Kabanata 2

2212 Words
HIS LOVE, HIS MADNESS Anabella Ngumuso ito at bumuntong hininga. “Sabi ng ate niya ay kinuha raw ng Tita nila at dinala sa Manila. Nagbigti raw roon kasi wala raw sa sarili.” Agad na nawala ang mga ngiti sa labi ko sa narinig. Lihim na kumuyom ang aking kamay ngunit nagawa pa ring tumango sa babae. How dare that woman! Talagang siniraan niya pa ako sa mga tao rito. Ayoko sanang mainis sa bruhang babae na iyon ngunit hindi ko mapigilan. Kahit kadugo ko pa siya ay kumukulo ang dugo ko sa kaniya. Napatingin lamang akong muli kay Megan nang tumayo ito. “Maraming nilagang saging at kamote sa bahay, Ate. Nag-almusal ka na po ba? Yayain sana kita na kumain sa amin,” anito na siyang nagpa-awang sa mga labi ko. Seriously? Wala talagang ipinagbago sa ugali niya kahit mula pa noong paslit pa siya. Nakikita ko pa rin sa kaniya ang batang si Megan na nang-aalok palagi sa kung sino-sinong tao para makikain sa kanila dahil laging silang sagana sa pagkain. Kahit mga taga-kabilang bayan ay niyayaya niya kapag napapadpad dito. Hinahayaan lamang ito ng mga magulang niya dahil okay lang din sa kanila at hindi na rin bago sa kanila ang gawain ng anak. Pero sa pagkakatanda ko, naghihigpit lamang sila sa mga pinapapasok kapag dumadalaw rito ang mga kamag-anak nila. Lalo na ng pamilya ng Auntie Thylane nila. Masiyadong silang mahigpit dahil na rin sa tatlong Hapon na anak-anakan ng pamilya ng Aunt Thylane nila. Magalang ko itong tinanggihan. Ayokong mapadpad pa roon at baka kung ano pa ang mangyari sa akin. Ayoko nang mapahiya muli sa harap ng maraming tao. Tama na ang nangyari noon. “Ganoon po ba? Sayang naman po. Bukas kasi ay darating na ang mga kuya kong sundalo, pati ang mga Hapon kaya isasara na nila ang tarangkahan,” nguso nitong sambit na ikinatigil ko nang lihim. Makaraan ay bumalik ang sigla nito. “Bigyan ko na lang po kayo ng almusal, Ate. Baka po nahihiya lang kayo roon sa amin. Mabait naman po ang parents ko, promise,” pangungulit pa nito kaya wala akong nagawa kundi ang tumango. Patalon-talon pa ito nang tumakbo pabalik sa bahay nila na medyo malapit lang naman dito. Naiwan sa harapan ko si Venus na alam kong nahihiya sa akin lalo na at hindi niya ako kilala. Naupo ito sa tabi ko at ngumiti nang nahihiya na agad ko namang sinuklian ng matamis na ngiti. Hindi na nakabibigla na nagsundalo ang mga kuya nila. Noon pa man ay iyon na talaga ang gusto nila at ng ama nila para sa kanila. Naging isang sundalo rin noon si Sir Zach na ama nila kaya nagsisunuran sa yapak ng ama. Naaalala ko pa na mahilig silang umakyat sa mga bundok noon kasama ang mga kamag-anak nila. Hiwa-hiwalay lamang ang tirahan ng mga kapatid ni Sir Zach kaya isang beses sa isang taon lamang sila kung magkita-kita. Marami rin silang magpipinsan kaya ang lahat ay masaya kapag nagsama-sama ang mga ito. Isa lamang ang ibig sabihin niyon, maingay ang bahay at puro bangayan. Kilala ko lahat ng mga pinsan nila dahil bukod sa mabait—kahit ang iba sa kanila ay hindi masyadong namamansin—ay hindi naman matapobre. Iyo nga lang ay hindi ako nagkaroon ng pagkakataon noon na makipagkaibigan sa kanila. “Ngayon lang po ba kayo nakapunta sa lugar na ito, Ate Bella?” imik sa akin ni Venus na nahihiya pa. Sinulyapan ko ito at tinanguan. “Yes, I grew up in Manila po.” Tila lalaki pa ang mga kasalanan ko sa pagpunta rito. Tiyak na hindi lang ito ang pagkakataon na makapagsisinungaling ako sa iba, matakpan lamang ang pagkatao ko na pilit kong ibinabaon sa limot. “Ah, ganoon po ba. Pasensiya ka na pala sa kadaldalan ng kapatid ko, Ate. Makulit talaga ang babaeng iyon, e. Inutusan kasi kami ni Mommy na mamalengke kasi darating ang mga pinsan namin bukas, ayun at naisipan niyang dumaan dito para maglagay ng pera,” kuwento pa nito. Tumigil ako sa pagmamasid sa apoy ng kandila sa tabi ko at ibinaling dito ang atensiyon. May mga katulong sila, a? Bakit sila pa ang mamalengke? Baka pagkaguluhan pa sila roon sa bayan at loko-lokohin. “First time n’yo bang mamalengke?” kunot-noong tanong ko na ikinamula ng magkabilaang pisngi nito. Tumango ito bilang tugon at marahang hinawi ang buhok. “Opo, mga dalaga na raw po kasi kami kaya dapat matuto nang mamalengke. Sinasanay lang po kami ni Mommy.” “Hindi ba kayo nag-aalala na baka kidnapin kayo ng mga rebelde at patayin?” Her Mom became a pro-government vlogger after she surrendered to the authorities—after serving the armed rebels for several years. Kalaban na ng mga rebelde ngayon, higpit na higpit sa kanila noon ang mga magulang nila at halos itago pa nga dahil sa banta ng mga rebelde. Kaya nakapagtataka na hinahayaan na lamang sila ni Ma’am Ria ngayon na lumabas-labas. Mahinang tumawa ang babae at umiling-iling sa akin. “Matagal na pong ubos ang mga rebelde rito. Marami rin pong nagbabantay sa paligid na mga pulis kaya hindi na po nakakatakot ang lugar na ito. Isa pa ay may mga nagbabantay naman po sa amin nang patago kaya no worries.” Dahan-dahan akong napatango sa narinig. So, that explains why I saw a lot of police officers and checkpoints yesterday. Ilang minuto lang nang bumalik si Megan na may dalang isang supot ng nilagang saging at kamote. Agad niya iyong ibinigay sa akin na pinasalamatan ko naman agad. “You are welcome, Ate.” Masaya ang mukha nito nang maupo sa kabilang gilid ko. “Wala po kaming kasama sa bayan, Ate. Hindi rin po kami masiyadong maalam sa pagpili ng mga rekado,” parinig nito na para bang nais akong sumama sa kanila. Siniko ito ng kapatid na hindi naman nito pinansin. Nagkibit-balikat lamang ako at ngumiti. “Marunong akong mamalengke kaya maaari ko kayong tulungan,” sabi ko na lamang na ikinatuwa ng dalawa. Isang puting bestida ang suot ko at maayos namang nakapusod ang buhok ko kaya hindi na ako nag-ayos pa. Sa daan ay pinapak ko ang mga naglalakihang saging na saba at kamote na bigay ni Megan. Matatamis ang mga iyon at hindi naman nakaka-umay kaya na-enjoy ko. Napaka-aga pa at wala pa halos katao-tao sa kalsada nang tahakin namin iyon. Panay ang daldal ni Megan sa kapatid, minsan pa ay nagtatanong sa akin. Naglabas pa ito ng listahan ng bibilhin nila na ipinasuri pa sa akin ang iba na hindi nila alam. Halata talagang ngayon pa lang nakaranas mamalengke ang dalawa. Bente-uno anyos na si Venus at ngayon lang nakapamalengke. Natawa ako sa isipan at napailing. Napansin ko sa likuran namin ay may mga nakasunod at nakabantay na mga naglalakihang mga barakong mama. Nakasibilyan ang mga ito kaya hindi halata na bodyguards ng dalawa. “Nag-aaral ka pa po ba, Ate Bella?” mayamaya ay baling sa akin ni Venus at dumikit pa sa akin. Marahas akong umiling matapos lunukin ang kinakain. “Naka-graduate na ako at lisensiyadong agriculturist na ngayon. Naghahanap pa lang ng mapapasukang work ngayon dahil kailangan ko nang maghanap-buhay. As of now, patuloy pa rin ako sa pagtatrabaho kina Ma’am Karina at Sir John bilang nanny ng mga anak nila. You know, para maka-ipon na rin para sa panibagong buhay na tatahakin ko,” pagkukuwento ko sa kanila na namangha. “Wow, you are a licensed agriculturist na pala, Ate. How long have you been working with them na po? Pansin ko na para kang anak mayaman para maging nanny,” anang Megan na kumapit sa braso ko. Natawa tuloy ako rito. “Halos isang dekada na rin akong nagtatrabaho sa magpamilya. Kinupkop nila ako noong dose anyos ako at nagsimula akong magtrabaho bilang katulong nila na parang anak-anakan na rin. Noong nagkaanak sila ay naging busy rin sila sa trabaho kaya ginawa nila akong nanny sa mga anak nila. And no, hindi ako anak ng mayaman dahil lang sa hitsura ko. Kung alam n’yo lang, mahirap lamang kami noong nasa puder pa ako ng pamilya ko.” Tumango ang dalawa at lalong kinain ng kuryosidad patungkol sa akin. “Maaga po pala kayong namulat sa reyalidad, Ate Bella. Nasaan po pala ang totoong pamilya ninyo?” bato pa ni Venus ng tanong. Sandali akong tumigil sa pagnguya at tinanaw ang madilim-dilim na kalangitan. Pagkaraa’y umiling sa mga ito. “H-Hindi ko na rin alam kung nasaan sila. Wala na akong balita.” I bit my lower lip. “Ganoon po ba. Sana po makita n’yo na ang totoong pamilya ninyo, Ate Bella. Baka miss na miss ka na ng mga iyon.” I smiled at Megan. Dismayado ang loob ko sa sinabi nito dahil alam ko naman na kahit makita ko pa ang buong pamilya ko, alam kong hindi sila natutuwa at matutuwa sa akin. Who am I to be loved by them? Isa lang naman akong hamak na batang napilitang kupkupin ng aking ina noon. “May boyfriend ka na, Ate?” pahabol pa na tanong ni Venus na ikinangiwi ko. Inilingan ko ito at muling kumagat sa saging. “Wala, ayoko pa. E, kayo?” balik kong tanong na ikinapula ng mukha ni Venus. Humalakhak si Megan at kinalabit ako upang ibaling ko rito ang tingin. “Wala pa ako, Ate. Sixteen pa lang ako, pero si Ate Venus ay tipo ng anak ng isang politiko rito. Naks!” “Uy, hindi, ano! Kadiri ka, Meg,” sagot ng babae sa kapatid na ikinatawa namin. Saglit lamang ang asaran at tawanan na iyon dahil bumalik na naman sa akin ang tanong. “Bakit po pala ayaw n’yo pa pong magkanobyo? Tiyak na maraming nakapilang kalalakihan sa bahay ninyo sa Manila, Ate,” pangungulit ni Megan. Nais ko sanang iwasan ang patungkol doon ngunit napahinga na lamang ako nang malalim. Hindi naman nila ako kilala kaya okay lang. Mapait ko silang nginitian. “Minsan na akong nagkagusto sa lalaki sa murang edad. Crush lang naman, pero dahil doon ay pinahiya ako nang sobra ng isang lalaki. Simula niyon ay natakot na ako na makipaglapit sa ibang mga lalaki maliban sa amo kong si Sir John.” Isa rin ang mga lalaki kung bakit ako umiiyak nang sobra noon. Na-trauma na ata ako kaya magpasahanggang ngayon ay takot pa rin akong makipaglapit sa mga tulad nila. Pagdating namin sa bayan ay bukas na ang maraming tindahan. Hinayaan ko ang mga ito na mamili at ginabayan lamang kapag hindi nila alam. Halos puro naman mga seafoods ang binili nila na kilo-kilo. Maramihan kaya naman tiyak na magbo-boodle fight na naman sila oras na dumating ang mga pinsan nila. Naisipan ko rin na bumili ng makakain namin sa bahay kaya napabili na rin ako ng hipon na fresh pa at kararating lang. Masarap iyong lagyan ng gulay at sabawan. Ang matitira ay igigisa ko at papapakin. May nadaanan kaming convenience store kaya pinasok namin iyon at namili ng mga kailangan. Hinayaan ko ang mga ito na bumili ng mga kailangan nila, ako naman ay namili ng mga pasalubong para kay Cahel. Kumuha na rin ako ng mga kakailanganin kong goods sa bahay, at nang matapos ay umuwi kami nang nagtatawanan. “Ba-bye, Ate Bella! See you later po!” kaway sa akin ng dalawa na sinuklian ko lamang ng matamis na ngiti. Tuwang-tuwa ang mga ito at excited pa nang tumakbo pauwi sa kanila. Pagpasok ko sa kubo ay kagigising pa lamang ni Tita at Tito. Naroon din ang aking ina na tila kararating lamang at may bitbit pang pagkain ng baboy. “Hija, saan ka nanggaling?” gulat na tanong nito nang mapansin ang mga bitbit ko. Magalang akong ngumiti rito at nagmano. “Diyan lang po sa bayan. Namili ng mga pagkain,” tugon ko na lalong ikinabigla nito. “Ha? Naku! Hindi ka ba naligaw? Dapat ay sinabihan mo ako para nasamahan kita. Kagagaling ko lang kasi sa bahay ng amo ko at nagluto pa ako ng makakain doon,” anito na nagpatigil sa akin sandali. Hanggang ngayon pala, nagtatrabaho pa rin siya sa magpamilya. Pagak akong natawa sa isipan. Tiyak na tatawanan niya lamang ang sarili oras na malaman niyang ako ang batang inuutusan niya noon na mamalengke palagi. Nagkatinginan kami ni Tita na pinagmamasdan ang reaksiyon ko. “Hindi naman ho ako naligaw. Madali lang naman puntahan ang bayan, kaya okay lang po ako,” paniniguro ko rito. Wala itong nagawa kundi ang tumango sa akin. Inalok pa ako nito ng nilagang saging at kamote na nasa mesa na agad kong tinanggihan at busog pa ako. Muling umalis ang aking ina at tila may iba pang trabahong gagawin—abala pa rin ito kahit pa pinaglalamayan ang asawa niya. Malungkot kong pinagmasdan ang pinto na nilabasan nito. Napaigtad pa ako nang marahang tapikin ni Tita ang balikat ko na ikinatingin ko rito. “Naghahanap-buhay ang Mama mo para may maipanglibing sa tatay mo. Intindihin mo na lang,” bulong nito sa akin. Tumango na lamang ako at ginawa ang aking trabaho. Sa labas ako ng kubo nag-init ng tubig para sa gatas ni Cahel na ilalagay ko sa cereals niya. Iyon na ang magiging almusal niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD