EXF 18- GENETICAL CODE HUMANS
Humans with artificial immortal venom.
~
Kinnick/Andropholos POV
Pagkatungo ko sa kwarto ay kaagad kong ni-lock ang pinto nanghihina akong nahiga sa kama habang pinagmamsdan ang mga kamay kong unti-unting nagiging Firynii-isa silang mga extremophiles: microscopic life forms na nagreregenerate at nagpapa-reborn. Unti-unti na itong kumakalat sa buong katawan ko. Hindi ko ginustong maging ganito. Alam ko na matagal na akong patay. Utak ko nalang ang buhay kung tutusin.
Ako si Andropholos. Isang Genetical Code Human with artificial immortal venom. Isang uri ng kurdon na nasa puso ko. Ako'y walang kamatayan. I am a kind of immotal creature. Ito siguro ang pinagsisihan kong nangyari sa buhay ko...
*flash back*
Nasa isang bar ako habang pinagmamasdan si Kae na panay parin sa pagtagay ng alak. Tila wala siyang pakelam sapaligid niya, kanina nga ay nakipag sabunutan siya. Mga ilang araw na nung mabalitaan ko ang pag-iwan sa kanya ni Paolo Amargo.
Halos araw-araw na siya dito at walang sawa sa pag-inom. Ngunit, kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang lungkot at sakit. Huwag ko lang talaga makita ang lalaking 'yon, wala akong ititira sa kanya buong katawan niya ang lalatayin ko. Muli kong sinundan si Kae habang palabas siya ng bar. Pagewang-gewang siya dala siguro ng kalasingan napahinto at napadukdok siya sa isang pader. Napahinto ako dahil may lumapit sa kanya na dalawang lalaki na tila pinipilit siya ng mga ito. Lalapitan ko nasana sila pero muli na naman akong napahinto sapagkat sinapak ito ni Kae na kinatulog ng dalawang lalaki. Iba talaga siya.Ang sss niya.
"Ano, Pholos pupuntahan mo na naman ba siya doon sa bar?" naman eh! Palabas na nga ng bahay nahuli pa ako. Napakamot ako ng ulo habang nakatingala kay Ate Meda, malamang kasi na nakahalata na siya dahil dis oras ako kung umalis.
"Ate, saglit lang ako promise..." nagpa-cute pa ako sa kanya.
"Hindi! Walang aalis!" naalarma ako.
"Ate naman!"
"Sinisigawan mo ba ako ha? Andropholos?" napayuko ako. At nanlulumo na pumahik muli sa hagdan. Hindi kasi ako naka-disguise kapag nasa bar kaya siguro hindi rin ako matandaan ni Kae.
"Sumunod ka sa'kin, may dapat tayong pagusapan." Utos ni Ate bago ako tinalikuran.
Siyempre, kapag ang puso ay umibig hahamakin ang lahat masunod lamang. Bigla akong tumalon mula sa second floor. At mabilis na binuksan ang pinto at tumakbo patungo sa kotse ko.
"Andropholos! Bumalik ka dito!" kaagad kong diniinan ang gas. At pinaharurot ang kotse, alam kong susunod si Ate at mabilis din siyang nagmaneho.
Bakit kaya over protective sakin ni Ate? Pero hindi... sa totoo lang ay matagal ng patay si Ate Meda. Hindi ko mapapatawad si Papa. Nakatutok ako sa kalsada habang nagmamaneho. Isang genetical code humans na ngayon si Ate Meda at mapasahanggang ngayon ay hindi ko matanggap yon. Paano naatim ni Papa na gawing experimental project si Ate Meda? That immortal venom is a curse kagagawan lahat ito ng taong iyon...
Mabilis kong ipinarada ang kotse pagdating ko sa bar. Kaagad kong hinanap si Kae, as usual nandoon na naman siya sa isang table habangmag-isa na umiinom ako naman ay nakatanaw lang sa kanya. Gusto ko siyang lapitan pero hindi ko magawa pakiramdam ko kasi ay hindi ako ang kailangan niya. ang magpapapawi sa lungkot na nadarama niya, ang magpapasaya sa mapupungay niyang mga mata at magpapangiti sa matatamis niyang labi. Bakit ba hanggang tanaw nalang ako sa kanya?
Ginulantang kaming lahat ng isang pagsabog. Nagkagulo ang lahat. Si Kae ay tila hilong-hilo na nagpapaikot ikot. Napatingin ako sa itaas ng kisame. Mabilis ko siyang tinakbo at niyakap sabay na bumagsak ang isang kongkreto. Sabay kaming napahandusay.
"Puta, ano ba 'yon?" irita niyang sigaw. Yakap ko parin siya.
"Lumabas na kayo! Ilang Segundo nalangpasasabugin na ito!" tila nagising si Kae.
What the f-!
Pilit na tumayo si Kae ngunit nababangga kami ng mga tumatakbo na tao. May kumakalat ng usok sa buong paligid. Nasusunog na nga!
Inalalayan ko si Kae at pilit na pinorotektahan sa mga taong kasabay namin.
Malapit na sana kami sa fire exit pero biglang dumagundong ang isang malakas na pagsabog.
Niyakap ko si Kae upang hindi siya mabagsakan ng mga kongkreto. Pero, nawalan siya ng malay. Kumakalat na ang apoy sa buong paligid. May nakadagan sa kalahati ng katawan ko puno na ng dugo ang katawan ko. Pilit ko siyang ginigising upang makalabas na.
"Andropholos!" narinig ko si Ate Meda mula sa ilabas ng bar. Hindi siya naharangan kaya palapit siya samin.
"Ate...kuhanin mo siya..." napatingin siya kay Kae.
"Pero? Mas kailangan mo ng tulong!" umiling-iling ako.
"Kuhanin mo siya Ate...pangako...susunod ako, makakawala ako dito." Nakita ko ang pagpatak ng luha niya. Masakit palang makita na nasasaktan ang isang taong nagmamahal sayo.
Labag man sa kanya ay kinuha niya si Kae at inilabas.
"Mabuhay ka Kae....para sakin..." napatingala ako at napangiti. Nakita ko ang isang bomba na may limang Segundo na ang nalalabi.
"Paalam..."
Pumikit ako at narinig ang malakas na pagsabog.
*End of flashback*
Sa pagkakaalalam ko matapos ang insedenteng iyon ay labis na naghinagpis si Ate Meda. Kaya kinuha niya ang mga labi ko halos hindi daw ako nakilala dahil sunog na sunog ang buong katawan ko, ngunit namangha sila na nagreresponse pa ang neuro system ko.
Inenject-kan nila ako ng isang natatanging pormulasyon na tinatawag nilang IV o immortal venom sabay tinanim ang isang kurdon sa puso ko na siyang pinagmumulan ng mga firynii. Mga ilang buwan lang ay nagregenerate ang buong katawan ko at tinawag nila akong reborn creature. Pero sa paggising ko ay ako na si 'Project Kinnick' namuhay ako muli na parang siang normal na tao. Marami pa na katulad ko sa sulok ng mundong ito.
Ang Dark Galactic Quarter. Bakit kailangan nilang gawing genetical human ang mga taong dapat ay namayapa na. Laking pasalamat ko narin dahil muli ko siyang nakasama.
Si Kae.
Napatitig ako sa kisame. Hinayaan ko lang na lamunin ako ng mga firynii. Darating ang tamang panahon na maipagtatapat ko sa kanya ang lahat. Masaya ako na muli akong nabuhay. Pero sa pagkakataong ito ay gusto kong itama ang lahat sa ngalang ng pagmamahal ko kay Kae.
Kinaumagahan...
Maaga akong nasa kusina upang ipagluto ng almusal ang kambal. Day off nila ngayon kaya panigurado na tanghali na naman ang gising nila. Nakangiti ako gabang naghihiwa ng mga rekados. Noon nung buhay pa kami ni Ate Meda ay lagi ko rin siyang pinagluluto. Divorse kasi ang parents namin ako ang nakasama ni Mama at si Ate Meda ay si Papa. Simple lang kami na namuhay ni Mama at madalas niyang sabihin na hindi hindi ko tunay na ama si Papa. Kami ni Mama n'on ang magkatuwang sa lahat ng bagay tnuruan niya ako sa mga gawaing bahay lalo na sa pagluluto at iba't-ibang trabaho.
Gumuho ang mundo ko ng mawala siya. Naaksidente siya habang nagmamaneho. Katatapos ko lang ng highschool n'on. Kahit labag sa'kin ay sumama ako kay Papa noong kuhanin nila ako. Hindi kami naging magkasundo ni Papa, kami naman Ate Meda ay okay na din pero best bonding namin kapag nagluluto kami. Kaso, nagkasakit siya hindi namin alam ni Papa na may brain cancer siya at nasa huling stage na.
Noong mamatay siya ay nagulat ako dahil hindi siya pinalibing ni Papa na labis na nasasaktan hinayaan lang niya si Meda sa kwarto nito. Isang araw ay nagulat nalang ako dahil may mga taong dumating sa bahay at kinuha ang mga labi ni Ate Meda. At doon ko na nga nalaman na pumayag si Papa na gawing experiment si Ate upang mabuhay. Tagumpay ang ginawa pero hindi ako masaya dahil...alam ko na hindi na siya si Ate Meda.
Kundi si 'Project Kitara'
"Good morning Kinnick." Napalingon ako kay Kae na pupungas-pungas pa. Buti nalang at naka pajama siya, kundi duduguin na naman ang ilong ko. Ewan ko ba kung bakit iyon ang hindi nawala sakin. Na kapag nakakita ako ng legs at katawan ng babae ay dumudugo na ang ilong ko. Ang problema kasi lapitin pa ako ng mga babae.
"Morning ka d'yan, tanghali na uy!"
"Eto ka oh!" nag-dirty finger siya na kinatawa ko.
"Hay naku, mag-almusal kana nga. Si Kit?" naupo siya at sinimulang kumain.
"Tulog pa. Sarap nga ng tulog."naupo narin ako.
"Hindi na ba nagbu-blue ang mata mo?" tininggan niya ako ng masama.
"Gusto mo talagang lumulutang 'no?" sikmat niya.
"Hindi naman, para prepared lang ako kapag nagbasag ka."
"Hirap kasing kontrolin eh, magagawa ko?"
"Bakit ang sungit mo? May period ka ba?" naibuga niya ang iniinom na juice.
"Tarantado ka ha? Oo meron ako ngayon, bakit? Gusto mong mag-napkin?" napangiti ako.
"Pwede ba?" nanliit ang mga mata niya.
"Hay! Naiistress ako sayo!" kumagat siya ng sandwich at tumayo.
"Kae, may tagos ka!" kaagad siyang napatingin sa likuran niya.
"Putang*na mo talaga!" tawa ako ng tawa dahil naniwala siya. Binato niya ako ng kutsara.
"Humanda ka mamaya!"
"Bakit? May date tayo?" nakangiting tanong ko.
"Magzu-zumba tayo habang naka skater skirt ka!" ah, yung lang pal- ha?
"Kae! Mahal ko pa lahi ko!" hindi niya ako pinansin. Hayyy inaping dagal ni Kinnick Greyson .