EXF 19- RELATIVITY
Relativity- the way that anything except light moves through time and space depends on the position and move,sent of someone who is watching.
~
Kit's POV
Hindi maubos ang tawa namin ni Kae nang lumabas si Andropholos mula sa kwarto niya. Naka-skater skirt nga! Kulay pink pa! At naka itim na fitted na shirt. Alangya, ano ba itong pinagawa ni Kae sa kanya?
Nagpameywang si Androphos sabay nag-pose ng pabebe wave.
"Oh, ano? Ang sexy ko diba?" napahinto kami ni Kae sa pagtawa at napalitan 'yon ng poker face.
Ang unfair kasi. Kami kasi ni Kae ay naka leggings at halos balot ang buong katawan dahil hiyang-hiya naman kami sa pagdugo ng ilong ng Andropholos na 'to. Hanap kaya ako ng gamot para doon?
"Tigilan mo lang Kinnick baka matuluyan ka, sayang ang lahi mong ugok ka." Sabi ni Kae, habang sine-set ang player para sa pag-zuzumba namin. Digital na sa panahong ito dahil may mga 5D na taong susundan namin na step.
"H'wag kang mag-alala Kae, para sa'yo lang ang lahi ko." Sabay kaming napatingin sa kanya.
"May sinasabi kaba?" sabi ni Kae. Ay? kunwari pa ang gaga narinig naman.
"Wala! Dapat siguro magsimula na tayo para makapag-shake shake na 'ko ng balakang." Sabay yugyug pa ni Andropholos sa beywang niya. Jeske, mukhang tatawa nalang ako maghapon dito.
Pumailanlang na ang unang sayaw. Halos sabay-sabay lang kaming tatlo. Sa halos day-off namin ni Kae ay ganito ang ginagawa namin pampatanggal ng stress. Ngayon nadagdagan kami ng isa at mukhang naging mas masaya nga. Parang dati lang apat kami na gumagawa nito. Ang mga Ex namin ang mga kasama namin.
Napatingin ako kay Lelouch the Android na nasa tabi ng hagdan, nagfufull charge eh kasama si Paolo the android sayang lang at hindi sila nakakasayaw. O sadyang hindi lang na program.
"Kit! Hindi kana nakaksabay!" napatingin ako kay Kae, hala! Oo nga iba na yung step nila. Muli akong napatingin sa mga 5D na sumasayaw at sinimulan ko uli na sumayaw. Feels men! Oh yeah! But infairness ang cute sumayaw ng dalawa. May chance kaya si Kinnick kay Kae? Sana mayroon para maka-move on na siya. Para ako ay matutunan ko narin na limutin siya at buksan ang puso ko para kay Cronux.
Diba dapat ay masaya ako? Pero bakit ganito? Tila hindi pabor ang puso ko sa gusto ng utak ko. Habang buhay nalang ba akong aasa at masasaktan sa taong iniwan lang ako ng basta at sa ngayon ay nawawala pa. Madalas napaka traydor ng damdamin. Iibig nalang nga sa taong hindi pa malimutan. Sana nga dumating na ang araw na maski gamunggo ng pagsasama namin ay wala na akong maaalala.
Matapos namin magzumba ay dumeretso kami ni Kae sa garden para magpahinga at relax narin. Si Kinnick ay kumuha ng maiinom. Napakalago na ng mga bulaklak sa garden, ang galing talagang mag-alaga ng mga rosas ni Kinnick swerte talaga ng mapapangasawa non.
"Ang gaganda ng mga rosas no?" napangiti lang si Kae. Ito lang kasi ang kasiyahan niya.
"Hiyang-hiya ang mapapangasawa ni Kinnick sa kanya." She frowned.
"At sana nga makatagal ang mapapangasawa niya sa sa childish attitude niya." inismiran ko lang siya. Wari pa eh halata namang naiinis.
"Naku, ayaw mo lang siya mag-asawa eh," pangaasar ko sa kanya.
"The f**k I care. Walang akong pake kahit ilang milyon pa ang mapangasawa niya, malandi naman siya!"
"Kae, nangangamoy defensive."
"Kit, bakit ba?" I teased her.
"Wala I just want to annoyed you." Inirapan niya lang ako.
"By the way napagisip kong dumalaw sa House of Angels. Samahan mo ko?" naks! After so many years naisipan din niya na dumalaw kami sa ampunan kung saan kami kinuha ni Lolo. Ano kayang nakain niya?
Mahigit sampung taon na nung huling tapak namin doon. Dumadalaw naman kami pero hindi kami nagtatagal. Isa iyon sa mga binibigyan namin ng donation. Bilang ganti iyon sa pagtataguyod samin ni Kae nila Sister Herna na siyang nagalaga sakin hanggang sa kami ay mag-dalaga ni Kae.
"Sure, sasamahan kita. Miss ko na rin si Sister Herna eh," Kae's just smiled at me.
"At ako naman ay may gustong alamin kay Sister Herna." Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.
"What do you mean?"
"You'll found out soon Twin." I arched my eyebrow.
"Kailangan umi-english?" muli lang siyang napangiti. Kinikilabutan ako sa ikinikilos ni Kae. Mabuti at dumating na si Kinnick na may dalang juice.
~
Kae's POV
They're never had even our baby photos when they actually adopted me and Kit. This is the question on my mind while I stare at the photo gallery at Ophanage. Sa pagkakaalam ko kasi ay nilalagay dito ang lahat ng litrato ng mga sanggol na pinapaampon sa kanila. Pero bakit kami ni Kit ay wala?
Masaya naman ako na muli kaming nakadalaw dito ni Kit. Ang bahay-ampunan na siyang kinalakhan namin kung saan natutunan namin ang lahat ng bagay.
"Kae, pinatatawag ka ni Sister Herna." Nilingon ko si Kit kasunod niya si Kinnick. Gusto kong matawa sa hitsura ni Kinnick na halos magutay ang buong polo dahil pinagkaguluhan siya ng mga bata.
"Kuya Andropholos, laro po tayo." Napatingin ako sa mga natatakbuhang bata patungo sa kanya. I smiled when he hugged the childrens, yung iba ay sumasabit pa sa kanya habang hinihila sila.
"Kids, dahan-dahan lang, walang akong pamalit ng damit." He said in sweet tone. Sinusundan ko lang siya ng tinggin. Dinunggol ni Kit ang balikat ko.
"Malusaw 'yan sige ka." Pangaasar niya sa'kin.
"Ikaw Kit, kumo-kota ka na ng pangaasar sa'kin ah!" tumakbo lang siya pasunod kay Kinnick at mga bata.
Dumiretso ako sa opisina ni Sister Herna. Sa sampung taon na lumipas ay halata na sa kanya ang katandaan.
"Maupo ka Hija." Naupo ako sa couch.
"Nagagalak ako at nadalaw kayo dito ni Trinity."
"Ako rin po ay masaya na muling nakita kayo,"
"Nararamdaman ko na may gusto kang malaman, kaya sige Hija huwag kang mahiyang magtanong kung nais mo naman ay katotohanan." Napalunok ako at the same time ay kinabahan. Ginusto ko naman ito, ang malaman ang totoo patungkol sa pagkatao namin ni Kit.
"Bakit po wala kaming baby photos ni Kit na mula dito?" tumikhim muna siya bago sumagot.
"Kasi, limang taon kayo nung dalhin dito." Napatayo ako.
"Diba po-''
"It's a lied Hija, 'yon kasi ang gustong palabasin namin sa inyo sabi ng taong nagbigay sa inyo dito." Muli akong napaupo. It's all lied. Bakit? Bakit kailangan nilang palabasin ang mga ganoong bagay? Mas lalo akong naguguluhan.
"Pwes, ano po ang totoo Sister? At bakit ngayon niyo lang po 'to sinabi samin?"
"Dahil wala na ang taong siyang nagbilin sa'kin sa inyo." Sandali. Masyadong matalinghaga.
"Hija, sa buhay na ito may mga bagay na tayo nalang dapat ang humahanap ng sagot. Sapagkat may mga pangyayari na hindi rin naman nasasaklaw ng ating kamalayan." Hindi ko na kaya pang marinig pa ang iba pang mga sagot kaya napili ko nalng na lumabas.
Gulong gulo ako habang naglalakad sa hallway. May mga nakaksalubong akong mga bata na binabati ako pero hindi ko sila nagagantihan ng bati. Masyado ng corrupted ang utak ko sa mga impormasyon na nakalap ko. Ang malaking salita na nababasa ko nalang sa isip ko ngayon ay BAKIT?
Pagkaliko ko sa pasilyo ay bigla akong may nakabanggaan. Mabuti nalang at mabilis niya akong nasalo at nayakap kundi ay nalaglag na ako sa hagdan.
"Masyadong malalim ang iniisip mo, tumingin karin sa dinadaanan mo Trina..." my heart skiped a beat. Napatinagala ako. That spakly dark eyes and thick eyelashes.
Si Paolo nga.
Tinulak ko siya upang mapalayo sa kanya, pero bwisit na posisyon bigla kasing nagtwist ang paa ko dahilan para ma-out of balance ako. Hinila ko ang polo niya pero ang tanga hindi napakapit kaya sabay kaming nagpagulong-gulong sa hagdan.
"Punyeta naman kasi!"sigaw ko habang sapo ang noo ko na napauntog sa noo niya. Nakakita ako ng mga stars sa galaxy.
"I'm so sorry, dapat kasi hindi mo ako inulak." Tiningnan ko siya ng masama. Ang lakas pa ng loob niya na ako ang sisihin ha? Eh kung isisi ko kaya sa kanya lahat ng ginawa niya sakin? Ang pagiwan sa'kin at sa puso kong sugatan ng dahil sa kanya?
"Ako ba ang sinisisi mo ha? Paolo Amargo?" sabay kaming napahinto.
WHAT THE HELLOGRIPHICS!
Hindi ako nagmali sa surname niya yoohooo!
This is a celebration!
Hindi siya nagsalita sabay ng pagdating ni Kinnick.
"Kae!" itinayo niya ako.
"May bukol ka sa noo." Kinagulat ko ang pagdampi ng labi ni Kinnick sa noo ko. Napatingin ako kay Paolo na madilim ang awra habang nakatingin samin ni Kinnick. Tumalikod na siya at nalakad palayo. Doon ko lang naalala na lagi nga pala siyang nagpupunta dito para mag-volunteer. Mahilig nga rin pala siya sa mga bata.
"Hayan, okay na. Lagyan nalang natin ng yelo." Hinila ako ni Kinnick habang ako ay mukhang tanga na nakatingin parin sa nilikuan ni Paolo. Masakit pa rin ba? Parang hindi ko kaya.
Ang ano? Ang masaktan ako o masaktan siya o masaktan ang ibang tao?
May pagmamahal pa rin ba 'kong natitira para sa kanya? Makaka move-on na ba ako? Pero bakit ang sakit sakit?
~
Third person's POV
Masayang nilalaro ni Kinnick ang mga bata sa playground ng orphanage. Mistulang nawala ang lungkot na nadarama niya. hinihiling niya nasana ay makatagpo ang mga batang ito ng matinong pamilya at lumaking mga mababait. Para sa kanya ay ginto ang mga halakhak at ngiting nasisilayan niya.
"Ang sasaya nilang pagmasdan." Napalingon siya sa nagsalita.
"Paolo..."
"Kamusta ka, project Kinnick?" kung sa ibang pagkakataon lang at hindi kaharap ang mga bata ay nasuntok na niya ito.
"Masaya, sa piling ni Kae." Paolo smirked.
"Sulitin mo na, dahil malapit na niyang malaman ang totoong pakatao mo."
"Talagang susulitin ko. Dahil kapag nagmahal ka handa mo dapat ibuwis ang buhay mo. Pero kung tunay kang nagmamahal di ka dapang nangiiwan. But, you leave her. You hurt her." Ipinamulsa ni Paolo ang dalawang kamay niya.
"Hindi ako nagiwan. Nang-agaw ka lang." nagtagisan sila ng titig.
"Just remember, lagi akong nakabantay sa'yo. dahil sa oras na malaman ko na may nagyaring masama kay Kae. Paulit-ulit kang mamamatay." Iyon lang at tinalikuran na siya ni Paolo.