LICK ME 16: ⚠️⚠️⚠️

1468 Words

GAEA’S P.O.V: LAKAS LOOB na pumasok ako sa loob ng bahay at nadatnan ko si Gaeo sa sala nag-aaral kaya naman nilapitan ko ito. "Nasaan si Mama at Papa?" tanong ko dahilan para maiangat ni Gaeo ang mukha niya sa akin. "Ate Gaea, napadalaw ka po?" balik na tanong niya sa akin imbes na sagutin ako. "May itatanong lang ako kay Mama at Papa kaya hinahanap ko sila." "Nasa kusina po. Puntahan mo na lang kung gusto mo." "Sige." Iniwan ko si Gaeo sa sala at saka ako naglakad patungo sa kusina at nadatnan ko nga si Mama at Papa na naghahanda na para sa kanilang tanghalian. "Ma," tawag ko kaya napalingon si Mama sa akin maging si Papa na abala sa paghuhugas ng gagamitin sa pagluluto. "Oh, Gaea, napadalaw ka yata? Kasama mo si Lexus?" ani ni mama at hindi man lang ako tinanong kung kumusta ba

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD