Chapter 21

4115 Words
EXF 21- GREEN IC CARRIER Lelouch POV The day when I was eight years old. My clothes is full of blood. While walking along the street in the middle of the night. The last thing that I knew is I am a carrier of curse. I can't remember where I came from. Who am I? And who is my family? Maybe they are alive? Where they are? Why they should let me alone here? Umiikot na ang paligid maybe I don't have enough energy for now. Nakita ko na may papalapit na sasakyan towards me. Then, I fainted. Nagising ako sa isang mala-palasyong kwarto. Maraming tao ang nakapalibot sa'kin. I don't know because I'm afraid to them. "Thank God, you're awake Hijo." Napatingin ako sa medyo may edad na babae. "You almost five days fall asleep." Limang araw pala ako nakatulog kaya naman pala ang sakit ng katawan ko. "I am Lurika Lapachelle, and this is my husband Simeon Lapachelle. Nakita ka naming walang malay sa kalsada five days ago. What's your name?" nakangiting tanong sakin nung babae. napayuko lang ako at hindi nagsalita. Wala akong mailabas sa bibig ko na kahit anong salita. May nakita akong papel at ballpen at sinimulan kong magsulat. 'Lelouch' Nagtinginan ang mag-asawa. "Hindi kaba nakakapagsalita Hijo? What happened to you?" I didn't answer them again. Umiyak lang ako. Until my fear were gone. Inampon ako ng mag-asawang Lapachelle sa dahilan nga na wala silang supling. Naging masaya ako sa piling nila. Tinuring nila ako na para nilang tunay na anak. Hindi parin ako nagsasalita hanggang sa makatungtong ako ng Highschool sa isang exclusive school ako nag-aaral kung saan may share ang pamilya Lapachelle. Hindi naman ako nahirapan kahit na hindi ako nakakapagsalita I had just my own world way back then. My wonderful college life at University of the Philippines Diliman. Nung una ay tutol pa ang parents ko dahil sa Harvard nila ako gustong pag-aralin. Do'n ako sumali ng Alpha Phi Gamma para mas masanay ako sa pakikisalamuha sa iba. Hindi notorious ang fraternity namin. We love to help other not in brutal way, but in good heart way. We always have a charity program and community service. This is my favorite school. I enjoy the company and my course, being a Fine-Arts student. I love to draw and paint I stringly attached to draw something from my past pero hindi iyon ganoon kalinaw. Until I become the King of APG. Sa totoo lang ay isang malaking kahihiyan sakin noon ang pagtakbo sa Oblation run pero bilang pinuno ay responsibilidad ko ito. Sa kalagitnaan ng pagtakbo namin ay halos mabingi ako sa sigawan ng mga estudyante. I saw a girl na tila tinulak ng mga bading ilang distansya lang ang layo namin kaya sinalo ko siya. Oh... I love her scent. Pero ang hindi ko lang matanggap ay nahila niya ang veil ko na nagtatakip sa ulo ko na nagpatanggal sa black mask ko. Nagkatitigan kami. Parang huminto ang mundo ko when it comes to her beautiful fair of eyes. Her heart shaped face and pouty red lips. Lalong lumakas ang tilian. "Haaaaaaaa King Leouch!" Oh s**t! Wala nga pala akong veil at black mask. Napatingin ako sa babae na tila takot na takot. "BAKIT MO TINANGGAL ANG BLACK MASK KO!" sigaw ko na kinabigla ko. After all these years, nakapagsalita narin ako. Pagkabaling ko muli sa kanya ay hinila na siya ng babaeng kamukha niya. Tuluyan ng nagkagulo. Mabilis kong isinuot muli ang veil at black mask. Hindi ko magawang mahiya bagkus ay nakangito akong tumakbo muli. Pinagaling ako ng babaeng iyon. I need to see her again. To thank her and... be my life. Pagdating ko sa mansyon ay hindi rin makapaniwala ang parents ko na sa wakas ay nakakapagsalita na ako. Niyakap pa ako ni Mama. "Ngayong nakakapagsalita ka na, maaari na ba naming malaman ang lahat tungkol sayo?" wika ni Papa. Sabay-sabay kaming naupo. I clear my throat before I speak. "Actually Ma and Pa, I still don't have an idea about who I am and to my biological parents. The day whenyou're saw me on that street..." saglit akong napahinto. Sasabihin ko ba na isang akong experimental sample? "I can't still remember what happened to that day." Napayuko ako. Nakita kong nagkatinginan sila. "It's okay son, ang importante ay dumating ka sa buhay namin." Napangiti ako. Tumayo ako sabay niyakap sila. Niyakap din nila akong ng mahigpit. 'Di na siguro mahalaga kung ano o sino ang mga tunay kong magulang ang importante ay nandito sila Mr. and Mrs. Lapachelle na handa akong mahalin at tanggapin. Kasalukuyan akong nasa Org. office ng APG habang nagla-laptop. "Katrinity Idellane Trei Ormane Jimenez, BSMechanical Engineer 2-A." nangunot ang noo ko habang bina-browse ang article patungkol sa babaeng nakatanggal ng veil ko. Seryoso bang full name niya 'to? Ang haba. Pinagpatuloy ko ang pagbabasa. Granchild of famous Doctor and Scientist, Abilar Ormane. Her father is Gionne Jimenez who's the owner of the largest technology company in the Philippines the Jimenez Tech Inc. Her mother is the youngest scientist Kamika Arameia Coleen Ormane- Jimenez they are both decease because of car accident. She is the twin sister of Katrina Adellane Erei Ormane Jimenez a BSMechatronics student.Katrinity is Valedictorian in Elementary, Salutatorian in Highschool and now a rank number one in President's list this semester. Ang masasabi ko lang ay WOW. Engineering pa siya sa lagay na 'yan. She's an ideal girl, beauty and brain. I also check her IG account and browse all her photos. Parang gusto ko nalang siya na titigan maghapon sa monitor. Nang makita ko ang link ng ng f*******: niya ay agad kong ni-copy 'yon. Then I opened my f*******:. King Lelouch Lapachelle Search: Katrinity Idellane Trei Ormane Jimenez Hay. Mabuti at nakabisado ko. Joke. Ni-copy paste ko lang nahihilo kasi ako sa name niya. walang lumabas 'Kit Jimenez lang' I clicked it. And whoa. Super private ng account isang photo lang ang naka-public na may 50k likes, grabeh napakafamous niya. samantalang ako ay 1k likes lang szaphaat nhuah. Hahahaha syet saan ba ako natutong mag-jeje? Nang ma-click kona ang add botton. Kit Jimenez is not accepting friend request anymore but you can be following them. Hays, kung minamalas ka nga naman. Followzone agad? Sinara ko ang laptop. Siguro nga kailangan ko na siyang puntahan sa mansyon nila. Hindi rin naman siya ma-hunting ng mga ka frat-mate ko sa buong campus. "Kayo muna bahala dito." Sabi ko sa mga myembro kong nandoon. "Sige King, sana hindi kana followzone pagbalik mo." Nagtawanan sila. "Mga ugok! mag-aral kayong mabuti!" bumalik sila sa kanilang ginagawa pero mga nagtatawanan parin. Mga sira talaga. Palibhasa mga magpa-piyesta nung nakapagsalita na ako. Sinuot ko ang jacket ko saka lumabas. Sakay ako ng sports car ko nang magtungo sa kanila. Ilang beses akong nag-doorbell pero walang nagreresponse. Mayamaya ay may nagsalita sa intercom. [Kit speaking, Who are you and what do you want?] I smiled. I hear her voice finally. Pero ang atraso ay atraso parin. "It's me,the guy under the mask you unveiled. And I am here to talk with you PERSONALLY." Yes, I want o see her. Sana lumabas na siya. Nakita ko na unti-unting bumubukas ang pinto. Para siyang naka-half-fie na nakasilip doon. Gusto kong kaltukan ang sarili ko dahil mukha siyang natatakot sa'kin. "Anong sasabihin mo?" tanong niya at tuluyang lumabas. Natulala muna ako sa kanya napaka-feminine ng awra niya. Naka floral dress siya habang naka headband ang manipis ang mahaba niyang buhok. "Hey?" iwinagayway niya ang kamay niya sa'kin. Nakakatulala kasi ako sa kanya. "Ah, hindi mo lang ba ako papapasukin sa loob?" nagpameywang siya. "Gusto mo bang mamatay sa loob." Nabigla ako sa sumabat na kamukha niya rin. Nakakalito pala ang pagka-identical twin nila. Pero yung Kae ay naka lab gown. Tinapik niya ito. "Sorry, hindi kasi pwede sa loob, kino-kuryente ng system kung hindi kilala." Napatango ako sa sinabi ni Kit. Tininggnan niya si Kae, pumasok na ito sa loob. "Doon nalang tayo sa garden." Nauna siyang naglakad saka ako sumunod. Nakatingin ako buhok niya na sumusunod sa galaw niya humahalimuyak din ang amoy nang buhok niya. Hindi ko namalayan na hawak ko na 'yon at sinusuklay ng mga daliri ko. Huminto siya at humarap sa'kin. Dumulas sa mga daliri ko ang buhok niya. "Strawberry flavor ng shampoo ko. Ganda ba?" bigla akong namula. Ngumiti lang siya at nagpatuloy sa paglalakad. After we talked to each other, ay para na kaming mga praning na nagtatawanan dahil naku-kwentuhan na kami patungkol sa mga kalokohan namin noon. Tapos ay hindi ko namalayan na papagabi na noon. Basta ang alam ko lang ay parang matagal na kaming magkakilala. At ang feelings ko about her ay lalong lumalalim. Sinimulan ko siyang ligawan. I send her a lot of surprises sa campus. I really love the memories nung sinagot niya ako sa Manila bay. Epic man pero hindi ko malilimutan because I planned to go there to see the sunrise with her kaya madaling araw palang ay kinuha ko siya sa mansion nila habang mahimbing pa ang tulog niya at nakapajama pa. Buti at nakakuntsaba ko si Kae. Nang patungo na kami sa Manila bay at nasa loob na siya ng sasakyan halos maghisterikal siya. "Ano ba itong kalokohan mo? Madaling araw kung mang-kidnap ka ng tao?" sabi niya ng maalimpungatan. I just smiled. "Basta." "Nakakainis! Hindi mo pa nadala tsinelas ko. Nagmamadali ka ba? Kay dilim pa oh!" iritang sabi niya. Sorry naman kung excited ako. Kinuha ko angang dalawang tsinelas ko at itinapon sa labas. "Bakit mo ginawa 'yon?" tanong niya. "Para quits na tayong no slipper." Hinampas nalang niya ang braso ko. Pagkapark namin ay medyo lumiliwanag na. Bumaba ako at binuksan ang pinto niya. "Pasan ka sa likod ko. Malamig ang semento." Napakagat labi siya at biglang tumalon sa likuran ko. "Syems. Sa payat mong 'yan bakit ang bigat mo?" halos lumuhod kasi ako sa bigat niya. Tumawa lang siya. Sinimulan kong maglakad hanggang sa isang bato ko siya binaba at naupo kami. "Akala kasi ng iba sunset lang ang magandang panoorin dito. Pero para sa'kin mas magandang pagmasdan ang sunrise dahil pangangahugan 'to sa isang bagong umaga at pag-asa. Kit, ikaw ang umaga ko dahil ginising mo ang natutulog kong puso." Tumingin ako sa kanya sakto namang gumuhit na sa mukha niya ang sinag ng araw. With her smile. "Ang dami mo pang metaphor na nalalaman. Sasagutin din naman kita." Napanganga ako sa tuwa. "Totoo ba 'to? Sasagutin mo na ako?" "Oo, girlfriend mo na 'ko." Yumuko siya at idinikit ang mukha sa dibdib ko. "Hala? Bakit ang lakas ng t***k?" tanong niya habang pinapakinggan ang pintig ng puso ko. Niyakap ko siya at hinalikan sa noo. "I love you Kit." "I love you too Lelouch." Pinagpatuloy niya ang pakikinig sa t***k ng puso ko. That day ay pinakilala ko siya sa poster parents ko. Malugod nilang tinanggap si Kit at nagkasundo pa sila. Masaya ko silang pinagmamasdan na nagtatawanan habang nagkukwentuhan. Sa limang taong pagiging magkasintahan namin ay mas marami pa kaming mga bagay na napatunayan kung gaano namin kamahal ang isa't-isa. Until she graduated I am the one there for her. "Jimenez, Katrinity Idellane Trei O., Summa c*m Laude." Pagka-announce ng pangalan niya ay isang ako sa malakas na pumalakpak. Proud ako sa nakamit niya lalo na at nakatunghay siya sa'kin ngayon. Ako kasi ay last week lang gum-raduate. Sa mansyon nag-celebrate si Kit. Siguro ay mamaya ko nalang siya sosolohin para sa sorpresa ko sa kanya. Nandoon sa mansyon si Kae at ang boyfriend nitong si Paolo at ang kapatid ni Paolo na si Mache. Heto na naman ang kakaibang pakiramdam sa tuwing kompleto kaming lima. Natahimik kami, para bang may kung anong pwersa ang lumulukob samin. Ah basta! "Oh, tara! Simulan na natin ang mag-dinner!" basag ni Kae. Nagsi-tanguan kami at naupo sa dinning table. "Naks! Nextweek si Kae at Paolo naman ang ga-graduate. Pareho pang summa c*m laude." Pagbubukas ng usapan ni Kit. Masaya naman ako kahit hindi ako summa atleast magna c*m laude naman ako at may Kit. "Oo nga eh, buti naman at tapos na ang college." Wika ni Kae. "Si Mache kasi next year pa ga-graduate. Galingan mo bunso ha?" ngumiti lang si Mache. Tahimik lang talaga siyang tao. Pareho silang magkapatid. "By the way guys, nag-text yung boyfriend ko. Pwede din daw ba siyang magpunta dito ngayon?" Nagtinginan kaming apat. "May boyfriend ka na? Kailan pa?" tanong ni Kit. Maski ako ay naintriga. Sapagkat noon kapag nakikita ko si Mache sa campus ay tahimik lang siya at laging mag-isa kung hindi kasama si Paolo. "So, sinagot mo na pala ang lalaking 'yon? Ba't 'di mo pina-aalam sa'kin?" seryosong tanong ni Paolo. "Sorry Kuya, kung tinago ko... isang linggo palang naman kami." Pahayag ni Mache. "Sige,papuntahin mo siya. Gusto ko siyang makausap." Kaming tatlo ng kambal ay tila nangangapa sa magkapatid. "May problema kaba sa boyfriend niya Pao?" tanong ni Kae. "Sinungaling ako kung wala." Nakita kong napalunok si Mache. Biglang tumayo si Paolo. Sinundan naman ito ni Kae. May tumawag naman sa cellphone ni Mache at sinagot nito 'yon. Kami nalang tuloy ni Kit na ang naiwan sa hapag. Sabay kaming nagkibit balikat at pinagpatuloy ang pagkain. Dahil hindi na namin mahintay ni Kit ang boyfriend ni Mache ay itinakas ko na siya para nagawa at maipakita ko na sa kanya ang sorpresa ko. Lulan kami ngayon ng kotse patungo sa mansyon namin. Actually ay wala sila Mom and Dad dahil nagbabakasyon sila sa London. "Baby, masyado pang maaga para matulog." Nakita ko kasi siyang naghihikab. Alas syete plang ng gabi. "Nakakaantok na kasi, pwede bang umidlip muna?" naku po wag. Please lang. "Malapit na tayo 'wag kana matulog." "Kailan ba napigilan ang antok ha?" biglang umiba nag timpla na niya. "Ay, wag na nga! Nakakainis ka eh!" sumimangot siya at nag-cross arms. "Siguraduhin mo lang na may strawberry sa mansyon niyo." nangunot ang noo ko. "Anong gagawin mo sa strawberry?" tanong ko sa kanya. "Ipanliligo ko para mabusog ang balat ko. Baby naman, siyempre kakainin ko." Lalo akong na-weirduhan. "Sa pagkakaalam ko 'di ka kumakain no'n, nung last time nga isinuka mo lang."nangamot siya ng noo. "Ewan ko sayo! 'wag mo 'kong kinakausap!" Girls? Bakit ba ganyan ang hormones niyo? 'di ko ma-explain. Sa wakas ay nandito na kami sa mansyon. Bago kami bumaba ay piniringan ko muna ang mga mata niya. "Ikaw Baby ha, ano na naman itong pakulo mo?" binulungan ko siya. "You'll find it later...Baby." Bigla siyang natawa. "Ano ba yan! Tunog manyak!" ako naman ang natawa at lumabas na ng sasakyan. Inalalayan ko siya papasok sa mansyon patungo sa may fountain kung saan naka-set up ang sorpresa ko. Pagkatanggal ko ng piring niya ay saka bumukas ang mga Christmas lights na siyang nagpaganda sa buong fountain. Hindi ko maipaliwanag ang nakikita kong saya sa mga mata ni Kit. Ako naman ay kanina pa kinakabahan. Sinenyasan ko ang orchestra para tugtugin ang kantang aawitin ko para sa kanya. A hundred and five is the number that comes to my head When I think of all the years I wanna be with you Wake up every morning with you in my bed That's precisely what I plan to do Sa limang taon nakasama ko siya. She almost completed my life from the beginning till end. I hold her hand. And you know one of these days when I get my money right Buy you everything and show you all the finer things in life We'll forever be in love,so there ain't no need rush But one day I won't be able to ask you loud enough I looked into her eyes. I think she is that Girl... ang babaeng gusto kong makasama habangbuhay. I kneel infront of her. I'll say "Will you marry me?" I swear that I will mean it. I'll say "Will you marry me?" Inilabas ko ang isang maliit na box. At binuksan iyon. Her tears fell in joy. "Will you be my entire life Kit?" tumango tango siya. "Yes, I will be your entire life."ako naman ang napaluha sa sobrang tuwa. Nawala na ang kaba ko at puro kasayahan na ang pumalit. Tumayo ako at isinuot sa kanya ang singsing. I hugged her then I kissed her. Isa ito sa pinakamasayang gabi ng buhay ko. Ako na siguro ang pinakamasayang tao nung sinabi ni Kit na magkakaanak na kami. Yung pakiramdam na parang nasa 'yo na lahat ng kaligayahan. And because of that ay hindi muna namin itinakda kung kailan kami magpapakasal. Gusto ko munang makapanganak si Kit at dumating sila Mama at Papa na nasa London parin. Ngunit sa lahat pala ng saya ay hindi pwedeng mawala ang lungkot. Lahat ng bagay ay may kasalunghat. Isang malaking dagok sa'kin nung mabalitaan ko na wala na ang mga itinuturing kong magulang. Kasama silang nasawi nung bumagsak ang eroplanong sinasakyan nila pauwi sa Pilipinas. Hindi ko madaling natanggap ang lahat. Buti nalang at 'di nagsawa si Kit na damayan ako. Sa'kin pinamana ang lahat ng kanilang mga ari-arian, sa'kin pala nila pinangalan ang lahat. Isang bagay lang ang lubos na pinagsisisihan ko. Ang hindi ko pagsasabi sa kanila kung ano ba talaga ako. Para tuluyang maka-recover sa kalungkutang dulot non ay napagpasyahan kong kumuha ng isang condo unit para doon muna kami tumuloy ni Kit. Gusto ko siyang bantayan lalo na at kabuwanan na niya. Sabik na 'kong makita ang magiging anak ko. Nung last ultrasound ay nalaman naming babae siya. Lagi ko siyang kinakausap. Para iparamdam sa kanya na hindi ko siya iiwan. Naabutan kong may binuburda si Kit sa isang telang kulay pink. Katatapos lang namin non na ayusin ang buong nursery room ni baby. Kumpleto na sa crib, toys, at marami pang gamit na pang-baby. "Anong binuburda mo?" tanong ko sa kanya pagkapasok ko sa loob. "Pangalan ni baby girl." Binasa ko ang nakaburda. "Aria?" tumango siya. "Maganda naman diba?" "Oo naman." Hinaplos ko ang tiyan niya. "Hi baby Aria, ganda ng ibinigay na name sa'yo ni Mommy no? Excited na kaming makita ka." Napangiti ako ng gumalaw galaw siya sa loob. "After mo d'yan, magpahinga ka na ha?" sabi kokay Kit. "Sure, pero gusto ko katabi ka." I smiled at her. "Syempre naman." Inalalayan ko siyang tumayo. Pero bigla siyang napahinto. "Bakit?" tanong ko. "Lelouch...yung panubigan ko..." Manganganak na si Kit! Isa ako sa mga hindi mapakali nung nasa klinika na kami ni Dr. Mershelle. Ang higpit ng kapit sa'kin ni Kit. Alam kong labis na siyang nahihirapan kung pupwede lang sana kung ako ang manganak ay gagawin ko. Hindi rin magkandaugaga si Kae. Si Paolo naman ang naga-asist kay Dr. Mershelle. Nang lumabas na ang bata. Parang nagliwanag ang mundo ko. Lalo na nung ilapit siya sa'kin ni Dr. Mershelle. I felt I have the best gift and treasure in this world. I hold my little angel. Tears fell in my eyes. She's the most beautiful creature. Napatingin ako kay Kit, she so pale and tired pero parang napawi ang lahat nang masilayan niya ang anak namin. "Kit, heto na si baby Aria." Inilapit ko sa kanya ang anak namin. Inilagay ko sa ibabaw niya. Pero bigla naman siyang nakatulog. Ako naman ay tila nandidilim ang paligid. At 'di ko na natandaan ang mga sumunod na nangyari. Nang magkamalay ako ay si Dr. Mershelle at Paolo ang una kong nakita. "Anong nangyari sa'kin? Si Kit?' yung anak ko?" lumapit sila sakin. "Tulog pa si Kit, 'yung sanggol na kay Kae." Napatingin ako kay Paolo. Bakit ganyan sila nakatingin sa'kin? "May problema ba?" tanong ko. "Gaano mo katagal itatago na ikaw ang green IC carrier?"nabigla ako sa sinabi ni Dr.Mershelle paano nila nalaman? Bigla akong tumayo ngunit sabay nila akong hinawakan sa balikat. "Sagutin mo muna kami!" galit na wika ni Paolo kaya nagpumiglas ako. "Bakit ba ayaw niyo 'kong pakawalan!?" sigaw ko sa kanila "Nanganaganib ang buhay mo at mag-ina mo!" napahinto ako sa sinabi ni Dr.Mershelle. "Anong-" "Siguro nga hindi mo na talaga ako naaalala pero ako ang nagtanim sayo ng green IC." Pahayag ni Dr.Mershelle. Ah, siya pala! Buong lakas akong tumayo at kin-welyuhan siya. "Ikaw! Ikaw ang may kasalanan kung bakit nagkaganito ang buhay ko! Sabihin mo, sino ako? Ano'ng pagkatao ko? Sabihin mo!" nanggagalaiti kong sabi sa kanya. Pasalamat siya at nakontrol ko pa ang sarili ko. Inaawat naman ako ni Paolo. "Lelouch, wala nang panahon upang mamunhi ka pa. Kailangan ninyong lumayo nila Kit dito, dahil siya ang purple IC carrier." Mas nabigla ako sa sinabi ni Paolo. "Paniguradong na-trace na tao ngayon ng mga DGQ. Mataas ang activation ng mga IC niyo ngayon." Sabat naman ni Dr.Mershelle. Si Kit at Aria... Sabay-sabay kaming nagulantang sa pagsigaw ni Kae. Lumabas kami upang puntahan siya. "Ano'ng nangyari Kae?" tanong ni Paolo dito habang pinapakalma. "Si Aria..."humikbi siya. Kinabahan ako dahil hindi ko nakikita ang anak ko sa crib. "Nasaan si Aria? Nasaan ang anak ko?" 'di ko maiwasang maitaas ang tono ko. H'wag naman sana parang-awa. Lalo siyang humagulgol. "Hindi ko alam...basta pagkabalik ko dito, dahil tinimplahan ko siya ng gatas wala na siya." Napaluhod ako. "Hindi...hindi!" sigaw ko at nagtungo sa crib. Para akong baliw na hinahanap parin doon ang anak ko. Nilibot ko ang bawat sulok ng kwarto. Napasabunot ako sa buhok ko. Tumakbo ako palabas. Malakas ang buhos ng ulan. May nadatnan akong sasakyan na pasara palang ang bintana, pansin kong may karay na sanggol ang taong nandoon. Hinbol ko 'yon pero mabilis na humarurot ang sasakyan. "Kung sino ka man, ibalik mo ang anak ko!" napapapikit ako sa tumatamang patak ng ulan sa mata ko. Patuloy parin ako sa paghabol ng sasakyan. Ano'ng motibo niya? Bakit niya kinuha ang anak ko? "Ibalik mo siya!" sigaw ko. Hanggang sa tuluyang bumigay ang mg binti ko. Napaluhod ako at pinagsusuntok ang semento. Bakit ang anak ko pa! "Ariaaaaaaa!" pakiramdam ko ay hindi na mauubos ang luha ko. Tila sumasabay ang kulog sa aking pighati. Unti-unti nang nawala sa paningin ko ang sasakyan. Nanglulumo akong pumasok sa loob. Basang-basa ako sa ulan manhid na ang buong pakiramdam ko. Kaagad akong nilapitan ni Dr. Mershelle at Paolo si Kae ay nasa isang sulok lang, patuloy parin sa pag-iyak. "Paano natin 'to ipaliliwanag kay Kit?" pinili ko nalang na huminahon. Walang mangyayari kung magagalit ako at isisihin ang lahat sa sarili ko. "Hindi magiging madali ang iniisip mo Lelouch, sa pangatlong araw pa magiging si Kit." Pahayag ni Dr. Mershelle. Gagawin ko ang lahat sa loob ng tatlong araw bago magising si Kit ay maibabalik ko ang anak ko. Ngunit pati yata ang tadhana ay hindi pabor sa'min. Ni-clue ng sasakyan na ginamit ng kumuha sa anak ko ay wala kaming nakalap. Kaya parang dinudurog ang puso ko nang magising si Kit at hinahanap si Aria. Ang pinakamasakit naparte ay ako pa ang nagsabi na nawawala siya. Halos buong araw na umiiyak no'n si Kit. Labis na pinag-alala namin nang ma-depress siya at pilit na hinahanap ang anak namin. Kaya doon namin napagpasyahan na burahin sa ala-ala niya ang siyam na buwan na lumipas at si Aria... ang tanging huli na lamang niyang naaalala noon ay ang marriage proposal ko sa kanya. Pero sa isang iglap ay may kailangan akong gawin na alam kong pati siya ay hindi papabor. Syempre kung masakit sa kanya ay mas masakit sa'kin. Nag-usap kami ni Paolo. Kailangan daw naming lumayo at magtungo sa Stelar Quarter kasama si Mache dahil pati ito ay nanganganib na ang buhay. Mas higher daw ang activation ng IC namin ni Mache kaya kami palang ang nate-trace sa ngayon. Ligtas pa ang kambal. Pero ang kapalit ay kailangan namin ni Paolo na makipagkalas sa dalawa. Sobrang sakit no'n para samin. Pinagisipan kong mabuti ang bagay na 'yon. Kaya halos magkapira-piraso ang puso ko nang nakipaghiwalay ako kay Kit sa Manila bay. Lalo na nung makita ko siyang umiiyak. Pero pinangako ko non sa sarili ko na babalikan ko siya. Hahanapin ko ang anak namin. Babalikan ko siya. Babalikan ko siya kasama ang anak namin at tunay na ako. Sa limang taon na lumipas walang araw na wala siya sa isip ko. Kaya nung bumaba ang activation ng IC ko ay bumalik ako ng Earth pero sa Londo muna ako nanirahan. Sabi kasi sa'kin ni Dr.Mershelle ay doon daw nila ako natagpuan pero maging sila ay hindi ako kilala. Ang tanging palatandaan ko lang daw ay ang pa-infinity na balat sa kaliwang braso ko. Alam kong mayroon din nito si Aria 'yun din ang magiging basehan ko kapag nahanap ko siya. Kaya nung bumalik ako ng Pilipinas at muli makita si Kit. Alam kong labis pa'rin ang galit niya sakin. Pero kung tatamaan ka nga naman ng kamalasan. Nakuha ako ng DGQ hindi ko 'din sila mapapatawad sa ginawa nila kay Mache. Isang malaking set-up ang ginawa sa'kin ni Andromeda sinabi niya kasi sa'kin na nasa kanya ang anak ko. No'n pala ay nasa Pinuno nila... Naramdaman ko na may bumukas ng glass cylinder. When I openedmy eyes I saw a beautiful little girl. I think she is... my Aria... I want to hold her but my body is still stiff. Biglang nawalan ng malay ang bata na siyang pagdating naman ni Cronux. "Enpinitte, baby wake up, Daddy's here." He hugged my child. Tiningnan niya ako ng masama. Ang kapal ng mukha ng lalaking ito! Kinuha niya ang anak tapos tinituring niya ang saril niya na Tatay ng anak ko! Hinding-hindi ko talaga siya mapapatawad! At isa pa, Aria ang pangalan niya hindi Enpinitte! Wait for your time Cronux at sisiguraduhin kong mabubura ka sa mundong ito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD