Kabanata 5

2112 Words
HIS LOVE, HIS MADNESS Anabella Ngunit sa b****a ng gubat ay may naulinigan akong boses ng kuting. Awtomatikong itinigil ko ang paglalakad at hinanap iyon. Hindi naman ako inabot ng ilang minuto bago ko ito masumpungan sa tabi ng bato at ngawa nang ngawa. “Naku! Kawawa ka naman, miming,” naibulalas ko. Mabilis kong kinuha ang panyo ko at iyon na lamang ang ipinambalot sa marumi nitong katawan. Hindi ko naman maaaring buhatin na lamang at basa rin ako’t nanlalamig. Nag-iisa lang ba ito rito? Grabe na at nangangayayat ang katawan. Sa tantiya ko ay ilang weeks na rin ito dahil nakakalakad na nang maayos. Nag-hum ako rito upang i-comfort ito habang tinatahak ang daan pauwi. Naabutan ko pa ang mga dagsaan ng tao sa lamay ni ama. Tila ako inatake ng kaba nang mapatingin ang mga ito sa akin. Naroon na ang magpamilyang Montehermoso na alam kong malapit kay ama at ina na nakikiramay rin. Mabilis akong nag-iwas at pumasok sa loob ng kubo dahil sa mga pares ng mga mata ng mga anak nila na lalaki na naroon at nakaupo. “Ate Bella, where did you go po?” bungad sa akin ni Cahel na nakahalukipkip at humaba ang nguso pagkakita sa akin. Bumaba ang tingin ko sa tablet nito na nakalapag sa mesang kawayan. Binalingan ko si Tito John na natawa sa itinuran ng anak niya. “She’s been looking for you since this morning, Bella,” tatawa-tawang anito kaya napakamot na lamang ako ng ulo. Inilapag ko sa mesa ang kuting at hinaplos ang ulo niyon. “I’m sorry, Cahel. I just looked for a waterfalls nearby, and I found one. You want to come tomorrow?” pag-aalo ko rito upang hindi na ito ngumuso. Paano’y nasanay na sa presensiya ko palagi. Agad na namilog ang mga mata nito at napatayo. “Oh, really, Ate? I want to go there!” tili nito na tinawanan ko. “Yes, yes. Tomorrow. For now, please guard this kitten. I’ll bring it to the vet, oki?” Nang tumango ito sa akin ay agad akong naligo at nag-ayos ng sarili. Isinuot ko ang pulang bestida ko na hapit sa katawan at sandals kulay itim. Wala namang takong iyon kaya hindi ako mamomroblema. Iyon lang naman kasi ang dala kong pang-alis na sapin sa paa rito. Pinatuyo ko lamang nang kaunti ang buhok ko bago lagyan ng clip sa bandang itaas ng kaliwang tainga. Matapos kong magpabango ay kinuha ko ang kuting at binuhat. “Tito, I’ll go now na po,” paalam ko sa matandang lalaki na ikinatango agad nito. Sunod kong binalingan si Cahel na nakatingala lamang sa akin at sa pusa. Hinalikan ko ito sa ulo bago magpaalam. Sinilip ko pa ang laman ng wallet ko dahil tiyak na mababawasan ang ipon ko nito nang malaki-laki. Paglabas ko ng bahay ay hindi ko napansin na naroon pa rin silang lahat. Tuloy ay nabaling na naman sa akin ang atensiyon nila. Nilunok ko na lamang ang kahihiyan at lumapit kay ina at Tita upang magpaalam. “Saan ka pupunta, Bella hija?” ani Nanay Criselda nang tumahimik ang mga tao. Hindi ko pinansin ang pag-irap sa akin ni Hope sa gilid na halata namang nagpapapansin na naman sa mga lalaki rito. Wala pa ring kupas ang kalandian nito. “Sa vet clinic po,” tipid kong tugon. Ni hindi ako mapakali sa pagka-asiwa sa mga tingin nila, lalo na ni Jackson na pinakamalapit sa akin. Tumikhim na ako’t lahat-lahat ay ayaw pa rin ako nitong tantanan ng tingin niya. Nabaling lang muli ang tingin ko kay Hope nang mapanuya itong tumawa at diring tiningnan ako. “Ano? Dadalhin mo pa sa clinic ang kuting na iyan? Puspin lang naman iyan, gagastusan mo pa,” anito na ikinablangko lalo ng tingin ko rito. Bigla na lamang kumulo lalo ang dugo ko sa babaeng ito dahil sa kagaspangan ng ugali nito sa akin, pati sa mga maliliit na nilalang. Umangat ang isang kilay ko at ibinalik dito ang mapanuyang tingin. “Ikinaganda mo ’yan?” itinago ko ang galit dito sa pagtataray. Umawang ang bibig nito, ni hindi inaasahan na sasabihin ko iyon. Umismid na lamang ako. “Aalis na po ako,” paalam ko at sinulyapan pa si Tita sa likod ni Nanay Criselda na tumango sa akin. “Teka, bago ka pa lang dito, hija. Baka maligaw-ligaw ka. Mabuti pa at magpasama ka rito kay Megan at alam na alam nito ang clinic sa bayan na lagi naming pinupuntahan,” sabat ni Ma’am Austrianna na ikinakagat ko ng ibabang labi. Wala akong nagawa kundi ang tumango rito at nagpasalamat. Pagtalikod ko ay sumunod sa akin ang babae, pati si Venus ay sumunod din na hinayaan ko na lamang. “Saan mo nakita iyan, Ate Bella? Kawawa naman siya,” ani Venus na kumapit sa braso ko upang mahawakan ang ulo ng kuting. “Doon lang sa may bungad ng gubat,” tipid kong turan sa kawalan ng gana dahil sa kapatid kong babae. “Grabe, ano? Ang pangit ng ugali ni Hope. Pasensiyahan mo na iyon, Ate Bella. Pero infairness, ang taray mo kanina sa bruhang iyon. May ganiyang side ka pala. Dapat lang talaga iyon sa babaeng iyon, nilalandi masiyado ang Kuya Jackson ko. Tsk!” Ngumiti lamang ako nang tipid kay Megan at pumara ng tricycle pagdating namin sa kalsada. Kaniya-kaniya pa kaming upo sa tricycle. Si Megan na ang kumausap sa driver sa destinasiyon namin. Nanahimik na ako kahit na kabisadong-kabisado ko naman ang lugar na ito. Ako na ang nagbayad ng pamasahe namin kaya walang nagawa ang dalawa. Pagbaba namin ng tricycle ay ang clinic na. “Dito namin idinadala ang mga alaga naming aso, Ate Bella. Mura lang sa kanila,” ani Meg na tinanguan ko lamang. Pumasok kami sa loob. Wala halos kustomer doon kaya napahinga ako nang malalim. Nang may lumabas na doktor ay nabigla pa ito nang makita ang mga kasama ko. “Oh, Meg at Venus. Nice to meet you again,” anito bago ngumiti sa akin. Ipinasuri ko rito ang kuting. Rinesetahan lamang ako nito ng gamot at kakailanganin laban sa paglalagas ng balahibo ng pusa dahil halos mapanot na ito. Pati mga bitamina ay kailangan kong bumili at pang-deworm oras na lumakas-lakas na ito. Tuloy ay nakahinga ako nang maluwag paglabas namin. Binili ko lamang ang mga kakailanganin nito. Kumuha na rin ako ng litter box nito at kulungan upang hindi mapasok ng daga. Medyo malaki rin ang nagastos ko rito at may cat food pa’t gatas na para rito. But it’s okay, basta ba maka-recover agad ito ay gagawin ko ang lahat. After that, iuuwi ko ito sa Manila. Sa biyahe ay sinusubuan ko ito ng pagkain upang malamanan ang tiyan nito. Enjoy na enjoy naman ito sa pagngatngat kaya pati ako ay naaliw. Lumawak ang pagkakangiti ko habang nasa kandungan ko ito at nakatulog na sa kabusugan. Tiyak na matutuwa ang iba ko pang rescued cats doon na naghihintay sa amin. Sa tapat ng bahay na kami huminto. Pagbaba namin ay tinulungan ako ng dalawa na magbuhat ng mga pinamili pababa ng tricycle habang kumakain ang mga ito ng binili kong ice cream. “Ate Bella!” tili ni Cahel na agad lumapit sa akin mula sa pagkakakandong sa ama sa tapat ng bahay. Nginitian ko ito at sinenyasan na huwag maingay at tulog ang pusa. Nanahimik naman ito at kumapit na lamang sa damit ko. “Ano’ng balita sa kuting mo, Bella?” anang Tita na ikinangiti ko tuloy. Ngunit agad din iyong nawala nang lumapit sa amin si Jackson at kinuha sa akin ang bitbit kong kulungan. Magaan lamang iyon kaya hindi ko na kailangan pa ng tulong niya. Ambang kukunin ko iyon nang ilayo niya at siya na ang kumuha ng mga bitbit ng mga kapatid niya. Wala itong imik nang ipasok niya iyon sa loob ng bahay, habang kami ay natitigilan. Ano ba ang problema ng sumpungin na iyon? Nakakapanibago ang pagtulong niya sa akin. Noon ay tatawanan pa niya ako kapag nahihirapan. Pumait lamang ang damdamin ko sa naisip. Pilit na lamang akong ngumiti kay Tita. “Okay naman na siya, Tita. Gagamutin lang ’yong balahibo niya at palalakasin,” tugon ko bago magpaalam na papasok na. Tahimik akong naupo sa upuang kawayan at sinulyapan ang lalaki na inayos ang pagkakalapag ng mga pinamili ko. Agad kong napuna ang paglaki lalo ng katawan nito at lalong pagtangkad. Wala na sa hitsura nito ang mapang-asar na Jackson na nakilala ko noon, he’s very serious now. Umiwas agad ako ng tingin nang lingunin ako nito. “Salamat,” turan ko na lamang at nilubayan na ito ng tingin. Kita ko pa ang saglit nitong pagtitig sa akin bago lumabas ng kubo. Bumuga ako ng hangin at ipinagpatuloy ang pagpapadede sa kuting sa maliit nitong bote. Nais ko sanang doon sa tabi ni ama tumambay dahil mahangin, ngunit hindi ko magawa dahil naroon ang halos buong angkan nila na nakikiramay. Kinagabihan ay nalaman kong hindi pala puwede ang balahibo ng pusa kay Nanay Criselda at inuubo ito. Tuloy ay ipinagamit sa akin ni Tita ang likod ng van upang pansamantalang matutuluyan ng pusa. Ini-angat ko ang pinto sa likod niyon at doon tumambay. Tulog naman na ang kuting sa loob ng kulungan nito dahil busog na sa pagkain at gatas. Nagkuyakoy na lamang ako at tahimik na pinagmasdan ang lamay ng aking ama. Hanggang ngayon ay naroon ang mga kapatid ko at ang mga Montehermoso. Ayaw din umalis ng mga lalaking kapatid ni Megan kaya lalong hindi ako makalapit doon. Mamaya na lamang sigurong madaling araw kapag wala na sila. Umalpas ang isang malalim na paghinga mula sa bibig ko at tumagilid ng upo. Isinandal ko ang likod sa gilid at tinanaw ang mga butuin sa kalangitan. A peaceful night . . . Hanggang sa ang tingin kong iyon ay aksidenteng nahulog sa magpamilya na medyo malayo sa mga kasamahan nila. May mga bata silang kasama at sanggol kaya naiintindihan kong hindi maaaring lumapit masiyado sa kabaong ni ama. Nagkukuwentuhan ang mga ito habang magka-akbay. I can see contentment in their eyes, they’re a happy family. Nagsilakihan na ang mga anak nila na dati-rati ay hindi pa nakakalakad. Malapit na rin silang magkaroon ng mga dalagita’t binatilyo. Ang iba sa mga anak nila ay namana sa ina ang mga mata. Naniningkit ang mga iyon, ang iba ay sa ama nakuha na tila mata ng manika. Mahahaba ang pilik-mata at magaganda ang korte ng mga kilay. Magagaan ang bawat hawak ng lalaki sa asawa’t mga anak. Noon pa man ay ganito na siya kahit pa may pagkabarumbado ang ugali minsan. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit nagkaroon ako ng pagkagusto sa kaniya. Pero hindi iyon maaari dahil menor edad pa ako noon at may babae na sa puso niya. Naalala ko pa noon kung gaano ako namamangha sa mga mata ni Alessandro na parang mata ng manika, ngunit lalaking-lalaki naman ang hitsura. Parang hawig ito sa mga Arab na nakikita ko sa internet. Hindi nakapagtataka na magaganda ang lahi nila. Mula sa ’di kalayuan ay ang pupungas-pungas pa na sina Meg at Venus. Halatang kagigising pa lamang ng mga ito. Luminga-linga pa ang mga ito at nag-usap at hinahanap ako. Natawa na lamang ako nang mahina. Hindi naman pansinin ang puwesto ko dahil madilim dito banda. Humalukipkip ako habang pinagmamasdan ang dalawa na lumapit sa mga kaanak nila upang ipagtanong kung nasaan ako. Hanggang sa ituro ako ni Tita na kumausap sa kanila. Doon umaliwalas ang mukha ni Meg at agad na tumakbo papunta sa akin. Hindi pa rin nito inaalis ang pagkaka-braid ng buhok, at ganoon din si Venus. Medyo nagulo na nga buhok ng mga ito dahil natulog nang hindi iyon inaalis. “Hi, Ate!” hyper na ani Meg at tumapat sa akin. “Hello . . .” “Bakit ka po nariyan? Ayaw mo po ba roon para makilala mo ang mga pinsan namin?” pangungulit na naman nito at inginuso ang puwesto ng mga pinsan niya. Ngumiti at inilingan ko lamang ito. For sure, kapag nakilala ako lalo ng mga ito ay tiyak na maaalala nila ang naging kahihiyan ko noon. Ngumuso ang babae sa harapan ko ang marahang kinuha ang kamay ko. “Sige na, Ate. Mababait naman ang mga pinsan ko. Hindi sila nang-aaway, promise.” Nais ko itong tanggihan nang hilahin na ako nito papunta roon. Huminga na lamang ako nang malalim nang paupuin nila ako sa mahabang upuan na naroon. Ni isang tingin doon ay hindi ko sinalubong. Nanatili akong nakatingin sa mga kamay ko na agad kong itinago dahil sa unti-unting panginginig niyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD