CHAPTER 2

2114 Words
~ ~ ~*Xyla's Pov*~ ~ ~ "Xyla nakatulog ba si baby?" nag lalakad kami palabas ng airport nung tinanong ako ni Andrew nakarating na kasi kami sa Manila "Yeah napagod siguro" sagot ko. Nakakandong kasi sakin si baby tapos si Andrew naman ang bahala sa mga bagahe namin "Halata nga. San tayo dederecho?" "Sa unit ko na lang muna tutal may mga gamit na dun si baby at malapit ang resto sa unit ko" "Okay" kaya naman sumakay na kami ng taxi at dumerecho na sa unit ko. Tatlo kami ang umuwi dito si baby at ang partner ko hindi partner in life ha but were dating and actually he's my step uncle I think? Kasi kapatid siya ni mommy faye at si baby naman ay hindi ko anak he's my half brother at 4 yrs old na siya ngayon and his name is Alexander. Sa gandang kong no kailangan ko lang siyang dalhin dito sa Pilipinas dahil walang may mag aalaga sakanya kaya ang ending ay tatlo kami ang nakauwi dito. Wala namang problema samin ni Andrew na dalhin si baby dito dahil parang kami na ang tunay na mga magulang niya dahil kami ang parati niyang kasama kasi nakababad sa trabaho si dad. And i'm sure Alexander will enjoy our stay here in the Philippines. ~ ~ ~*Dwight's Pov* (after 1 week)~ ~ ~ "Iya nakauwi na ba talaga si Coleen? Siya ba talaga yung nakita ko nung nakaraang araw?" sabi ko kaagad nung pumasok si Iya sa office ko. Kinuwento ko sakanya ang nangyari sakin kaso ikinagulat ko ang kinilos niya nun |flashback| parang bumalik ako sa katauhan ko nung nakita kong palabas na si Coleen ng SB kaya naman dali dali akong tumayo at hinabol siya. Nung nakalapit na ako sakanya ay hinawakan ko ang braso niya kaya napatingin ito sakin "Coleen. Kailan ka umuwi?" sabay ngiti sakanya. Pansin kong mas gumanda pa siya lalo ngayon. Ngunit may nakita akong pagtataka sakanyang mukha "Sino ka?" sabi niya na alam mong foreigner dahil sa tono ng boses niya "Nakalimutan mo na na ako? Ako ito si Dwight" tumingin lang ako derecho sakanyang mata pero wala akong may nakikita dito "Dwight? I'm sorry pero hindi kita kilala. I have to go" tsaka niya binawi ang braso ko na hawak niya tsaka dali daling pumasok na sa kotse. Okay what was that? |end of flashback| "I already asked my mom about it at umuwi nga dito si Coleen" parang bumalik ang sigla ko nun dahil sa wakas ay makakasama ko ulit "So si Coleen na nga yun. Pero bakit parang hindi niya ako kilala?" tinaas niya lang ang balikat niya sakin bago mag salita "mamaya na natin ito problemahin sa ngayon ay ang dapat natin gawin ay mag ayos na dahil ngayon na yung event" "ngayon na pala yun?" napatingin ako kay Iya at sobrang sama ng tingin niya sakin "Alam mo ba ang salitang joke Iya? kung makatingin ka jan parang papatayin mo na ako ha" "Psssh! Mag ayos ka na nga jan malelate tayo eh" |venue ng event| Pag pasok namin sa venue ay sobrang dami ng tao at halatang isang sikat na photographer ang may kuha ng mga litrato na nandito dahil ang gaganda nito. Laking gulat ko na andito rin pala ang mga siraulo kong kaibigan maliban kay Vince "Yow pare kamusta?" Sky sabay high five sakin "Eto gwapo parin. Teka kayo lang ba ni Dave ang nandito? Asan si Vince?" tsaka ko inilibot ang aking paningin baka kasi makita ko ulit si Coleen "andito si Vince kaso bigla na lang nawala" Dave ~ ~ ~*Vince's Pov*~ ~ ~ Nasa isang event ako ngayon at sobrang ganda ng mga dinidisplay dito may balak nga akong bilhin dito eh kaso ang sabi nila hindi ko pa pwede bilhin dahil hindi pa daw nag uumpisa ang biding Habang tinitingnan ko ang mga litrato dito ay biglang may bumuhos na tubig sa pants ko "f**k!" ang nasabi ko na lang at tiningnan ko ang may gawa neto at ang nasa harap ko ay ang isang bata na may hawak na walang laman na baso. Nagkatitigan lang kaming dalawa at alam ko na natatakot na itong bata na to "baby!" sigaw ng isang babae na nagmamadaling lumakad papunta sa bata "What have you done? Did you say sorry?" sabi niya habang nakaluhod sa harap ng bata teka? Nananaginip ba ako? Si Xyla ba talaga tong nasa harapan ko at ano raw? Baby??? So ibig bang sabihin nito anak niya tong bata na to? Pero sino ang ama? nakita kong tumayo si Xyla at binuhat ang bata "I'm sorry sa ginawa ng anak ko" at sa oras na nag katinginan kami ay parang nagulat siya na parang hindi siya makapaniwala na magkikita kami ngayon. She's still beautiful as always. "No it's okay.Xyla ikaw ba yan? kamusta ka na? Kay tagal nating hindi nagkita ah" mag sasalita na sana siya ng may dumating na lalaki na pamilyar sa paningin ko "Xyla nandito lang pala kayo ni baby kanina pa kayo hinahanap ni HyeJu mag uumpisa na raw ang event" sabi ng bagong dating na lalaki at kinuha ang bata kay Xyla "Ganun ba sige. Ah Andrew si Vince pala Vince si Andrew" Okay I remember him. Siya yung kasama niya sa cooking contest "Pare ikaw pala yan" tapos nagusap usap muna kami tsaka umalis na rin sila dahil mag uumpisa na ang event at nalaman ko na kaibigan niya pala ang photographer kaya naman hinanap ko na rin ang mga tropa ko para hindi naman ako mag mukhang loner dito. ~ ~ ~*Dwight's Pov*~ ~ ~ habang busy kami sa pag kwekwentuhan nila Sky ay biglang sumulpot si Vince na kanina ko pa hinahanap. "Vince" pag uumpisa ko sana kaso sinenyasan niya ako na tumahimik muna dahil may sasabihin siya sakin kaya zip mouth muna ako at hinayaan ko siyang mag salita "Mga pare nandito si Xyla sa event na to kasama niya si Andrew na nakasama niya noon sa Boracay at may anak rin silang kasama" "ANO?" sabay sabay na sabi naming tatlo "Oo mga pare hindi nga ako makapaniwala eh pero may anak na sila at huli na ako" nakita kong yumuko si Vince "Pero pano? Hindi ba may pangako kayo sa isa't isa?" Dave "Hindi ko alam at hindi rin maikakaila na mapapalitan niya ako dahil matagal tagal rin kami hindi nagkita" tsaka umiling iling pa siya "Good evening everyone may I have your ears and eyes for a second. I want to introduce to you the person behind this wonderful creation please welcome Ryu Hye Ju" pagkatapos sabihin ng MC nun ay nagsipalak pakan kaming lahat. At parang nag silakihan ang aking mata nung nakita ko kung sino si Ryu Hye Ju Si Coleen ito. Hindi ako nag kakamali kahit ilang taon na ang nakalipas at umiba na ang kulay ng buhok niya alam kong siya ito dahil siya lang ang babae na may kayang magpabilis ng t***k ng puso ko. Pero bakit naging Ryu Hye Ju ang pangalan niya "Good evening everyone. Salamat sa pagpunta niyo dito. And of course I want to thank all the people who helped me for this event my friends" tsaka nag silabasan sina Xyla,Patricia,Nikki kasama ng mga escort nila na pamilyar sa aking mga mata with a cute little boy "and of course my ever supportive fiancé" parang na buhusan ako malamig na malamig na tubig nung lumbas ang fiancé ni Coleen. Bakit siya pa??? Bakit si Jake pa ang finacé ni Coleen ang kaaway ko sa lahat ng bagay noon at ngayon ay kaaway ko sa puso ni Coleen "without him hindi ko alam kung sasaya pa ako katulad ng nararamdaman ko ngayon kaya yobeo saranghae"sa sinabi niyang yun ay parang dinurog na ng tuluyan ang puso ko sa sobrang sakit. "Enjoy the rest of the night" tapos umalis na sila sa gitna "Are you okay" sabi naman ni Iya sakin yumuko kasi ako parang hindi ko kayang makita ang mga ngiti ni Coleen ngayon "Yeah i'm okay" "Dwight I think papunta sila dito" pagkasabi nun ni Iya ay tumayo ako ng tuwid at nakita ko sila na nasa harapan na namin na nakangiti. Siguro naramadaman ni Iya na wala kaming planong mag salita kaya siya na lang "Hi cousin how are you?" tsaka nakipagbeso kay Coleen at sa iba pang mga babae "You're Iya right?" nanlaki ang mata namin dahil sa tanong niya. Wag niyang sabihin na pati ang pinsan niya ay kinalimutan niya na. Napaisip ako. Gaano ba kalaki ang sakit na dinanas niya sakin na pati si Iya ay kinalaimutan niya "Yeah" "I'm sorry Iya dahil nakalimutan kita I mean kayong lahat my problema kasi ako noon na naging dahilan na makalimutan ko kayong lahat but this guy looks familiar" pag explain niya tsaka siya tumingin sakin at nakita ko naman nagulat ang iba niyang kasama "Aha!! Ikaw yung guy na nakita ko sa SB hindi ba?" "Ah oo ako nga yun" sagot ko "Sorry Dwight kung hindi kita nakilala nung nakaraang araw" "No it's okay. I understand. Maybe there's a reason kung bakit nakalimutan mo ang lahat lahat" tumingin ako sa iba at ang sasama ng tingin nila sakin lalong lalo na si Jake "Siguro nga! Sige ma una muna kami ha. And please enjoy the rest of night ay nga pala Iya bagay kayo ni Dwight" tiningnan niya muna kami isa isa at umalis na rin Sa ilang segundo ay parang naging pipi ako dahil hindi ko kayang ibuka ang aking mga bibig Coleen totoo bang nakalimutan mo na talaga ako o palabas mo lang ang lahat ng to para saktan ako? ~ ~ ~*Dave's Pov*~ ~ ~ nung nakalayo na sila saamin ay napaisip ako kung pano ko makakausap ulit si Patricia sampung taon na kasi ang nakalipas na wala akong connection sakanya. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sakanya sa mga araw na yun. Kaya naman lumabas ako ng venue at tinawagan si Trisha (remember her? yung new student noon sa east high) "Hello Dave napatawag ka?" bungad niya sakin "Trisha alam mo ang dumating na sila Patricia dito?" "Hindi bakit? Nakauwi na ba sila dito?" "Oo andito silang apat. Kaya may ihihingi sana ako sayo kung okay lang" "Sige kung makakaya ko. Ano ba yun?" "Pwede mo ba silang iinvite sa homecoming party ng batch natin?" "Sus yun lang ba Dave? Syempre pwede no. Kaklase kaya natin sila" "Talaga? Salamat Trisha" "Walang anuman. Sige ibababa ko na to marami pa kasi akong aasekasuhin eh" "Sige. maraming salamat talaga Trisha" |End Of Convo| kung hindi kita makakausap ngayon Patricia sisiguraduhin kong sa homecoming magkakausap na tayo. ~ ~ ~*Jake's Pov*~ ~ ~ nasa event kami ngayon ni Coleen at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkita pa sila ni Dwight ang lalaking sumira sa puso ni Coleen. Were engaged now at alam kong wala akong ginagawang masama kasi nag mamahalan naman kaming dalawa eh. At ayoko nang makita si Coleen na nasasaktan sapat na ang sampung taon na paghihirap niya panahon niya na ngayong sumaya "Jake pano na to? Nagkita sila ulit ni Dwight?" nag aalalang tanong sakin ni Xyla kaya naman nginitian ko muna siya bago tumingin kay Coleen na ngayon ay kasulukuyan nilalaro Alexander "Wag kang mag aalala nakalimutan mo bang hindi niya na naalala ang lahat na nangyari 10 years before?" nung sinabi ko yun ay parang napahinga siya ng maluwag "Ay oo nga pala. Basta Jake wag mong hahayang mapalapit ulit yan si Dwight sa kaibigan namin" "Oo naman no" nag thumbs up muna siya sakin bago tumakbo papunta kay Coleen Napailing na lang ako ng wala sa oras. Sampung taon na ang nakalipas ganun parin ang apat si Xyla childish parin si Andrew na nga lang nag papatino sakanya eh. Alam niyo ba kung pano? Syempre sa pamamagitan ng pagluluto magaling din yang si Andrew mag luto eh. Si Nikki naman shoppaholic parin mabuti na lang anjan si Warren para sakanya. Meron kasi siyang mall kaya kapag gusto ni Nikki bumili ng gamit at dun na lang siya pumupunta dahil libre siya dun pero hindi alam ni Nikki na may lihim na pagtingin sakanya si Warren. May pagkatorpe rin kasi yung lalaki na yun eh takot umamin. Si Patricia naman ay bookworm parin pero masikreto sakanyang lovelife kapag kasi nagkikita kami iba ibang lalaki ang katext niya. At syempre hindi mawawala jan ang pinakamaganda kong fianceé na si Coleen na kahit may amnesia na siya ay sadista parin siya akalain mong isang araw noon ay inaya niya akong makipag sparing sakanya pero kahit ganun ay mahal na mahal ko parin siya at ayaw kong magkalapit ulit sila si Dwight kahit kailan
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD