Part 33

2918 Words

Nakaupo lang ako sa upuan. Nakatulala. Nakita kong pinasok na ni Kobe mga gamit niya. Basang basa rin siya. Tinignan ko kung anong oras na, 6PM na pala. Sobrang lakas pa rin ng ulan. "Pat, ayus ka lang ba?" Tanong saken ni Kobe. "Oo" ngumiti ako ng pilit. "Alam mo kailangan mo na magshower baka magkasakit ka niyan." Sabi naman ni Kobe. Di ko naman siya sinagot. Naalala ko lang lahat yung nangyari kanina. Naalala ko lahat. Lalo na nung panahong nililigawan niya ako. Nung panahong sinasabi niya na di siya manloloko. Na hindi niya hahayaang umiyak ako ng ganito. Pero eto ako ngayon, umiiyak ng dahil sakanya. "Pat!! Pat!!! Mahal please kausapin mo ako" sigaw nung nasa labas. Alam kong si Marine yun dahil ayun yung boses niya. Ayun yung boses na nagpapasaya saken. "Pat please?!!!" Sigaw

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD