CALLIEYAH
BAGOT na bagot ako sa buong araw na pananatili ko sa bahay. Akala ko pa naman hahayaan na ako ni Dad lumabas kahit na hindi na ako nagbubukas ng topic tungkol sa pagtutol ko sa kasal.
Mula ng gabing makita at makasama ko muli si Uncle Max maging ang pamilya niya virtually mas naramdaman ko na mas okay kung papasok ako sa kasunduan. Wala rin namang pagkakaiba kung papayag ako at hindi. Baka nga totoo ang pangako ng pamilya Davis.
I maybe a replacement, pero isa lang ang tiyak ko base sa ugali nila. No one messes around with Davis. Ang kailangan ko na lang gawin ay araw-araw paalalahan ang aking sarili na replacement lang ako. Iwas pusoy at kahihiyan lang sila.
Kung sabagay wala pa namang announcement before kung sino sa anak ni Aquilino Carlos Flores ang nakatakdang ikasal kay Maximus Davis.
“Kalmahan mo lang Callie. Always put on your mind. Hindi ikaw ang ate Nilda. Hindi ikaw ang totoong gusto niya na maging asawa.”
Mukhang tanga na sabi ko sa aking sarili habang nakatitig sa repleksyon ko sa tubig mula sa swimming pool. Ilang sandali akong natigilan bago napa-kurap-kurap. I’ve realized na may mali sa sinabi ko.
“God! For God sake, Callie! Ano ‘yun? Anong alam mo don? Ano nga ba?” bulalas ko ng sumigid sa aking utak ang aking sinabi. Halos bali ang leeg ko kakailing.
Kung hindi lang masakit sinabunutan ko na ang buhok ko.
“There’s nothing special about him. Impossible! Callieyah naman…Attraction? Hindi. Crush—God no. Baka mas tamang sabihin na curiosity lang at hype dahil sa paraan ng pagtrato nila sa akin.” sabi ko pang muli para kumbinsihin ang sarili ko na wala lang iyon at posibleng na overwhelmed lang talaga ako.
“Tama! Tama. Pinaramdam lang nila sa akin ang mga gusto ko na maramdaman mula kay Dad at ate Nilda. ‘Yun lang ‘yun—”
“Kawawa naman ang alaga natin Ningning.”
Nahinto ako sa pagsasalita ng marinig ang sinabi ng boses na kilalang kilala ko. Galing iyon kay ate Liv. Mula sa pagkakababad ng aking paa sa pool mabilis akong bumaling pa kanan.
“M-mga ate kanina pa po ba kayo d’yan?” alangan natanong ko sa kanila na sabay na pagtango naman ang tugon sa akin.
Habang nakatitig ako sa kanilang dalawa agad kong naramdaman ang pagkalat ng init sa aking buong mukha, pababa sa aking leeg na umabot ang epekto sa aking dibdib.
Biglang kumalabog ang aking dibdib, pakiramdam ko may naghahabulang kabayo sa loob noon. Gulong gulo naman ako kung naramdaman ko ang ganito.
Simpleng kinagat ko ang pang ibabang labi ko ng biglang tumili ang dalawang babaeng ngayon ay nasa magkabilang side ko na. Nakibabad na rin sila ng paa sa pool tulad ng ginagawa ko.
Mas lalo lang akong naalangan, mas bumilis din ang t***k ng dibdib ko.
“Sabi na sa’yo Ning may something sila.”
“Mukhang tama ka nga.” segunda naman ni ate Ning.
Para akong na hotseat bigla kahit na hindi naman sila nagtatanong. Paano magtatanong e, parang alam na alam na nila ang totoo. Ano nga ba ang totoo? Kahit ako hindi ko alam.
“Alaga ‘wag ka ng mahiya sa amin. Tsaka age doesn’t matter naman.” wika ni ate Ning.
“Kulang sis. Alaga walang mukha ang pag-ibig basta tumama. Okay lang na hindi gwapo basta sa mata niya ikaw ang pinaka sa lahat.” dagdag ni ate Liv.
Imbis na makatulong ang dalawa lalo lang akong nakaramdam ng matinding asiwa at tensyon. Dahil sa hindi ko na alam ang gagawin o dapat maging reaksyon, ay pinili kong mag dive sa pool, na kasama silang dalawa. Ang lagay ako lang ang mababasa.
Sigawan at tawanan na malakas ang pumuno sa buong swimming pool area. Mabuti na lang at wala si ate Nilda. Masyadong iritable ang isang ‘yon kapag nagka-katuwaan kaming tatlo.
“Callieyah Mace Flores!”
Malakas na umalingawngaw sa buong 1000 square meter na kabahayan ang pagtawag ng aking ama sa buo kong pangalan. Nakalimutan ko na hindi lang pa si ate Nilda ang ayaw sa maingay o mas tamang sa kasiyahan na meron ako.
Dahil sa alam ko na ang magiging scenario hinila ko sa aking likuran si ate Ning at ate Liv. Ako ang unang lumakad papunta sa hagdan kung saan nakapamewang ang aking ama na mala-dragon na naman ang itsura.
“What’s the meaning of this Callieyah?!” pikon na tanong ni Dad.
Kahit gano’n parang nakaramdam ako ng tuwa. Kasi pikon na pikon na siya sa akin pero hanggang sigaw lang ang magagawa niya.
“Swimming?” patanong na tugon ko.
“Damn you! Niloloko mo ba ako? Swimming kasama ang katulong. Grow up Callie, magiging Davis ka na sa lalong madaling panahon kaya umakto ka ng tama—”
“May mali po ba akong ginawa? May rules po ba ang pag-swimming na ‘di ko nagawa? Grow up talaga Dad? Papunta pa lang po ako roon sana, pero ang gusto n’yo talaga lampasan ko ‘yun kasi malayo ang age gap namin ni Maximus. Lahat na lang ba ididikta mo Dad? tell me baka marami pang iba d’yan sa loob ng utak mo.” putol ko sa kanyang sinasabi sa akin.
Napa-diktador n’ya sa akin samantalang kay ate Nilda ay hindi naman.
“Ingrata!” sigaw nito sa akin sabay amba ng sampal. Hindi naman ako na tinag ni pumikit ay ‘di ko ginawa. Alam ko na mas lalo ko siyang ginalit pero wala na akong pakialam. I respect him as my Dad but I can also disrespect him kung lampasan na siya.
Hindi ko talaga gusto kapag ibinababa niya ang turing sa dalawang babae na nag-alaga sa akin. Kung ako kasi ang tatanungin mas tao ang mga ito kaysa sa kanila ng ate ko.
“Sumakit po ba ang kamay n’yo Dad kaya hindi n’yo nagawang ituloy? Masyado po ba akong malayo at ‘di n’yo abot? I can come closely para naman sapul na sapul n’yo ako sa mukha.” malumanay na tanong ko matapos ko siyang pasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.
Batid ko naman ang dahilan kung bakit hindi niya magawang ituloy ang pagsampal sa akin at dahil ‘yon kay Maximus. Masaya pala ang ganito. Mas nagiging totoo ako sa sarili ko.
“Callieyah don’t push it! Hindi ako takot sa mga Davis lalo na’t mas may karapatan ako dahil anak kita!” sigaw niya na halos malagutan ng hininga.
Masama nga siguro akong anak dahil natutuwa ako sa aking ama na halos pulang pula na ang buong mukha at leeg tanda ng labis na galit.
“Dad relax, baka paano kayo n’yan. Kapag nagkasakit kayo, kayo rin mauurong ang date ng kasal or worst makahanap ako ng paraan para makatakas.” tunog concern na ani ko, pero sa loob ko hindi na magkamayaw ang inner self ko dahil ngayon parang simula na ng mas makatotohanang ako.
“Ning anong nangyari sa alaga natin? Nasaniban ba siya ng pamangkin ni Satanas? Pero mas gusto ko siya ngayon.” narinig kong tanong ni ate Liv kay ate Ning. Kung sila nagustuhan ito mas lalo naman ako. Ang gaan kaya sa pakiramdam.
“Don’t play with me Callieyah. Ano man ang pangako sa’yo ni Maximus hindi mangyayari. Dahil lahat iyon ay parte lang pang uuto niya sa’yo! Masyado ka naman agad ng titulado. Davis are dangerous and have to play with, sa huli ako lang ang matatakbuhan mo. Ayusin mo ang sarili mo baka mamaya dumating Mero na assistant ni Maximus, maabutan kang parang basahan.” balik ni Dad sa akin.
Medyo naapektuhan at napaisip ako sa kanyang sinabi. Kung laro at pang uuto lang ito, “ Gano’n pala! E'di mag-utuan na lang kami or much better kung mag gamitan tayong lahat.” ani ko sa aking isip.
Tama na ang hopeless era sa buhay ko. Tutuparin ko pa rin ang pangako ko sa aking sarili. Ipapakita ko sa kanila na may halaga ako kasabay ng pagbibigay ko ng leksyon sa kanila. Pagsisisihan nilang kinaladkad nila ako sa sitwasyon ito.
“Callie, okay ka lang ba?”
“”Di ka pa ba sanay sa Daddy mo?”
Magkasunod na tanong nilang dalawa sa akin habang ako na sa palayong ama ko na ang tingin.
“Sanay na mga ate. Pero sila tiyak na magugulat sa akin soon.” tugon ko sa dalawa, ngunit ng marealize ko na parang creepy ‘yun dahil ‘di sila nakaimik ay inihanda ko ang aking sarili para harapin sila. Pagharap ko sa kanila ngiting ngiti ako na akala mo walang nangyari at wala akong nasabi na hindi bago sa kanilang pandinig.
“Bihis na tayo mga ate, baka bumalik pa si Dad.” wika ko sa kanila na tulala pa rin.
“Ate Ning, ate Liv tara na.” ulit ko na pagkuha ng atensyon nila. Doon palang sila kumilos.
“Callie ‘wag kang aanib sa mga gumagamit ng dark magic ha! 'Wag mong kalimutan na iba ka sa Daddy mo at kay Nilda.” seryoso na sabi ni ate Ning.
“Kung ano man ‘yang bumabagabag sa’yo malalampasan mo rin ‘yan basta ‘wag mo silang gayahin.” ani naman ni ate Liv.
Sandali akong napaisip kaya nawala ang ngiti sa aking labi. Hindi naman talaga ako magiging katulad nilang dalawa, ‘yun ang goal ko. Ang maiba sa kanila kahit kapamilya ko sila. Pero kung kailangan na kalabanin sila para matauhan gagawin ko at ang mga Davis ang tutulong sa akin especially si Maximus.
Mahigpit na yakap ang sinagot ko sa dalawa tsaka kami sabay sabay na umalis sa pool area. Sa likod bahay kami dumaan para walang problema. Naiwan sa quarters nila ang dalawa kong ate habang ako naman ay umakyat na sa aking silid. Balot ang aking katawan ng makapal na towel na sila mismo ang naglagay.
Pagpasok ko sa aking silid sa banyo ako dumiretso kahit na nakita ko na umiilaw ang phone ko. Wala naman kasing basta tumatawag sa akin sa numerong iyon bukod sa mga tagapag-alaga ko.
Imbis na magmadali sa paliligo sinadya kong tagalan ang pananatili doon. Nagmumuni-muni muna ako ng ilang minuto bago lumabas. Paglabas ko ng banyo na nakabihis na ako. Muling nasipat ko na umiilaw ang aking phone kaya nilapitan ko. Nagtataka man ay sinagot ko ang tawag mula sa unknown no.
“Hello, sino ito?”
“Good girl ka talaga!” wika ng nasa kabilang linya.
“Ikaw? Bakit ka tumawag?” iritableng sabi ko at tanong.
“Calm down—”
“Bakit nga? Ano pa ba ang kailangan mo sa akin?”
"Watch your tone Callie! 'Wag kang bastos." gigil na ani ng nasa kabilang linya.
Kung siya gigil lang ako halos dumugo ang braso ko dahil sa pagkakakurot ko doon para lang kontrolin ang aking sarili. Kailangan matutunan ko silang sabayan sa kalmadong paraan.