MAXIMUS POV.
HINDI ko talaga gusto ang paraan ni Aqui na ginagawa para makumbinsi ang anak niyang si Callieyah na makasal sa akin. I hate forcing people to be with me. Dahil kung may kailangan ako kusa ko iyon na nakukuha. Mas lamang nga na kailangan ako ng mga tao sa paligid ko kaysa kailangan ko sila.
I’m not rushing anything but Aqui insisted na madaliin ang lahat. Hindi niya kasi kayang basta mapasunod si Callieyah. Kaya panay ang pagmamadali niya na ituloy ang kasala, habang nagagawa niya pang pakainin ng takot ang bunso niyang anak na nagrerenda rito para pumayag sa kanyang gusto na kasal.
Wala naman sa isip ko ang kasal. Pero kailangan ko lang na maikasal to secure my assets and live my life peacefully. Iba kasi makipaglaro ang sarili kong ama at kuya. Hihinto lang sila na kalabanin ang mga negosyo ko kung may isang babae na titira mansion at makakasama ko na siyang magiging kabiyak ng aking buhay. They live in Spain for so long but their hearts remain full blooded pinoy. That family is better than any treasures in this world.
Para rin sa kanila mapapanatag sila kung may kasama ako sa buhay. Marami silang mga babae na inireto sa akin. But none of them were true and genuine. Kung hindi karangyaan ang gusto ay kamatayan ko naman para masolo ang lahat. Maraming rumors ang lumabas na kesyo inaawyawan ako ng mga babae dahil sa pangit kong mukha.
Pangit? Wala namang nakakita nito bukod sa akin mula ng magdesisyon akong itago sa lahat ang aking mukha kasama na rin ang aking sariling pamilya. Ang aksidente na naganap halos isang dekada at ilang taon na ang lumipas ay siyang nagbigay ng matinding aral at leksyon sa akin. No one can get near me easily. Walang wala lalo na’t may naiwan pasa lahi ng taong gumawa ng kawalang hiyaan sa akin. Hindi ko na sila hahayaan na malapitan ako lalo na ang mga magulang, kapatid, hipag at pamangkin ko.
Hindi na kailanman mauulit ang trahedya noon sa pamilya Davis. After dinner last night. I insisted, na ihatid si Callieyah but Aqui refused my offer. Masasagad na sana ang pasensya ko ng biglang makatanggap ako ng text mula sa aking Ina saying, “Take it easy and slow honey. She’s all yours now and soon it will be legal. Wala ng pwedeng makialam sa gusto mo at nararapat para kanya!” laman ng mensahe kaya naman ng tumanggi muli at nagpaliwanag si Aqui ay tumalikod na ako agad.
Hindi ko makakalimutan ang gabing iyon lalo na ang mga sinabi at akto ni Aqui sa harapan ko patungkol sa pagtrato niya kay Callieyah.
“I swear, hindi lang proteksyon, karangyaan at tahimik na buhay ang ibabahagi ko sa’yo kundi tuturuan kitang maging matigas, matapang at palaban!” Mahinang sabi ko sabay flash sa aking isip ang anyo ng maamong mukha ni Callieyah, na batid kong may tinatagong ibang galing at talento sa kaloob-looban niya.
“Crash them soon Mrs. Davis!” Ani ko pang muli sabay ngisi na huling huli ng kapapasok lang na lalaki.
Mero is short for Melvert Ross, one of my trusted men, acting my right hand and secretly one of my closest friends. Naging magkakaibigan kami dahil sa isang organisasyon na nabuo after I got accident. Mero belongs to a wealthy family in Europe but he chose to escape the hell life that he has in Europe. Tipikal na nakahiga sa pera pero nababalutan naman dilim at masangsang na amoy ng dugo.
Tingin ko naman na iiba ang organisasyon namin. Dahil kami ang gumigiba ng mga malalaking organisasyon na involved ang iba’t ibang ka anumalyahan na ginagawa. Hindi rin naman kami santo, malayong malayo ka doon.
“What?” Supladong tanong ko sa lalaki na mukhang tanga na nakatitig sa akin habang may ngising kambing na nakapaskil sa labi.
“I saw that! Don’t deny it Jefe (boss)!” tugon nito habang mas lalong kumawala ang nakakaloko na ngisi.
Kulang na lang ay mapunit na ang kanyang labi at mata dahil sa ngisi at pag-sibat sa akin ng tingin na parang sinasabi na huling huli niya ako maging basang basa niya ang laman ng isip ko.
“Jefe? So alam mo naman pala kung sino ako. Pero bakit ganyan ka pa rin?” malamig na wika ko.
Agad naman na umayos si Mero pero hindi naman nagtagal ay bumalik ito sa palagay na upo.
“Kasosyo, kasama sa organisasyon at the last time I checked; magkaibigan pa rin naman tayo. So tell me, talaga bang nasa mas bata matatagpuan ang matamis at wagas na pag-ibig?” eksahiradong sabu nito na nauwi sa mala tsismiso na ng uurirat na tanong.
“Why asking? Subukan mo kaya Mero para mas reliable ang makukuha mong sagot dahil tried and tested na. Mero kung wala ka namang importante na sasabihin at iba-balita sa akin, better you leave now. Wala kang mapapala sa akin—”
“I already found her.” thrill na putol niya sa akin. Inaasahan ko naman na makikita niya ang taong pinahahanap ko. Pero mas gusto kong malaman kung tama ba ang hinala ko.
“‘Wag kang pabitin Mero!” matigas na sabi ko kay Mero na ngumis na lang sa akin sabay iling.
“Kung sila maloloko mo na tungkol sa tipo mong babae, well ako hindi. Bukod sa walang ibubuga wala naman ng espesyal sa kanya.” ani pa ni Mero. Wala naman talagang ni isa sa kanila na mga kaibigan ko ang bumili ng ideya na ganong tipo ang gusto ko.
“I’m waiting,” inip na sabi ko sabay sandal sa aking swivel chair waring pagod ng maghintay.
“She’s now in Macau. Enjoying her life while spending a lot of money. Pera na binigay ng iyong pamilya recently lang para kay lady C. So clearly, they're trying to fool you. I mean the whole Davis clan. Magkasabwat sila. Well, umaayon naman sa'yo ang lahat.”
Napa-ngisi na lang ako bigla ng matapos ng magsalita si Mero. I knew it from the beginning, na may mali. They think they can fool me or my family. Poor human being, hindi nila alam iniisip palang nila nakokontra ko na. Gano'n ka estupido.at estupida sila.
“I hate that fücking smile Jefe! It creeps the hell out me.” bulalas ni Mero sabay himas sa kanyang braso.
“Such a feminine.” asik ko sa lalaki na umirap pa sa akin. Wala talagang tao na perpekto. Kahit pa sa isang grupo may lalabas na parang sinto-sinto.
“Mukha naman siyang hindi harmful Jefe. Anong plano sa kanya?” tanong na nagbalik sa amin ni Mero sa pagiging seryoso.
“Hayaan n’yo na siya. Mas laanan n’yo ng panahon at atensyon ang organisasyon. Higpitan din ang pagbabantay sa Dama walang pwedeng makalapit lalo na ang makapanakit sa kanya. That will be all Mero.”
Agad ng tumayo ang huli ng masabi ko ang utos at bilin ko sa kanya. Wala ng halaga na subaybayan pa ang tao na nasa Macau ang mahalaga ay ang magiging kaligtasan at katayuan ng Dama ko.
“My Dama del reino!” Mahinang usal ko sabay baling ng aking tingin sa aking private cellphone na mula pa ng bilhin ko kasabay ng kay Callie ay hindi naman nakatanggap ng kahit anong mensahe o tawag mula sa tanging taong na nakaalam ng aking numero.
“Stuborn. I’m not your enemy here. Ako ang kahuli-hulihang tao na magiging kaaway mo sa mundong ito.” dagdag sabi ko pa habang nasa cellphone pa rin ang aking tingin. Pasado alas tres naman ng hapon ng tumayo ako sa aking pwesto para umalis na sa opisina.
Sa labas ng pinto ng aking opisina ay naghihintay na si Mero. May mga kailangan kaming pag-usapan tungkol sa bagong plano ng organisasyon para sa isang mataas na opisyal ng Peru.
Bawat bansa na aming target nangangahulugan lang na may isang miyembro ng organisasyon na doon nagmula. Bawat bansa na aming pinagmulan ay ginagawa namin ang paglilinis, hindi lang basta dahil sa pansariling hangarin kundi para sa pangkalahatan lalo na sa aming mga mahal sa buhay.
Ang pangyayari sa akin noon ang talagang naging dahilan kung bakit nabuo organisasyon. Naging bukas hindi lang ang aking mga mata pati isip matapos akong makaligtas sa aksidente.
Napatunayan ko rin na tama si Dad at kuya na maraming kaaway sa negosyo ang aming pamilya. Mga kaaway na nagnanais kaming mabuta sa mundong ito. Mga kaaway na kahit mga maliit sasagasaan. Sila ang mga klase ng taong halang ang bituka na handang gumawa ng karumal-dumal na krimen alang alang sa pagka-kamal ng maraming salapi at malawak na kapangyarihan.
Itong magulong mundo na meron ako ang isa sa dahilan kung bakit wala sa isip ko ang magkaroon ng pamilya. Not until someone gave me the reason.
Rason na hindi ko alam bakit parang committed agad ako? Maybe what happened from the past awakened my inner ego to do this or maybe it is real.
“Spacing out Jefe.” tukso ni Mero.
“Porn hub at it's finest.”
“What? You so that—”
“Yeah, co’z I'm not spacing out. Gumagana ang lahat ng parte ng katawan ko kahit busy at okupado ang utak ko. Kaya nga ako ang Jefe at encefalo ng organisasyon.” mayabang na putol ko kay Mero saktong hinto na rin ng kotse.
Sa lahat siya lang ang nakakakuha maging nakakakita ng yabang ko. Yabang na kung tutuusin ay totoo naman.
“Fine! You win Max.” oa na pagsuko niya sabay baba at bukas ng pinto ng kotse sa side ko.
“Welcome to your kingdom Jefe.”
“Close your mouth, that will be a big help.”
Hindi na tumugon si Mero at sabay na kaming lumakad papasok sa isang building naang front ay isang steel company. Pero ang totoo sa loob nito maraming mga kakaibang technology na makikita na maaaring iilan lang sa buong mundo ang may kakayahan na mahawakan.
“Good to see you again Jefe.” sabay sabay nilang bati sa akin pagpasok ko sa central room na puno ng iba't ibang monitor that pin some locations around the globe.
I am the leader and the brain of this organization, kaya kahit kaibigan ko sila kapag nasa harap ng isang pagpupulong ako si Jefe na mataas ang katungkulan at sila naman ay mga kaanib mo maging mga tauhan.
"Let's start. Peru politician." tugon ko sa pagbati nila na agad naging alerto.
"Fritz alam mo naman ang ibig sabihin ng meeting na ito. Peru is our next target. So it means you're the one who'll handle this matter." Dagdag ko pa.
"Don't worry about that. Ako ng bahala. Just focus to your Dama." swabeng sagot nito sa akin na tila tumibag sa pagiging seryoso ng lahat.