EXF 20- MICROFLASK
-A very small device but having an infinite amount of terabyte.
-
Kae's POV
Matapos ng aksideng pagtatagpo naming ni Paolo hindi na siya nawala sa isipan ko maski ang isiniwalat sa'kin ni Sister Herna. Nasabi ko na rin 'yon kay Kit at maging siya ay nabigla at naguluhan.
Napatingin ako sa salamin. Bakas pa rin ang bukol sa noo ko bwisit kasi na Paolo. Sinasaktan na nga ako emotionally pati ba naman physically? Sumosobra siya ah! Inis ko 'tong kinati. Pero infairness, ang bango pa rin niya.
Hindi nagbago ang brand na gamit niya. Sayang kasi t itinapon ko ang pabangong 'yon na ibinigay niya sa'kin noon.
Inayos-ayos ko ang coat ko.
Ngayon ako makikipag-meeting kay MetalUneses para sa hermes shoes na sa wakas ay natapos ko na. saka komuna po-problemahin ang patungkol sa pagkatao namin ni Kit.
Ang microflask, isa pa 'yon sa mga gumugulo sa'kin. Ah, basta! Makikipag-meeting muna ako kahit panira ang lintik na bukol na 'to.
Pagkababa ko ay naabutan ko si Kit na kalalabas sa kusina, may dalang sandwich.
"Si Kinnick?' tiningnan niya ako ng nakakaloko.
"Uy...hinahanap,"nag-face palm ako. Ayokong ma-stress ng maaga. Utang na loob.
"Joke, nasa garden nagdidilig." Pero tuloypa rin ang tingin niyang nakakaloko. Sarap niyang bangasan.
"Tantanan mo 'ko Kit!" sinimangutan niya ako.
"Ba't mo ba kasi hinahanap? Paasa ka!"
"Wo ah? Masama na ba siyang hanapin ngayon?"
"Hay naku! Putahan mo na lang nga sa garden!" tinalukuran niya ako sabay patakbong umakyat.
Loka loka talaga kahit kailan. Ano kayang balak niya? Mamasyal sa mall o makipag-date?
Nagtungo ako sa garden.
Ay anak ng TINALUPAN!
Nag-dive kasi sa pool si Kinnick tapos ay slow motion pang umahon, pictorial lang ang peg? Pero...waaaahhh wet look tapos topless!
"Wanna join with me here?" umismid lang ako.
"Kita mong naka pang-alis ako, may sayad ka?" napakamot siya ng ulo. Bakit ba ang cute magpaawa look ng hinayupak na 'to?
"At isa pa, ano'ng itsura namin ni Kit kapag nag-swimming with you? Naka pajamas at jacket?" parang umakyat na ang presyon sa ulo ko. I couldn't imagine that ituation. Hirap talagang kasama ang lalaking 'to sa gimikan paano pa kaya sa Bar?
BAR.
Sandali? Oo nga pala hindi na ko nagtutungo do'n limang taon na. Pwera nalang kung sinusundo ko si Kit.
"Oo na, bakit mob a ako hinahanap?" kinuha niya ang tuwalya at nagpunas.
"Mamaya, pag-uwi ko samahan mo 'ko sa lab."
"Bakit naman?"
"Kung um-oo ka na lang kaya?"
"Okay, fine." Tinapis niya ang tuwalya sa beywang niya.
"Ano'ng tinitinggnan mo? Pinagpapantasyahan mo 'yung abs ko no?" I flipped my hair.
"Kapal ng mukha 'di naman halata ang abs, ano 'yan guhit?"
"So, tinitinggnan mo nga?" bigla siyang tumawa. Kaysa maimbyerna ay nilayasan ko nalang siya. Baka pagswimi-ngin ko lang siya sa pool na walang tubig eh.
-
Third Person's POV
DARK GALACTIC QUARTER
"You'll say only here and don't go anywhere right my Princess?" ibinaba ni Cronux si Enpinitte sa steel chair.
"Where are yah goin' Papa?" tanong nito. Cronux smiled at here.
"I have a meeting that need to attend." Sagot ni Cronux sabay lumabas.
Napatingin ang bata sa mabitwing kalawakan. After a year ay ngayon lang siya natungo sa DGQ. She's ideolized her father she really want to be like him someday. Bumaba siya sa kinauupuan at lumabas ng kwarto. Kabisado niya ang buong sulok ng headquarters, may mga short cuts pa nga siya kung minsam para hindi mahuli ng mga bantay at cctv cameras.
Nang Makita niya ang isang tunelator ay kaagad siyang sumakay doon. She accidentally pushed the last botton. And she also curious to the secret base at the last botton. Pagkabukas ay nasa isang room na siya. Pumalakpak siya sa malalaking screen na nakita niya at maraming bottons. She love all the colors. Nangunot ang noo niya sa isang glass cylinder. Nilapitan niya 'yon at nagtaka siya na may tao sa loob no'n.
"He can breath inside?" takangtanong niya sa sarili. Inilapit niya ang munting kamay sa salamin ng glass cylinder. Nakalapat din kasi do'n ang kamay ng lalaki. Napatingin siya sa gilid. May mga bottons do'n.
Out of theblue ay pinindot ng bata ang limang bottons. Biglang umingay ang security systems. Unti-unting bumubukas ang glass cylinder. Nanlalaki ng mga mata ng bata habang bumubukas 'yon. Nang tuluyang bumukas ang glass cylinder ay siyang pagmulagat ng lalaki.
Nagkatitigan sila.
-
Kae's POV
Nagpakawala ako ng malalim na paghinga bago pumasok sa loob ng fuction room kung saan nandoon si MetalUneses.
As usual walang bati basta nalang niya akong pinaupo.
"Gawin natin 'to ng mabilisan, marami pa kasi akong aasikasuhin." Naku!
Pasalamat siya at nakamaskara siya at ako. Sarap upakan eh.
Mabilis kong inayos ang ipe-present ko. Then, after a minute ay nai-present ko rin.
Ilang Segundo bago siya nagsalita.
"I can't consider it" napanganga ako.
What the heck?
Pinagmadali niya 'ko at lahat tapos not consider? Lokohan ba 'to?
"But-"
"No buts, end of discussion." Tumayo aiya at lumabas ng fuction room. Tulala pa rin ako.
"Tang*na, ngayon lang ako na-reject sa tanang buhay ko pagdating sa mga technologies ko."
Padabog kong inayos uli ang mga gamit ko. Sayang effort, para lang kapag nagmahal ka, gawin mo man ang lahat, ibigay mo man ang lahat. Masasaktan ka pa rin!
At 'yung lalaking 'yon, nakapa stone heart naman. Ay mali, no heart pala siya. Nakakainis! Porke ba ako ang may habol sa kanya?
Hinihilot-hilot ko ang sentido ko palabas ng lintik na function room na 'to. Nakapa ko ang bukol ko , napahiyaw tuloy ako sa sakit.
Pagkauwi ko ay dumeretso ako sa labupang i-check ang mga failures ng hermes shoes. Siguro nga may palpak kaya hindi kinonsidera. Naalala ko na naman si Paolo. Tsk! Bangungot ba siya? Di na siya nawala sa isip ko.
Napatingin ako kay Paolo the android, nakapikit lang siya. Bakit kaya nagging antukin ang android na 'to? Mali yata ang nakuhang data ni Pao ah. Hindi naman kasi antukin 'yon owl human siya, nocturnal kung nocturnal pa naman ipinaglihi yata sa insomnia.
Napahinto ako ng makita ko ang microflask. Ay, oo nga pala.
Binuksan ko ang drawer at kinuha ang card reader na ginagawa naming dati ni Paolo, mahalaga ito dahil kami lang ang meron nito. I-intercom ko si Kinnick na sumunod sa isang la. Nagtungo narin ako d'on.
"Ano 'yang dala mo?" may mga dala kasi siyang snacks.
"Hindi ba tayo mag-movie marathon?" napatingala ako upang hindi siya masigawan. Naku! Naku! Naku!
"Oo, may screen dito pero hindi 'to movie room." Nakibit balikat siya at inilapag ang mga snacks.
Inabot ko sa kanya 'yung card reader.
"Nasa'n si Kit?" tanong ko sa kanya.
"Nasa kwarto, maghapong babad sa internet at nakikipagkwentuhan kay Lelouch the android." Ala-secretary na sagot niya.
"Paki intercom siya, kailangan niya rin Makita'to." Tumalimasiya habang ako ay daha-dahang ini-lot ang card reader.
Sobrang liit kasi nito, maya-maya pa nga'y pumasok na si Kit. Halatang bagong gising , buhay teenager.
Nakaupo kaming tatlo. Habang naglo-loading ay nagtinginan kami ni Kit. Tinanguan niya lang ako.
Nangunot ang noo naming sa una naming nakit na nag-flash sa screen.
-
Third Person's POV
*Microflask sceneries*
"Mommy! Daddy! Help us here!" sigaw ng kumakawala na si Kae sa loob ng glass cylinder.
"Kit, wake up!" patuloy lamang na umiiyak ang kakambal.
Nakita niya ang mga magulang niya na nasa labasng laboratory patuloy ang mga ito na kumakatok sa glass window. May dalawang bata pa silang kasama ni Kit, Pareho ang mga itong nahihimbing. Nakita ni Kae na may likido na papasok sa nakasaksak sa kanya.
Maya- maya pa nga'y nabukasan ang pinto ng laboratory, pumasok ang mga magulang niya. Binuksan ng mga ito ang glass cylinder kung nasaan sila ni Kit.
Sabay silang kinuha ng mga ito.mabilis silang umibis sa sasakyan. Agad'yong pinaharurot ng Daddy nila.
"Wala na talagang kasing sama si Papa, pati mga anak natin gagamitin na!" galit na wika ng kanilang Mommy. Nagising naman si Kit.
"Mommy, ayoko na po do'n..." mahigpit silang niyakap nito.
"Yes, baby, 'di na tayo babalik do'n." sabay-sabay silang nagulantang sa malakas na pagsabog.
"Nasundan tayo!" sigaw ng kanilang Daddy. Lalong pinaharurot nito ang sasakyan, napapikit na lamang ang mag-iina.
"May truck!" sigaw ng Mommy nila.
Ngunit huli na ang lahat sapagkat bumangga na sila sa truck at tumilapon na ang sasakyan.
Sa Hospital ay idineklara na dead on the spot ang mga magulang nila at kritikal ang lagay ng kambal. Mabilis na nagtungo doon ang Lolo nila.
They're conjoined at kilangan nilang mapaghiwalan sa lalo't madaling panahon. Battle between life into life. Nang maging successful ang paghihiwalay nila'y dinala uli sila sa laboratory para maipagpatuloy ang experiment ng 'The Evolutional life of INFINITE CAPSULES'
But, the twins are died before the procedure can start.
"What happened?" bulalas ni Dr. Lausigne.
"We had no choice, 'di pwedeng mawala ang mga carries," mabilis ang nagging pagkilos ni Dr. Ormane para sa kambal na apo.
"Hindi ko na masikmura ang mga ginagawa mo sa mga sarili mong mga apo Dr. Ormane!" sigaw ni Dr. Lausigne.
"I love them, that's why I'll do anything to make them alive!"
"Don't use my IC's!" tatangkain na sana nitong kuhanin ang apat na IC pero mabilis siang nahawakan ni Dr. Mershelle at Dr. Amargo.
"Ilabas siya." Nagpumiglas ang Doktor pero nailabas din nila ito.
"And now, let's start the transfusion procedure for the carriers."
They're started to opened the ampules and dropping the other substances. The four Infinite Capsules is having a very high activation.
Inilabas ang apat na bata sa loob ng glass cylinder.
Napangiti ang mga Doktor nang muling tumaas ang heartbeats ng kambal.
"For my dearest grandchild, Katrina I'll gave you the blue IC the sign of power and telekinesis." He implant the campsule inside the spine. After that he ke kissed the forhead of his grandchild.
"And for your twin, Katrinity I'll gave you the one of the powerful purple IC fo having an extraordinary attached in electricity." He kissed Kit's foredhead beforehe implant the IC.
"Positive."
"The heart rate and pulses I normal." Sabi ni Dr. Amargo.
"What's our next plan?" tanong ni Dr. Ormane kay Dr. Amargo.
"Remove their memories about what happened today." Tinanguan nila ito.
Sinimulang gawin ang proseso ng pagbubura sa tatlong babaeng carrier.
"Hindi na 'ko aasa na mapapatawad ak ng anak 'kong si Mache." Dr. Amargo said.
Sa kalagitnaan ng pagbubura at biglang niyanig ng malakas na pagsabog ang buong laboratoryo. Isang batang nasedad sampu ang pumasok. Bakas sa mga mata nito ang galit habang hawak ang caliber 45 na kulay silver.
"You're not long my father after what you dis to my sister, how could you!" galit na sigaw nito.
"Paolo! Get out ou here, are you out of your mind?" bago pa man uli ito umagot ay muli na naming may nagpasabog. Kasabay no'n ang pagpasok ni Dr. Lausigne na hawak ng dalawang armadong lalaki.
"Nagbabala ako pero'di kayo nakinig." Nagpaputok ng baril ang mga armadong lalaki.
Mabilis naman na kumilis ang tatlong Doktor. Binuhat nila ang apat na bata.
"Paolo, sumunod ka!" ngunit 'di ito nakini bagkus ay kinalabit nito ang gatilyon ng baril at itinutok sa kanila.
Sa pagpapaputok ng isang armadong lalaki ay siyang nakawala si Dr. Lausigne at sinlo ang mga bala na tatama sana kay Paolo.
Nakipagpalitan naman ng putok ng baril ang mga Doktor at saka nakalabas sa loob ng laboratoryo.
*End of scene*
-
Kae's POV
Si Andropholos ang nagpatay ng screen. Samantalang kami ni Kit ay tulala pa rin.
Tila 'di kaya ng mentalidad ko ang lahat ng napanood naming.
After all these years.
Kasingungalingan ang lahat! Ang pagkatao naming ay tila isang...
Punyetang buhay 'to! Ano'ng kasalanan naming ni Kit? Bakit kami pa? bakit'di pa kami namatay no'n? mas tatanggapin ko pa 'yon kaysa ganito! Nabubuhay kami dahil sa...
Kinakapa-kapa ko ang spine ko.
Kaya naman pala...yung peklat...
May nakatanim na sumpa sa likod namin!
Napahagulgol si Kit, sabay tumayo at tumakbo palabas with super lakas ng kalampag sa pinto.
Gusto kong umiyak, gusto kong sumigaw, gusto kong pumatay kahit kahit isa lang. parang sasabog ang puso ko sa sakit. Iniisip ko sana 'di ko nalang inalam angkasagutan. Pero...bakit kasi ganun?
Iyong mga magulang ko...mas lalo akong nasaktan sa nalaman ko na kami pala ni Kit ang dahilan nang kanilang pagkamatay. Tapos...si Lolo...buong akala ko totoo siyang tao. Paano niya naatim na gawin 'yon sa sarili niyang mga apo?
Nanlulumo akong lumabas ng movie room. Pinagmamasdan ko ang kabuuan ng mansyon. Mas lalo akong nalungkot dahil nakikita ko ang bawat sulok nito ang mga ala-ala naming kasama si Lolo, hanggang sa huli hininga niya.
Nagtungo ako sa rooftop. Simoy ng hangin ang dumami sa luhaan kong pisngi. Ang ganda ng buwan at mga bitwin.
Naupo ako at itinukod ang baba ko sa mga tuhod ko. Kung nandito lang sana si Pao, sana kanina pa magaan ang loob ko.
*guitarstram*
Hindi ko pinansin kung sino ma ang nagii-stram na 'yon.
I hold the door, please come in and just sit here for a while.
This is my way of telling you. I need you in my life.
Napatingin k okay Kinnick, nakauspo siya sa tabi ko. 'di ko magawang mainis dahil sa ganda ng boses niya. Pampagaan ba.
It's so cold
Without your touch.
I've been dreamin' way too much
Can we just
Pinunasan ko ang luha ko, to the way na gusting i-appreciate ang pagkanta niya.
Cause I've been
Thinking 'bout you lately.
Maybe you can save me,
From this crazy world we live in.
And I know we could happen,
Cause you know, that I've been feel in you.
I think this is the perfect song for me.. no, for us pala. When he stared at me. I smiled, tuloy lang siya sa pag-stram ng guitar.
-
Kit's POV
Umabot ako ditto sa tapat ng Ferrari ko. Napaupo ako at sumigaw.
"Bakit?" Isang tanong na may kasagutan pero masakit...sobra! Dinaig pa ang pag iwan sa'kin ni Lelouch.
Mga sinungaling sila...bakit si Lolo pa? bakit siya pa ang gumawa sa'min nito?
Kami ni Kae...arg! Hindi ko alam ang gagawin ko!'yung mga napanood naming sa microflask. Isang karimarimarim na nakaraan na ayoko ng matandaan pa!
Sana pala 'di nalang kai sumama kay Lolo noon at nanatili nalang kami sa ampunan. Pero pati pala si Sister Herna ay kasabwatsa lahat ng kasinungalingan na 'to! Mga wala silang kwentang tao!
Sumakay ako sa Ferrari ko. Mabilis ko 'tong pinaharurot. Mas piniga ko pa ang gas at yung speeding ay sagadna sagad na. Wala 'kong pakialam sa mababangga ko, gusto kong ibuhos ang lahatng sakit!
Pagtingin ko sa rearview mirror ay bigla kong tinapakan ang break.
Shit! 'yung mata ko kulay purple na pinaghahampas ko ang manibela.
"Arrrggghhh!" sigaw ko, nakatingin ako sa rearview mirror. Kumakalat na rin ang guhit sa buong mukha ko.
"Kasalanan niyo ang lahat ng 'to Lolo!" pilit kong kinakalma ang sarili ko.
Sana nga, bangungot lang ang lahat ng ito.
-