Kabanata 34

3071 Words

Anabella AKALA ko, iyon na ang aking katapusan. Akala ko, matatapos na roon ang aking paghihinagpis, hindi pala. Dahil may mga nilalang pa na tutol sa plano ko. Mga nilalang na nagmamahal sa akin nang lubos, na ayaw akong lisanin sila sa mundong ito. Kagat ang naramdaman ko sa aking damit sa bandang batok. May isa sa aking sleeve. Hinihila nila ako paalis sa tubig na iyon kaya tila ba ako nagising mula sa pag-iisip ng masama sa sarili. Habol ko ang aking hininga nang makaahon, hindi makapaniwala na iniligtas ako ng aking mga alaga na marunong lumangoy. Bangenge ang aking utak. Hindi ako makapaniwala sa ginawa nila. Kinain ako ng konsensiya dahil pinag-alala ko lang ang mga alaga ko na tunay na nagmamahal sa akin nang lubos. Napaiyak akong muli nang yakapin ang mga ito na kumakahol

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD