Anabella AKALA ko noon, kuntento na ako sa buhay na mayroon ako sa Manila. Masaya naman ako roon. Mayroong matatawag na kaibigan, nairaos ang pag-aaral na may matataas na marka, at may mga alaga. Pero nang mabalitaan ko ang nangyari sa aking ama, tila ba gumuho ang lahat sa akin. Akala ko ay mababalikan ko pang buhay si Tatay rito. Akala ko, hindi ko na mararanasang sumaya nang lubos matapos niyon. Pero dahil nariyan na si Mama, at ang dalawang supling namin ni Evan ay naranasan ko rin sa wakas ang sumaya nang lubusan. Ilang buwan matapos ang naging kasalan ay nalaman ko na dinadala ko na pala ang panganay namin. Babae agad kaya tuwang-tuwa si Evan at ang pamilya niya. Ang laki rin ng naitulong sa akin ng pamilya niya dahil sila ang umalalay sa akin habang wala si Evan. Taon ang binib

