya Davis sa atin lalo na sa palubog nating negosyo kaya ayusin mo sana. Tulungan natin si Dad. Ito lang naman ang magiging ambag mo. Oo mahirap pero hindi makakalimutan hanggang sa nakatayo ang Flores empire na si Mommy ang bumuo. Hindi lang talaga kaya ni ate. Hindi ko kayang sikmurain na ikasal kay Maximus. Alam mo naman na takot ako sa mga scary creature, kaya ang makasama ang tulad niya habang buhay na may mala halimaw na mukha hindi ko talaga makakayanan. Mas mabuti pang mamatay na ako!” Wala akong masabi sa ate ko. Tulungan daw si Dad e, tumakas siya. Kahit kailan talaga napakahusay mang uto at mag palapad ng papel. Ang kaso hindi naman na kami mga bata na kapag sinabi niya na gawin mo to para love ka na ni Dad ay basta na lang ako ulit maniniwala. Hindi ko na rin naman alam kung kailangan ko pa ba ang pagtingin at pagmamahal nila para sa akin. “Halimaw? Ayaw mo sa mukhang halimaw pero ang ugali mo mas malala pa sa halimaw. Get's ko na ate ang main purpose ng tawag mo. Don’t worry itutuloy ko ang kasal, basta walang sisihan at bawian sa huli.” kalmado man pero may yabang ding kalakip ang pagkakasabi ko noon. Kung saan at ano ang dahilan ng pagyayabang ko ay hindi ko klarong kayang ipaliwanag. Basta pakiramdam ko may kakaiba kay Maximus. “Pinapatawa mo ako Callie. Tinakasan ko nga tapos babawiin ko sa’yo. Napakalabo kahit sa’yong sa’yo na habang buhay ang pangit na ‘yan.” Tawang tawa na tugon ng ate ko sa akin. Pero kahit gano’n hindi nabawasan ang kumpyansa ko na nararamdaman. Dama ko kasi na sa huli ako pa rin ang panalo sa aming dalawa. “Sige na Callie, nandito na ang sundo ko. Alam mo napaka-gwapo niya at yaman.” hitad na sabi ng kapatid ko tsaka namatay ang tawag na obvious naman na galing overseas. Batid ko na alam ni Dad kung nasaan siya. Pero alam kaya ng tatay namin ang kalandian niya? Sabagay kahit yata makapatay si ate Nilda ay anghel pa rin ang tingin sa kanya ni Dad. Dala ng curiosity, hinanap ko sa google kung saang bansa galing ang tawag ng kapatid ko. Hindi naman mahirap hanapin iyon. “Macau!” Nasa Macau lang pala siya. Ang gaga lang din niya sa part na tumawag pa siya sa akin. Hindi niya pa ata narerealize na pwede ko siyang isumbong kay Maximus kung nasaan siya ngayon. Ngunit dahil buo na rin ang pasya ko wala akong balak sabihin kay Maximus kung nasaan siya. Baka nga alam na nito kung nasaan si ate at ayaw na lang ipilit. Kung sabagay pwede naman niyang mahalin ang ate ko kahit ako ang pinakasalan n’ya. “Ouch!” Wala sa sariling daing ko ng biglang kumirot ang kanang parte ng aking dibdib. Sandali ko lang naman ‘yun na ininda at nagdesisyon na bumaba na lang para makasama ang mga ate ko. Habang pababa ako ng hagdan naririnig ko ang tila pigil na paglakas ng galit na boses ng aking ama. Habang palapit ako ng palapit natatawa ako dahil ang magaling kong ate na medyo bobita ang kausap niya. Sinasabon lang siya ni Dad dahil sa ginawa na pagtawag sa akin. Na detect siguro ng system ng bahay. Ganyan si Dad, buti na lang nag phone na galing kay Max ay hindi niya nagalaw kaya wala itong access doon. Tagong tago ko tuloy ang cellphone na ‘yun. Hindi ko pa rin natitingnan kung may message ba ang lalaki o tawag. Nang makarating na ako sa baba agad na sana akong pipihit papunta sa kusina ng tawagin ng aking ama ang pangalan ko. “Callieyah ‘wag mong subukan na magsumbong kay Max. Wala na rin namang mangyayari dahil mas gusto ka ni Leon at Marrah.” nagbabantang sabi ni Dad. “Nerbyoso na po pala kayo ngayon Dad. Walang magsusumbong kung ipapangako mo na hinding hindi mo na sasaktan ang ate Ning at ate Liv ko.” “Tusong tuso ka rin tulad ko. Anak nga kita! Wala namang masasaktan basta walang magta-tangkang kumalaban sa akin. Itikom mo ang bibig mo at ituloy ang kasal lahat tayo magiging masaya at matiwasay.” Hindi ako sumagot sa sinabi ni Dad pero nagsimula na akong humakbang papunta sa daan kung saan nandoon ang kusina. “Callieyah! Masyado kang matigas. Kung kasing hinhin at mayumi ka lang sana ng ate mo e’di sana okay din tayo.” bulalas pa ni Dad na waring na sa akin talaga ang problema. “Mas gugustuhin ko na ang maging suwail at matigas na anak sa mga mata mo, kaysa maging anak at kampon ni Hudas!” bulong na ani ko tsaka muling naglakad. Hindi naman nag-react si Dad kaya malamang hindi niya narinig. Pagpasok ko sa pasilyo gulat na gulat ang babaeng nakakubli doon. Hindi niya siguro naramdaman ang mga yabag ko. “Narinig mo ba ng klaro Vergie? Baka hindi, I can tell you everything para mai-report mo ng maayos sa ate ko.” “Ahh, wala po akong narinig—” “Virgie sa pamamahay na to isa ka sa pinaka bulag, bingi at pipe kapag ang ate ko ang gumawa ng mali. Pero kapag ako napaka-professional Professional na tsismosa. Kahit kasi kakaliit-liitan na detalye tanda mo. Alam mo may napapansin ako. Habang dumadaan ang mga taon parang sa sobrang close mo sa ate ko mas nagiging kamukha mo na siya kaysa sa sarili naming ina.” “Miss Callie igalang n’yo naman po ako at ‘wag sanang ihalintulad sa gandang pisikal at katangian ng ate mo—’ “Saang banda maganda? Alam mo I remember something. Kasabihan ‘yon ng mga matatanda. Sabi nila kahit gaano kapangit ang ugali at itsura ng isang tao may isang babae lang ang hindi susuko at tatanggap sa kanya kahit nakikita lahat ng nakakasukang traits. Alam mo ba ang tawag sa babaeng ‘yun. Isang INA. Bagay sa’yo para sa ate ko. Kasi para sa’yo lahat sa ate ko perpekto. Virgie, favor naman pakisabi sa ate ko na tuloy ang kasal namin ni Maximus Davis kaya kung nasaan man siyang lugar ngayon ay pwedeng pwede na niyang ikalma ang malandi at nangangati niyang kaluluwa.” nakangiti at may pang aasar na sabi ko sa babae tsaka ko ito nilampasan. Mapapagalitan na naman ako ng mga ate ko kapag nalaman na sinagot ko si Virgie. Sa lahat ng kasama namin sa bahay mapa hardinero, driver at labandera kay Virgie lang mainit ang dugo ko. Siguro dahil marami na rin itong nagawang mali sa akin noon pa man alang alang sa pagtatakip sa ate ko. Kasi kahit ako naman ang alaga ni ate Ning at ate Liv kapag mali ko pagsasabihan nila ako. Ibang iba kay Virgie. Tutulungan niya pa ang kapatid ko na magtahi ng kasinungalingan. Mabait pa rin ang Diyos mabubuting tao ang iniwan niya sa akin ng mawala si Mom. “Miss Callie, thank you. Salamat sa pag-salba sa ate mo.” habol ni Virgie na sabi. Naramdaman ko ang sinceridad niya pero lalo akong nainis sa kanya. “Don’t mention it. May araw naman kasi ng tamang paniningil.” balewalang ani ko sabay hakbang na sa muling ng may humarang sa akin na dalawang babae. “Patay!!” “Sinong patay alaga?” tanong ni ate Liv. Tapos si ate Ning naman ang sumunod na nagtanong “Anong sabi namin sa’yo?” “Opo na. Kasalanan ko na.” pag-amin at pagtanggap ko sa aking kamalian. “Sabi namin gumalang ka sa matatanda, pero matuto kang lumaban kung dapat labanan. Liv may kasalanan ba ang alaga natin?” “Wala. Wala naman siyang ginawang mali. Tama lang naman ang ginawa niya dahil hindi porkit matanda laging tama.” tugon ni ate Liv. Nagkatinginan kaming tatlo sa huli ay nagka-tawanan kaya ang ending lumayas na si Virgie. “Proud kami sa’yo. Mas matapang ka na at may boses pero sana ‘wag mong iwawala ang tunay na ugali ng aming alaga na si Callie ha!” “Hinding hindi siya mawawala mga ate. Lalaban lang at magkakaboses ako. Marami akong gustong gawin at isa doon ang alamin ang tunay na dahilan ng aksidente ni Mommy.” “Callie!” sabay nilang tawag sa pangalan ko. Batid ko ang takot at pag-aalala nila. Pero gagamitin ko ang pagiging Davis para kalkalin ang nakaraan. Mas lalo lang akong naging desidido na ikasal kay Maximus. Kung isang laro ang hain niya sa akin, makikipaglaro ako ayon sa gusto niyang takbo ng laro. "Ate Ning, ate Liv kailangan kong malaman ang totoo. Hindi pwedeng walang nangyari sa kaso ni Mommy. May mali. Kaya hahanapin ko ang tamang sagot."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD