Oh ayun pala sila JM at Camille oh." Sabi ng mama ni Marine nung nakita niya yung dalawa. "Ma please. Nanggugulo lang yang mga yan samen. Sana wag mo ng pansinin." Medyo inis na sabi ni Marine "Ahh sorry anak. Di ko alam" sabi ng mama niya at nalungkot siya. "Hays mama, di ako nagagalit pero syempre nakakahiya naman kay patrick oh. Andito siya tas makikipagkita ako sa mga yan" sabi naman ni Marine. "Naiintindihan ko" "I love you mama" At biglang naiyak mama ni Marine. "I love you too anak!" Sobrang nakaka stress na talaga mga nangyayari saken. Una, yung grades ko di ko maayos ayos. Tapos yung panggugulo pa ni JM samen. Ano pa bang masamang mangyayari? Nasa dorm na ako at maraming naiisip. Ganito ba ang pakiramdam pag nagmamahal? Bakit kailangan manggulo? Di mawala sa isip ko yun

