Kabanata 4

2223 Words
HIS LOVE, HIS MADNESS Anabella Inalis ko lamang doon ang tingin nang bumalik si Meg na hila-hila ang tatay niya. Napatayo ako bago pa man ang mga ito makalapit sa akin. Nagmano ako sandali rito bago ikalma ang sarili. Naupo ang mga ito sa katapat kong couch kaya’t huminga ako nang malalim. “Sir, pasensiya na po. Pero hindi ko po matatanggap ang alok po ninyo. Isang linggo lang po kasi ang itatagal namin dito,” imporma ko rito. Hindi nagbago ang reaksiyon nito sa narinig kaya nabahala ako. Kita ko ang pagkawala ng mga ngiti ni Megan sa tabi nito at napanguso sa akin. Mayamaya ay tumango ang matandang lalaki at ngumiti nang tipid. “I understand. It is okay, Miss. Thanks for informing us,” anito at tumayo. I looked at Meg beside him, she was biting her lower lip. Huminga ako nang malalim at nagpaalam na sa mga ito dahil iyon lang naman ang ipinunta ko rito. Ngunit huminto ako nang harangan ako ni Meg sa daanan at napanguso. “Dito ka na lang, Ate Bella, please. Dito ka na lang,” pamimilit nito na nagpataka sa akin. Kakikilala pa lamang namin, ayaw niya na agad akong paalisin? Pagak akong natawa sa isipan. Tipid ko itong nginitian at umiling. “Hindi ako maaaring magtagal dito, Megan.” Lalong humaba ang nguso nito at lumaylay ang magkabilaang balikat. “Sige na nga, Ate. Yayain na lang kitang mag-almusal sa garden. Maraming mais na iniluto si Mommy, malalaki iyon at masasarap,” pangungulit nito kaya buntong-hiningang pinayagan ko ang nais nito. Sa tapat lamang ng malaking bahay nila ay naroon ang sinasabi nitong mais na niluto ng ina nila. May mahabang mesa roon na dati na nilang kinakainan kapag trip nilang kumain sa labas ng bahay. Kita ko roon si Venus na natutulog sa mesa habang may hawak pang mais. Eksaktong lumabas si Ma’am Austrianna na may katawagan sa phone nito at hindi agad kami napansin. Hinila ako paupo ni Meg sa tapat ng mahabang mesa at malakas iyong pinukpok, dahilan para maalimpungatan ang kawawang si Venus. Pinigil ko ang tawa nang makita ko ang papikit-pikit pa nitong mga mata at saka nito sinamaan ang babaeng katabi ko. Amba pa itong magsasalita kung hindi lamang ako napansin. Umawang ang bibig nito at nabitiwan ang hawak. “Ate Bella! Naku, kain ka po,” alok nito sa akin na inurong ang malaking lalagyan ng mais na iniluto. May margarine pa roon at asin kaya natakam ako nang lihim. Nagpasalamat ako rito bago kumuha. “Hindi tinanggap ni Ate ang alok ni Dad, Ate Venus,” tila nagsusumbong na ani Meg sa kapatid na ikinatingin ko sa kanila. Natigilan ang kaharap namin ngunit agad ding nakahuma. “Sayang naman, Ate. Wala kasing babae rito na halos kaedaran lang namin na maaari naming kaibiganin,” malungkot na ani Venus, dahilan para ako naman ang matigilan sa kinauupuan. Kinunotan ko sila ng noo at itinigil ang pagnguya. “Halos kaedaran ninyong babae? Marami sa mga kasambahay ninyo at kapit-bahay, a.” Ngumuso si Meg sa tabi ko at nangasim ang mukha. “’Yong grupo ni Criza? Ayaw namin sa kanila dahil crush na crush nila ang mga kuya ko, pala-away pa sila masiyado,” himutok nito. Dahan-dahan na lamang akong tumango at ipinagpatuloy ang pagkain. Isang buong mais lamang ang nakonsumo ko dahil kakakain ko lang din ng almusal sa bahay. Naglinis pa ako ng bibig at mga kamay sa gripo nila bago bumalik sa upuan. “Ate, ikaw lang po ang nag-braid ng hair mo po?” puna ni Megan sa buhok ko na maayos na naka-braid. Ngiting tinanguan ko ito at hinaplos pa iyon. “Ang galing n’yo naman po pala. Puwede rin po ba akong magpatali niyan?” “Sure.” Agad akong tumayo at sinuklay-suklay ang napakahaba nitong buhok. Maayos naman iyon tingnan kaya hindi ako masiyadong nahirapan sa pag-braid ng buhok niya. Soft, straight and silky, ganiyan ang buhok nilang tatlo ni Ma’am Austrianna. Para tuloy silang mga diwata tingnan minsan dahil sa haba at ganda ng buhok nila. Tinirintas ko lamang ang buhok nito mula tuktok pababa sa bandang batok. Natagalan pa ako sa bandang dulo ng buhok nito dahil sa haba niyon na aabot sa ibaba ng pang-upo. “Alam mo, Ate. Naalala ko sa iyo ’yong kilala kong mabait na ate. Hindi ko lang maalala ang mukha niya, pero noong bata pa lang ako ay naaalala ko na palagi niyang tinitirintas ang hair ko nang ganito,” anito na bahagya kong ikinanigas. Ang talas naman ng memorya nito. Napakatagal na niyon at paslit pa siya masiyado noon. Tinitigan ko ang ulo nito, bago sulyapan si Venus na pinagmamasdan kami at tila hinihintay na i-braid ko rin ang buhok niya. “Ah, si Ate Sweet? ’Yong palagi mong idinadaldal noon?” sabat ni Venus kaya tila ako nabato sa kinatatayuan. “Yup! Magaling siya mag-braid ng buhok, e. Lagi niya rin akong binibigyan ng pagkain noon kaya gustong-gusto ko siyang makita muli. Sayang lang at wala na siya, mabait pa namang ate iyon.” Hirap akong napalunok dahil sa mga narinig. Hindi na ako nagkomento pa sa usapan nila at tinapos na lamang ang pagtirintas sa buhok ng dalagita. “Hi, good morning.” Nabitiwan ko ang dulo ng buhok ni Meg na katatapos ko lamang puluputan ng pantali. Agad akong napaharap kay Ma’am Austrianna na malambing ang boses na tumabi sa amin. “A-Ah, hello po . . .” Mariin kong nakagat ang ibabang labi nang titigan ako nito at nangunot ang noo. “Oh! You look familiar, hija. But anyways, ikaw ba ’yong bagong kaibigan ng mga anak ko? ’Yong bagong dating dito?” tanong nito at kumuha rin ng mais upang ngatngatin. Ngumiti na lamang ako at tumango. “Opo, ako nga po.” Nilapitan ko si Venus na nagpapa-braid din ng buhok. Sinimulan ko iyon habang nakikinig kay Ma’am Austrianna na ganoon pa rin, mabait tulad ng dati. Huwag lang gagalitin at bumubuga ng apoy sa ibang tao na nananakit ng pamilya niya o mga kalapit na kakilala. “Kaya naman pala pinagkukuwentuhan ka ng mga tao rito, talaga ngang maganda ka. Naku, ingat-ingat ka riyan sa labas, hija. Baka ligawan,” anito na nagbiro pa. Hindi ko tuloy alam kung ngingiti ako o hindi. Ako? Pagkukuwentuhan ng mga tao rito? Parang tulad lang noon, ngumit puro panlalait. Napailing ako nang lihim sa sarili. “Mom, malapit na ba sila?” anang Meg na tila gandang-ganda sa sarili. Panay ang haplos nito sa buhok at pangiti-ngiti pa. Ngunit hindi iyon ang ikinabato ko, kundi ang naging tanong nito. “Ah, yes, yes. Tumawag si Kuya Evan mo kanina, malapit na raw sila.” Shit. I need to get out of here. Binilisan ko na lamang ang ang ginagawa, kahit pa bahagyang nanginginig at nanlalamig ang mga palad ko. “Really? Yehey! Excited na akong makita sila ulit!” bulalas ni Meg bago ako balingan. Ni hindi ko kayang salubungin ang mga tingin nito kaya nagpanggap akong hindi ko ito nakita. “Ate, ipakikilala kita sa mga kuya at cousins ko. Dito ka lang muna, a?” Hilaw ko itong tinawanan at mabilis na umiling. “Pasensiya na, may mga bata kasi akong kailangan bantayan doon sa amin,” palusot ko na ikinanguso nito. Wala ring nagawa kundi ang hayaan ako. “Diyan ka pala nakatira sa bahay ni Manang Criselda, ano?” baling sa akin ni Ma’am na tinanguan ko at ngumiti nang tipid. “Anak ka ba niyong mag-asawa na kasama mo, hija?” Marahas akong umiling at napalunok. “Hindi po, amo ko lang po sila,” magalang kong tugon dito na ikinatango nito. Napaigtad na lamang ako nang may malakas na bumusina. Tila ako binalot ng takot at pagkataranta dahil doon kaya binilisan ko ang pagpulupot ng tali sa dulo ng buhok ni Venus. Napasigaw pa si Meg nang makita ang pagpasok ng limang van na sasakyan. Agad na nagsibabaan doon ang mga pamilyar na mukha kaya halos gusto ko nang maglaho roon. Agad akong nagpaalam sa kanila na uuwi na. Hindi na nila ako napigilan pa nang mabilis akong lumabas ng gate upang makalayo roon. Tiyak na babalik lang lalo sa isipan ko ang mga masasamang alaala ko. Nagtungo na lamang ako sa lamay ni ama upang doon magmukmok. Hindi ko pinansin si Kuya Efren at Hiraldo sa gilid na nag-uusap. “Dumating na ang mga kaanak nila, nakita mo ba, Bella?” pukaw sa akin ni Tita na ikina-angat ko rito ng tingin. Umiling na lamang ako bilang tugon dahil sa pagkawala ng gana ko. Tiyak na may mga asawa’t anak na ang ibang mga pinsan nila. Hindi ko rin kayang makita muli roon si Alessandro at tiyak na mararamdaman ko na naman muli ang matinding kahihiyan tulad noon. Nag-angat ako ng tingin kay Nanay sa tabi na lihim na umiiyak. Tila ako binarahan ng kung ano sa lalamunan. Hindi ko mapigilan ang maawa para rito. Tiyak na siya na lamang ang mag-isa sa bahay niya ngayong wala na si ama. Hindi rin naman maaaring manatili pa rito ang mga kapatid ko lalo at mga pamilyado na. Natigilan na lamang kami nang may dumating na tricycle sa gilid. Huminto iyon sa tapat namin. Pagbaba ng sakay niyon ay halos bumagsak ang panga ko sa pagkamaang. Lihim na umawang ang aking bibig sa nakitang babae. Hope . . . What happened to her? Ang dati niyang itim at magandang buhok ay pinakulayan niya ng ginto, ang dami na ring nakasabit sa katawan nito na kung ano-anong nagkikislapang alahas. She was wearing a crop top and a short! Halos makitaan na ng kaluluwa! Hindi ko alam na lalala pa pala itong babaeng ito. Inangat nito ang shade sa ulo at tiningnan kami. Nakakabastos din ito kung tumingin kay ama na para bang wala siyang pakialam. Ni hindi man lang ito nagpakita ng pakikiramay. Ang tigas din ng mukha niya. Nang masilayan nito ang mukha ko ay bumakas ang iritasiyon sa mukha nito. Saglit nitong sinilip ang aming ama bago ako balingan at pinamaywangan. “Sino naman ang isang ito?” Blangko ko lamang itong tinitigan at hindi umimik. Ngayong nasa harapan ko ito, nanginginig ang mga kamay ko na sabunutan ito dahil sa ipinakalat nitong katarantaduhan tungkol sa akin. “Hope, tumigil ka nga. Rumespeto ka naman sa namayapa mong ama,” ani Nanay Criselda at hinila ang babae palayo sa akin. Pinanatili ko ang katigasan ng ekspresiyon. Ang tanda na niya, ganiyan pa rin ang asal niya. Pinigil ko na lamang ang sarili na magpakita ng emosiyon sa harapan nila. Agad akong umalis doon at patakbong tinungo ang kagubatan. Hindi ko alintana ang mga malalaking bato sa daan na nakabaon sa lupa, dahil para akong ibinabalik niyon sa pagkabata. Para akong tanga na tumatawa habang lumuluhang tinatahak ang daan paakyat sa sikretong tambayan ko. Hinahawi ko lamang ang matataas na damo sa daan. Ni hindi ko inaasahan na tataas nang ganito ang mga damo rito na dati-rati ay kay baba lamang. Inabot ako ng halos kalahating oras bago dumating sa batis na sobra kong na-miss. Inilibot ko pa ang tingin pagdating ko sa lugar na iyon. Laking ginhawa ko nang masumpungan ang malaking gulong doon na tinalian ng makapal na lubid na nagsilbing duyan ko noon. Pinahid ko ang luha sa mga mata bago tumakbo papunta roon. Hindi ko mapigilan ang matinding saya pagkaupo ko sa duyan na saksi sa mga kalungkutan ko noon. Sa bandang dulo ng batis ay ang talon na mababa lamang. Tiyak na magugustuhan ni Cahel kapag dinala ko siya rito. Itinulak ko ang sarili sa duyan kaya’t lalo akong napangiti sa tuwa. I almost forgot this place, kung hindi pa sumama ang loob ko kanina ay hindi ko pa maaalala na puntahan ito. Inilabas ko ang phone ko para kuhanan ng litrato ang magandang tanawin doon. Bukas na bukas din ay lilinisin ko at pagagandahin ang lugar na ito. Kailangan ko ring taniman ng mga magagandang bulaklak at puno na hindi masiyadong alagain, at least kapag naisipan kong bumalik dito ay may mababalikan akong mga bagong alaala. Matapos ko iyong kuhanan ng magandang shot ay ini-upload ko iyon sa social media ko. Masiyadong tago ang social media account ko at puro mga kakilala ko lamang ang friends ko roon. Hindi ko rin inilagay ang buo kong pangalan at baka may makakita pa. Matapos kong i-upload iyon ay inilapag ko sa malaking bato ang phone at inalis ang tsinelas na suot. Ngingiti-ngiti kong tinalon ang batis at nagpakasaya roon mag-isa. Gosh! Na-miss ko talaga ang lugar na ito! Malamig-lamig pa ang tubig nang i-ahon ko ang ulo. Hindi pa rin nagbabago ang kulay ng tubig niyon kahit isang dekada mahigit na ang nagdaan. Asul na asul pa rin ang tubig at malinis tingnan. Nagsilaguan lamang ang mga puno at halaman. Nagpakasasa ako sa asul na tubig doon. Ni hindi na ako nakapagtanghalian dahil alas dos na ako nang umahon sa tubig. Ini-unat ko pa ang mga braso dahil sa pangangalay ng mga iyon. Nasobrahan sa pagod. Tsk, tsk. At least okay na ang pakiramdam ko ngayon. Mabilis kong kinuha ang mga gamit ko at tinahak ang daan palabas ng gubat. Hindi ko na tinangka pang alisin ang pagkaka-braid ng buhok at mamaya na lamang sa banyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD