~ ~ ~*Coleen's Pov*~ ~ ~
|NAIA|
"So pano yan mauna na ako sainyo ha?" pagpapaalam ni Yobeo. Babalik na kasi siya kaagad sa Korea dahil madami pa ang gagawin niya dun
"Magingat ka dun yobeo ha. Wag kang tumingin sa ibang mga Koreana dun kundi patay ka" pagbanta ko sakanya pero imbes na matakot siya sakin ay tumawa pa siya tsaka ginulo ang buhok ko. Pssssh!
"Syempre naman Hon pwera na lang kung sila ang titingin sakin"
>_"Girls may natanggap ba kayo na isang invitation? Ang nakalagay dun ay East High Homecoming Party?" tanong samin ni HyeJu.Nag skaskype kasi kaming apat ngayon
"Yeah may natanggap din ako. Eto oh" Xyla sabay pakita ng invitation sa monitor
"Dito ba tayo nag aaral noon?" HyeJu
"Oo." maikling sagot ko naman tsaka nakita ko sa monitor ko na ngumiti si HyeJu
"Tara pumunta tayo" na eexcite na sabi ni HyeJu
"Ah Coleen wag na. May mga schedules na tayo hindi ba? Kung pupunta tayo edi madedelay ang mga gawain natin" Nikki. Pero alam ko na sinabi niya lang ito dahil alam niya na kapag pumunta kami sa party na to ay mag kikita na naman ang landas ni HyeJu at ni Dwight. Na ayaw sana namin mangyari
"please girls. Kahit ngayon lang. Gusto ko lang kasi makita ang mga tao na naging parte ng buhay ko noon" malungkot na sabi samin ni HyeJu
Huminga muna ako ng malalim bago nag salita "Alright. Sige pupunta tayo pero uuwi tayo kaagad"
"Okay!! I got it" masayang sabi ni HyeJu
nagusap muna kami ng ilang saglit bago nag paalam na sa isat isa. Mag hahating gabi na rin kasi at maaga pa kami gigising bukas may mga schedules kasi kami na dapat naming tapusin. Tutal gabi pa naman ang party
Dwight ano ba talaga ang plano mo kay HyeJu?
|Kinaumagahan|
dingdong
dingdong
nanunuod ako ng movie nung narinig kong tumunog ang doorbell ko
pagbukas ko ng pintuan ko ay laking gulat kong wala ni anino akong may nakita pero may nakita akong isang red box sa sahig. Sinubukan kong igala ang paningin ko baka kasi may makita akong clue kung sino ang nag bigay nito pero bigo ako kaya naman naisip kong ipasok ko na lang ito at para tingnan kung ano ang laman neto
pagbukas ko ng kahon ay may nakalagay palang isang sulat sa loob
Wear this dress later
~D-
Huh? SIno ba talaga ang may bigay nito? At pano niya nalaman na may pupuntahan ako mamaya?
|7:00 pm sa unit ni Nikki|
"Nikki ano ba? Aalis pa ba tayo o hindi na? Kanina ka pa jan eh!" pagreklamo ko. Kaninang alas 6 pa kasi kami nakaupo dito sa unit niya at sa hindi inaasahang pag kakataon ay mag iisang oras na kaming nag hihintay kay Nikki
"Teka malapit na akong matapos!" sigaw pa niya
ilang minuto pa ang nakalipas nung lumabas na siya
"Hay salamat nakapili na rin. Tara late na tayo" Xyla tsaka na una siyang lumabas ng unit ni Nikki nga pala isang sasakyan lang ang gagamitin namin ngayon at yun ay ang sasakyan ni HyeJu. Tutal siya rin naman ang may gustong pumunta dito eh. At sinuot ko na rin yung damit na ibinigay sakin. Isang white dress siya tsaka black ang sleeves niya,
Naisip ko kasi na sayang naman yung effort ng unknown person kung hindi ko gagamitin
sa isang mamahaling restaurant ginanap itong homecoming party ng batch namin at halatang mga successful naman ang mga ito dahil sa mga magagarang sasakyan na nakaparada sa labas ng hotel na to.
pagpasok na pagpasok palang namin sa mismong venue ay na agaw namin kaagad ang atensyon nila. Una dahil ang gaganda namin. Pangalawa dahil sobrang late na kami at alam kong malapit na matapos itong party na to. Pangatlo dahil nandito si HyeJu at buhay na buhay siya.
hindi na lang namin iyon inintindi sa halip ay dumerecho na lang kami sa isang bakanteng mesa
"Pat bakit parang lahat ng tao na nandito sa akin nakatingin?" bulong sakin ni HyeJu
"Syempre dahil nagulat sila na andito ka. Nung huli ka nilang nakita ay nung graduation ball pa natin at nasa kritikal kang kondisyon nun" napa tango naman siya sa sinabi ko
"Tara kumuha na tayo ng pagkain. Nagugutom na ako" pag reklamo ni Nikki sabay tayo sumunod naman si Xyla sakanya
"Tara. Para makakain na ako ng cupcakes" at ilang segundo lang ang lumpisa ay nawala na sila na parang bula.
"Mga patay gutom!!" sabi naman ni HyeJu sabay tayo
"I agree" pag sangayon ko tsaka tumayo na rin at para makapunta sa mesa na puro pagkain lang ang nakalagay
habang busy kami sa pagpili ng kakainin namin ni HyeJu ay may biglang sumulpot and I think kaklase namin noon
"Coleen?" sabi pa nito at tiningnan niya si Coleen para ma sigurado "Wow! Ikaw nga" tsaka niya yinakap bigla si HyeJu na ikinabigla naming dalawa. "Kamusta ka na?" tanong niya nung kumawala siya sa yakap
"Okay lang ako?" hindi siguradong sagot ni HyeJu sa kaklase namin. Sino nga tong babaeng to? Nakalimutan ko ang pangalan niya eh pero pamilyar siya sakin
"Coleen nakalimutan mo na ba ako? SI Jonamie Ann to yung ka club member mo noon"
nakita kong napakamot si HyeJu sa kanyang batok dahil hindi niya talaga ito maalala. Kahit ako nga hindi ko siya nakikilala.
"Sige mauna na ako sainyo ha. Masaya akong makita kayong apat ulit" at umalis na nga siya. Kami naman ni HyeJu ay bumalik na sa mesa namin. Pagdating namin dun ay nanlaki ang mga mata namin
o_O teka may fiesta ba sa mesa namin? Ba't punong puno na ng mga pagkain dito? at sa kaalaman ko ay nasa kamay pa namin ni HyeJu ang plato namin. Saan naman namin ito ilalagay?
"Oh nakabalik na pala kayo. Umupo na kayo ano pa ang hinihintay niyo jan?" Xyla
"Nahihiya kasi kami sa mga pagkain niyo. Wala ng natirang space para lagyan namin ni Patricia ng plato namin" HyeJu
"eh ganun talaga basta gutom eh" Xyla sabay peace sign samin
"Psssh! Parati naman eh" HyeJu
kaya ang ending ay humanap na lang kami ng isa pang bakanteng upuan at dun na lang tahimik kumain
|after 30 mins|
tapos na kaming kumain at nakaupo na ulit kaming apat sa iisang mesa
naiinip na ako na parang gusto ko nang umuwi. Wala rin naman kasi kaming ginagawa dito kundi ang umupo lang.
Marami pa kasi silang story telling sa gitna. Pssssh! Hanggang sa sinabi na ng mc na the floor is now open at sa isang iglap ay puno na ng mga taong nagsasayawan ang gitna. Yung iba lasing na ata. May mga wines at tequillas din kasing naka serve kaya ayun.
"Waaaah! I miss this life!" Xyla na pinipigilan ang pag sayaw niya. Ngunit nag hehead bang parin, sinasabayan ang tugtog sakanyang upuan
"Ako rin!" pag sangayon naman ni Nikki
"Tara sayaw tayo!" aya ni HyeJu samin pero pinigilan ko sila kaya tumingin silang tatlo sakin
"Hintayin niyong may umaya sainyo. Just like the old times" sabi ko sabay smirk. Nag siupuam naman ang tatlo pero may mga ngiti na sakanilang labi
And after a minute ay nasa gitna na kami ng dance floor. Syempre ang dali lang kaya humanap ng mga hot guys sa ganda pa naman namin. Hindi ko akalain yung mga dugyot kong mga kaklase noon ay naging gwapo at matikas na ngayon. Iba talaga yung mga glow up nila.
giling dito
giling doon
sayaw lang ako ng sayaw na parang wala ng bukas. Ang sarap pala sa feeling na balikan ang mga ginagawa niyo noon.
Pero bigla na lang may humila sakin.Nung una ay pumapalag pa ako pero di nag tagal ay hindi na dahil naalala kong isang tao lang ang humihila sakin basta basta noon. At yun ay si Dave
binitawan niya lang ang braso ko nung nakarating na kami sa harap ng isang sasakyan which I think sakanya ito. Agad niya akong hinalikan sa labi na naging rason ng paglaki ng aking mga mata. Trinry kong itulak siya pero sa halip na bitawan niya na ako ay pinatuloy niya parin ang paghalik niya sakin. Ewan ko ba sa sarili ko pero hindi na ako nanlaban pa sakanya kundi hinalikan ko na lang rin siya. At kusang pumikit ang aking mga mata at napahawak sakanyang batok.
Siya naman ay hinawakan ang bewang ko to deepen our kiss. It was long passionate kiss ang nangyari samin para bang sabik na sabik kaming magkita ulit at alam ko kung gaano niya ako na miss nararamdaman ko kasi sakanyang mga halik.
We stop to catch our breath pero nakahawak parin ako sakanyang batok at siya naman sa bewang ko habang mag kadikit ang aming noo.
"I miss you" he said huskily. Hindi ako sumagot sakanya sa halip ay nakatingin ako sakanyang mga mata
I know Dave. Kahit hindi mo pa sabihin sakin alam ko kung gaano mo ako na miss.
~ ~ ~*Nikki's Pov*~ ~ ~
wooohh! Alam niyo bang nag eenjoy ako ngayon? Hihihihi. Sobrang na miss ko kasing gawin to. Party all night with a guy ^____^
habang enjoy na enjoy kami sa pagsasayaw ay may hindi inaasahan akong pangyayari sa katawan ko
*PROOOOOOT*
O_o Omo!!!
*Prroooot*
napahawak ako sa aking tyan dahil sa sakit at iniwan ko na lang basta basta ang aking ka date ngayon dahil tumakbo ako papunta sa cr!!!
Wah!! bakit ngayon pa sumakit ang tyan ko? Ayan kasi kung ano ang kinakain mo Nikki >."Hello Nikki? Napatawag ka?"
"Warren I need your help"
*prrrrooott**
kyaaaah!!! nakakahiya!!!! >.< huhuhu
______________________________________________