Agad kong hinawakan si Isla para makalayo kay Hunter. Pakiramdam ko kasi ay pwede niyang mahawakan ang anak ko. By that small gesture ay malalaman niya na anak din niya ang mga batang ito. Ipakikilala ko naman sina kay Hunter pero hindi ng ganitong kaaga. Masyado pang mabilis para makilala nila ang bawat isa. Knowing my daughter, sigurado ako na kakausapin niya si Hunter in a heartbeat dahil kung anong kina-ilag ni Ives sa mga tao ay siyang lapit ni Isla sa mga ito. "Let's not disturb her, anak." Nasabi ko na lang bago hinila si Isla papasok sa kitchen. Ives followed us at ang mga mata naman ni Hunter ay nakasunod pa rin sa amin. Tumalikod ako kaagad sa kanya at lumapit sa cabinet. May mga groceries na doon. Tiyak nae to yung pinamili niya kanina. "What do you want to eat?" tan

