"How's your flight, Amaranthine?" tanong ni Daddy sa akin habang kasama ko siyang kumakain ng dinner. It was the first time na siya lang ang kasama ko sa mesa. Mom's not here daw, nasa isang event na kailangan niyang daluhan since she's the country's first lady. My siblings...they have their own lives, Ate LJ and Kuya Sorrel's in Sorsogon, Kuya Cedar's in Manila. "Fine." Tipid kong sagot sa kanya. Naiilang kasi ako sa presensya ng PSG na kasama niya kahit sabihing malayo ang pwesto ng mga ito mula sa amin. Lalo na yung naka-itim na lalaki na iyon. He's been watching me...no...he's been watching my twins very carefully. Kung malaman niyang anak niya, edi fine. Mapakilala ko lang siya sa kambal. Hindi ko siya hahabulin dahil hindi naman na dapat. Ngayon ngang nandito siya at nagtatra

