Kabanata 3

2257 Words
HIS LOVE, HIS MADNESS Anabella Nang matapos sa ginagawa ay saktong nagising ang mga bata. Pinakain ko si Cahel bago maligo. Hindi naman ako maaaring lumapit kay Emilia nang marumi ang katawan. Pagkatapos ko roon ay naabutan ko pang hindi pa nauubos ng bata ang almusal niya. Paano ay nakatutok sa tablet habang kumakain. Lumabas naman ang mag-asawa bitbit ang sanggol na anak upang paarawan. Sinilip ko ang labas dahil medyo maingay na rin doon. Bahagya pang umawang ang aking labi nang makitang marami na namang tao roon. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang mag-asawang pinagsilbihan ko rin noong paslit pa ako. Kasama ng mga ito ang dalawang babae na nakasama ko kanina. At si Kuya Hiraldo at Efren, naroon din at nag-iiyakan. Talaga ngang pamilyado na ang mga ito at nag-matured na ang mukha. Hindi tulad noong huli ko silang nasilayan na mga binatilyo pa lamang at malalakas mang-asar sa akin. Hindi ko nakita ang isa kong kapatid na babae kaya umiwas na lamang ako at bumalik sa ginagawa sa loob. Hinintay ko lamang na matapos si Cahel sa pagkain at pinagpahinga bago ito paliguan sa likod ng bahay, kung nasaan ang poso. Tila pa mas nagustuhan nitong maligo sa malaking palanggana kaysa sa shower nila sa Manila. Enjoy na enjoy ito sa poso na pinanggagalingan ng saganang tubig. Dahil sa mga tili nito sa pagkatuwa ay sumulpot ang mga magulang nito na kinuhanan pa kami ng mga litrato. Maging ang ama nilang banyaga ay tuwang-tuwa dahil sa kasiyahan ng bata. Kung tutuusin ay napakasuwerte nilang mga bata sa magulang nila. Saksi ako sa pagmamahalan nina Tita at Tito sa kabila ng magkaibang lahi at kultura nila. Natuto nang mag-adopt si Tito sa buhay namin dito sa Pilipinas kaya hindi na bumalik sa pinanggalingang bansa. Iyon nga lang, hindi pa ganoon kahasa sa wikang Filipino dahil mas nakasanayan ang Ingles sa bahay nila, ngunit nakakaintindi naman ito. Pati tuloy ako ay nadamay lalo na at puro sila mga English-era sa bahay nila. Hindi ko maiwasang hindi matulala habang pinagmamasdan sila na tumatawa sa kakulitan ng bata. Malaki ang pasasalamat ko sa kanila dahil sa pagtulong nila sa aking bumangon. Noong panahon na alam kong hindi ko na kakayanin, naroon sila para sa akin upang tulungan ako. Lahat ng gastos, maging sa pagpapagamot sa akin at pag-aayos sa balat kong puro peklat ay sila rin ang kumargo. Matapos maligo ng bata ay binihisan ko ito at hinayaang magkipaglaro sa mga bata sa plaza sa ’di kalayuan. Bitbit ko ang bimpo at pulbo nito habang binabantayan ito mula sa malayo. Sumali pa ito sa ginagawang pag-aaral ng mga kaedaran niyang mga bata kaya hinayaan ko na lamang at hindi naman ito masiyadong nakalalabas kapag nasa Manila. Kasabay niyon ay ang pagtanaw ko sa burol ng aking ama na hindi ko malapitan dahil sa mga taong naroon. Pasimple ko pang pinagmamasdan ang mga pamangkin ko sa mga kapatid ko na nangungulit. Walang awat ang mga luha nila kaya alam kong tulad ko, nasasaktan din sila nang sobra sa pagkawala ni ama. Tanggap ko naman na wala na siya, nanghihinayang lamang ako sa mga panahon na sinayang ko kaya hindi ko man lang naiparamdam sa kaniya na mahal na mahal ko siya. Nasaan na kaya si Ate Hope? Nag-asawa na rin kaya siya tulad ng mga kapatid namin? Napukaw lamang ako mula sa mga iniisip nang lapitan ako ni Megan at Venus na hila-hila ang ama nila na si Sir Zach. Lihim na namilog ang mga mata ko at pinangatugan ng mga tuhod, kahit pa expected ko nang baka hindi niya rin ako makilala. Ngunit ang nakaraan ko ay hindi ko malilimutan! Nakakahiya kung sakaling maalala niya ako na dating babaeng ipinahiya ng anak niya sa harapan nilang lahat. “Dad, siya si Ate Bella na sinasabi namin sa iyo kanina! Licensed agriculturist siya kaya baka puwedeng kuhanin ninyo para magtrabaho sa atin,” daldal ni Meg sa ama niya pagdating sa tapat ko na ikinamaang ko. Napatayo na lamang ako at tumungo rito. Hindi ko kayang salubungin ang matatalas na tingin nito na animo’y agila. Ganoon na ganoon pa rin tulad noon. Walang naging imik si Sir Zach kaya napalunok ako nang hirap bago ito tingnan at ngumiti nang alanganin. “G-Good day po, Sir,” bati ko rito na siyang nagpasingkit sa mga mata nito. Sinuri pa ako nito nang ilang sandali, mayamaya ay tumabingi ang ulo at ibinalik sa mukha ko ang tingin. “You look familiar, hija. What’s your name?” Mas lalo akong kinabahan sa naging tanong nito. Ang ma-awtoridad at matigas nitong boses ay lalong nagbibigay takot sa akin. Maka-ilang ulit pa akong lumunok at inihanda ang sarili sa muling pagsisinungaling. “Anabella ho, Sir,” tugon ko ngunit parang hindi ito kumbinsido. Hindi pa rin nawala ang pagtataka sa mukha nito kaya lalo akong dinagundong ng kaba. “Anabella? What is your last name? I thought you were Sweet Avila. Hawig mo ’yong batang iyon na nagtatrabaho sa amin noon—but nevermind,” takang anito na napailing pa sa sarili. Napayuko na lamang ako at nahiya lalo rito. Naaalala niya pa pala ang batang babae na iyon. Poor, weak and naive girl. Ang babaeng nagpapa-api lamang sa mga umaaway sa kaniya... “Dad, kuhanin mo na siya, please. Need ni Ate Bella ng work,” pamimilit pa ni Megan na halos gusto kong tutulan. Hindi sa ayaw kong magtrabaho sa kanila, wala naman akong problema roon dahil mababait naman ang mag-asawa. Ang ikinatatakot ko lamang ay ang makasama ang mga anak nilang lalaki, lalo ang panganay nila na hindi ko na nais pang makita ngayon. Sandali pa akong pinaningkitan ng mga mata ni Sir bago huminga nang malalim. “Pumunta ka bukas sa bahay ng umaga at kakausapin kita kung interesado ka. Exactly 7 o’clock.” Kinalas nito ang pagkakahawak ni Megan sa braso nito bago kami iwan doon. Agad na lumapit sa akin si Meg at kumapit sa braso ko na tuwang-tuwa. “Yiee! You heard that, Ate Bella? Tiyak na tatanggapin ka niyon ni Dad, he needs someone like you sa farm namin. You’re a big help. Malaki pa naman magbigay ng suweldo ang masungit kong tatay na iyon,” daldal na naman nito sa akin. Ngunit wala rito ang aking atensiyon. Alam kong oras na hingiin ni Sir Zach ang resume ko ay mabibisto niya kung sino talaga ako dahil sa pangalan ko. He knows my first and last name. Hindi lamang pamilyar sa karamihan dito ang second name ko kaya iyon ang pakilala ko sa kanila rito ngayon. Kung sakali mang tanggapin ko iyon, malaking tulong din iyon sa kinabukasan ko dahil sa pinag-iipunan kong sariling bahay at lupa na mapagtatamnan. Nangangamba lamang ako na makilala nila ako rito at muling pagtawanan. Mariin kong nakagat ang ibabang labi at pilit na ngumiti kay Meg na hindi napansin ang pagkabahala ko. Sinamahan nila ako roon na magbantay, tuloy ay nakahakot kami ng atensiyon mula sa mga kalalakihang naglalaro ng basketball sa unahan. “Pinagtitinginan ka, Ate Bella. Ang ganda-ganda kasi ng mukha mo,” bulong sa akin ni Venus habang kumakain ng nabili nilang ice cream sa dumaan na manong. Hindi ako nagkomento rito at nanahimik lamang. Hindi ko pinansin ang mga lalaki sa plaza na panay ang lingon sa amin. I’m pretty sure hindi lang ako ang nililingon ng mga iyon, pati na rin ang dalawa sa tabi ko. Hinintay kong matapos ang pag-aaral ni Cahel, hanggang sa lumabas ito mula sa maliit na tila bahay na may bitbit na snacks. Tumakbo ito papunta sa akin na tuwang-tuwa sa natanggap na pagkain. “Look, Ate Bella! They gave me this!” Lumapad ang ngiti ko rito habang tinatali ang buhok nito na humaharang sa mukha nito. “It is because you are clever. Let’s go? Tita and Tito should see this,” aya ko rito at sinenyasan ang dalawa na uuwi na kami. Napanguso ang mga ito ngunit kumaway rin. Hinawakan ko ang bata sa kamay nang tumalon-talon ito. May hawak pa itong isang pirasong papel kung saan nakasulat ang name niya. Sa likod niyon ay drawing ng kaniyang mga magulang, kapatid at... ako. Napangiti na lamang ako at ibinigay ang bata sa mga magulang nito. Kita ko kung paano nito ipagyabang ang gawa sa mga magulang na tuwang-tuwa sa ipinakita niya. Pumasok na lamang ako sa loob upang iwasan ang mga bulungan at tingin ng mga tao sa lamay ng aking ama. Niluto ko ang binili kong hipon sa likod ng bahay. Iyon na ang naging tanghalian namin. Madaling araw lamang ako nakabantay sa lamay ni ama dahil si ina lamang ang naroon magdamag. Sinamahan ko itong magluksa, kasama sina Tita at Tito sa tabi. Nang pumasok ang aking ina sa loob ng bahay upang maghanda ng pagkain ay natahimik lalo ang paligid. Malamig ang ihip ng hangin, wala na halos tao sa paligid maliban sa amin. Nang tingnan ko ang pambisig na relo ay alas tres y media na. Mula sa pagkakatulala ay bumalik ako sa realidad nang may maalala. Nilingon ko si Tita sa tabi na nakayuko lamang at alam kong malungkot. “Tita,” marahan kong pukaw rito na ikinatingin nito sa akin. “Hmm?” Nababahala akong tumingin dito at huminga nang malalim. “Si Sir Zach, nangangailangan sila ng agriculturist. Nais nila akong pagtrabahuin sa farm nila,” sumbong ko rito na ikinatigil nito. Hindi ko kasi alam ang gagawin. Nais ko ngunit pinipigilan ako ng takot na gawin ang bagay na iyon. Nang makahuma ito ay hinawakan nito ang kamay kong nakapatong sa kandungan ko. “Anabella hija, wala akong pagtutol kung nais mo nang magtrabaho sa iba. It’s your choice. Pero nag-aalala lamang ako dahil alam ko kung ano ang naging karanasan mo sa lugar na nito. Kaya mo na bang manatili rito?” malumanay na anito. Hindi ako nakasagot agad. Hanggang sa napayuko na lamang ako at napaluha nang hindi sinasadya. Mabilis ako nitong kinabig upang yakapin. Marahas ko itong inilingan dahil kahit sa sarili ko ay alam kong hindi pa ako handang manatili rito nang matagal. Tatanggihan ko na lamang si Sir Zach. Siguro naman ay may iba pang naghahanap ng serbisyo ng isang tulad ko. ’Yong wala akong pagtataguan at pangangambahan, hindi tulad dito na kailangan ko pang magsinungaling para lamang maging payapa ang pananatili... Pagsikat ng araw ay inasikaso ko agad ang mga bata. Pinakain ko sila ng almusal nila bago iwan sa parents nila. Nag-leave sa trabaho si Tita Karina kaya sila na halos ang nagbabantay sa mga anak nila. Binibigyan lang nila ako ng time upang magpahinga at magluksa sa aking ama. Iniwan ko ang mga ito roon para magtungo sa bahay ng mga Montehermoso. Strikto ang mga guard doon ngayon lalo na at dating na pala ngayon ng mga kaanak ng magpamilya. Tahimik pa ang bahay kaya tiyak na wala pa ang mga iyon. Bibilisan ko na lamang para makapagbantay ako sa lamay ni ama. “Ate Bella!” tili ni Megan na pumapapak ng nilagang saging sa tabi ng gate, tila inaabangan na talaga ang pagdating ko. Kinausap nito sandali ang mga guard doon bago ako pagbuksan. “Good morning, Ma’am,” magalang na bati ng guwardiya na sinuklian ko ng magalang na ngiti. Mabilis akong hinila ni Megan papasok sa bahay nila na tuwang-tuwa. Nais ko tuloy ito na pagsabihan dahil iba naman ang ipinunta ko rito, tiyak na madidismaya lamang siya. Ni wala nga akong bitbit na resume o mga papeles. Iba’t ibang mga mukha ang sumalubong sa amin doon. Ang iba ay pamilyar na pamilyar pa sa akin, mga kasamahan kong bata rito noon na nagsilakihan na rin dito. Umiwas lamang ako ng tingin nang mapansin ko ang pagsulyap nila sa akin. Pinaupo ako nito sa magarang couch at nginitian. “Wait lang, Ate Bella, a? Tatawagin ko lang si Daddy at naroon pa siya sa farm,” excited na anito at humarurot ng takbo papunta sa back door. Naiwan ako sa napakatahimik na sala kaya napalunok ako. Napuna ko agad na may iilang pagbabago sa nakagawian kong sala ng bahay nilang magpamilya. Dumami lalo ang mga litrato nila na nakasabit sa dingding, halos puro mga litrato ng limang anak nilang mag-asawa. Hindi ko maiwasang hindi paningkitan ng mga mata ang tatlong malalaking litrato ng tatlong mga anak na lalaki ni Sir Zach at Ma’am Austrianna. Pansin kong matured na tingnan ang mga mukha nila roon. Si Zeus na pinakabatang lalaki sa kanila ay napasama sa mga hukbo ng karagatan, si Cain na mas matanda rito ay iba rin ang suot na army uniform. It’s like a special unit, kakaiba kasi ang hitsura ng tatak sa bandang braso ng uniporme nito. Hindi naman ako pamilyar doon kaya hinayaan ko na lamang. Nang sunod kong mabalingan ang litrato ng panganay na si Evan ay tila nahigit ko ang hininga. Tulad sa tatay nito ay wala itong kangiti-ngiti sa litrato. He was wearing the same uniform that his father had worn before! Iyong alam kong special unit na napakahirap ng training. No wonder napasali siya roon. Aaminin ko namang kahit noon pa man ay may ibubuga na talaga ang lakas ng katawan niya at pag-iisip—mapang-asar nga lang. Matagal nang hinubog ni Sir Zach ang katawan at pag-iisip niya para maghanda sa pagsali niya sa unit na iyon. Humahanga ako sa katapangan niya, pero oras na alisin niya ang uniporme niyang iyon ay siya pa rin ang binatilyong Jackson noon na nagpahiya sa akin. Hindi na magbabago pa iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD