Isang linggo na akong nagtatrabaho sa coffee shop. Gladly, kahit na late ako noong unang araw ko ay hindi naman ako tinanggal ni Quinne. Kaya naman inayos ko talaga ang trabaho ko para naman masuklian ko ang kabutihan nito. Break time namin ng marinig kong tumunog ang phone ko. I looked at it. It's Nathaniel. Agad na umikot ang mata ko. Ilang beses na siyang tumatawag, hindi ko naman sinasagot. I already texted him. I told him na hindi ako uuwi hangga't wala pa si daddy. Yun na ang final decision. Kahit na mag-isa lang at walang tulong nila, nakakaya ko namang buhayin ang sarili ko. Dahil hindi naman ako kasing sama tulad ng iniisip ng iba, tinanggap ko ang tawag ni Nathaniel para rin matapos na ang kakulitan niya. "Oh finally, sinagot

