EXF 17- INERTIA
- a feeling of not having the energy or desire that is needed to move or change.
-
Kit's POV
Alam ko na nahimbing na ako sa pakakatulog. Ngunit ano ang panaginip na ito? Talaga bang nangyari ang mga bagay na 'to?
"Lelouch!" patakbo kong nilapitan si Lelouch habang nakatanaw siya sa seaside ng Manila bay. Kaagad niya rin akong niyakap ng mahigpit
"Sobrang saya mo yata?" nakangiting tanong niya sa'kin. Parang bata akong nag-pout. May kinuha ako sa loob ng bag ko. Na-shock siya sa sobrang saya.
"I'm 6 weeks on the way." Wala siyang kahit anong sinabi basta niyakap niya lang ako. Maski ako ay masaya sa aking nalaman. Kanina lang akong nagpatingin kay Dr. Mershelle ayoko kasing magtungo sa Hospital. Kaya hindi na ako nagtaka kung bakit iba ang pakiramdam ko sa mga nagdaang araw.
"Ang saya ko Kit." Hinigpitan niya ang pagkakayakap sakin.
"Pangako, aalagaan kita at ang magiging anak natin."
Then suddenly...
Dahan-dahankong iminulat ang aking mga mata. Si Cronux ang una kong nasilayan samantalang si Lelouch the android ay nasa side ko. Nakapikit. Low battery na yata.
"Nasaan ako?" tanong ko kayCronux. He just smiled at me.
"Nandito ka sa aking mansyon." Tumango-tango ako hanggang sa unti-unting nag-sink sa'kin ang mga sinabi niya.
"What?! Pa-" pinigilan ng hintuturo niya ang labi ko.
"Hindi na mahalaga 'yon. Ang importante gising kana, anong pakiramdam mo?"
Napapikit ako. I felt nothing. Yung utak ko parang payapa na.
"I feel great." He smiled again.
"By the way, na-lowbat pala yung android mo." Tumingin siya kay Lelouch the android.
"Ayos lang..." sabi ko.
"Papa!" sabay kaming napalingon sa batang pumasok. Isang batang babae na napakaganda at may shade ng green ang buhok. May kung anong bugso sa damdamin ko ang aking nadama. Tila,nalungkot ako...
At sandali? Ano daw? Papa? Kay Cronux?
Pagkalapit nung bata kay Cronux ay binuhat niya ito.
"I would like you to meet my little daughter, Enpinitte." Tumingin sa'kin ang bata. Nginitian niya ako.
"She's mah Mama?"may kung anong galak akong nadama sa sinabi niya. Bakit ganito?
"Gusto mo ba siyang maging Mama?" tumango-tango ito.
"Well, nasa kanya ang desisiyon my little princess." Nagpababa ang bata. She wear a doll like dress. Nilapitan niya ako at hinawakan ng munting kamay niya ng hintuturo ko.
"Limang taon na si Enpinitte." Napatingin ako kay Cronux. Hindi ako makapaniwala na may anak na pala siya.
"Nasaan ang Mama niya?" tanong ko.
"Nah. I don't know, basta ibinigay nalang siya sakin at tumakbo na." gusto niyang matawa sa pahayag niya. seryoso? Yung babae pa ang tumakbo?
Hinaplos ko ang buhok ni Enpinitte. Weird feelings but, I felt complete... para siyang pitsa ng puzzle na bumuo sakin. Just imagine na isang binatang Ama si Cronux.
Pero ang panaginip ko? Iyon ang sunod na babagabag sakin? Bakit hindi ko matandaan ang mga pangyayaring 'yon? Masyado na akong naguguluhan.
--
Cronux POV
And now she finally met my daughter or right to say her lost child...
*flashbacks*
When I found the green ang purple IC carriers hindi ako naubusan ng plano kung paano ko sila makukuha. Then, nalaman ko nalang na nagdadalang tao ang purple IC carrier. Alam ko na hindi rin naging madali ang lahat sa kanya. Tulad ngayong manganganak na siya.
Hindi sila sa hospital dederetso kundi sa klinika ni Dr. Mershelle. Dinig ko ang kanya ang paghihirap habang nakakubli ako sa aking pinagtataguan. Hanggang sa biglang may kung anong liwanag ang lumabas sa kanya. Ang purple IC iyon.
Na-activate na rin sa wakas.
Narinig ko ang iyak ng isang sanggol kasabay ng pagbaba ng purple IC. Hawak niya ang sanggol hanggang sa unti-unti siyang nakatulog. Kinuha ni Kae ang sanggol at tumataas muli ang activation ng purple IC.
So meaning... kapag attached ang mag-ina ay bumababa ang rate ng purple IC. Kaya kahit hindi kasama sa plano ko ay kinuha ko ang sanggol nung ilagay ito ni Kae kuna. Wala silang kamalay-malay na nasa akin na ang sanggol upang ilayo kay Kit.
*end of flashback*
Tinuring kong tunay na anak si Enpinitte siya rin ang kaligayahan ko.
Bakit hindi alam ni Kit ang kabanatang iyon sa buhay niya sapagkat binura iyon mismo ni Lelouch kasama ang Doktor si Kae at si Paolo. Masyado kasing na-depressed nang mga panahon na yon.
Kaya magkakaroon ako ng dahilan upang magtagumpay ako na sa'kin kakampi si Kit.
Kanina nang puntahan ko siya sa opisina niya ay nabigla rin ako nang makita ko ang android. Mahimbing siyang natutulog sa mga bisig nito.
Ang sama ng titig niya sakin.
"My.program.knows.you." nangunot ang noo ko sa sinabi niya.
"You're DGQ. Lumayo.ka." I smirked. Ibang klase talaga ang talino ni Metal Uneses. Nairita ako kaya nilapitan ko siya at intinapat ang singsing ko. Kaagad siyang napikit. May biglang humawak sakin. Si Kit, with her purple eyes.
"Trinity..." nakatitig lang siya sakin hanggang sa muli siyang napapikit at nakatulog....sa mga bisig ko naman.
Tumawag si Kae sa system ni Lelouch the android. Madali kong na-activate ang pag-imitate sa system ng android. Kaya, sinabi ko na ayaw magising ni Kit. Ano kayang mararamdaman niya?
--
Kae's POV
Yung mga mata ko... kulay asul na talaga. Hindi ko alam kung paano ito nangyari. Ayaw na bumalik sa dati ang mga mata ko. Pero bahala na, ang gusto ko ngayon ay mapuntahan na si Kit.
"Kae, dahan-dahan naman sa pagmamaneho kay Air, nasa ere naman tayo kaya hindi ka matatrapik." Hindi ko na tiningnan si Kinnick baka bigla siyang lumipad. Hindi ko pa ngayon makontrol ang telekinesis ko.Pinindot ko ang screen upang alamin ang GPS ni Kit. Nakakapagtaka kung bakit nasa isang malaking mansyon siya. Kaagad doon bumaba si Air
Walang bantay ang paligid ng Mansyon sobrang lawak at laki. Nasa harap na kami ni Kinnick ng metallic front door.
Kapag ito maraming pintuan sa loob, patawarin nalang at pasasabugin ko 'to.
"Kae, pwede bang dito nalang ako?" sabi ni Kinnick.
"Bakit naman?" napakamot siya sa batok.
"Takot akong maligaw eh..." ayun sinikmuraan ko nga. Parang di lalaki eh!
"Ngayon ka pa mag-iinarte!" itinaas ko ang kamay ko at pinalutang siya.
"Mag-indian sit ka, ang bigat mo kaya!" sumunod naman siya. Ano 'to, hangga't blue ang mata ko ay may telekinesis ako?
Bumukas ang pinto. Hayun, wala ngang mga pintuan ang dami namang hagdan! Don't tell me na mag-isa lang dito ang Cronux na 'yon?
Nakataas parin ang kamay ko upang palutangin si Kinnick. Nasa pang-anim na palapag daw si Kit.
Nang may makita akong elevator ay naibaba ko ang kamay ko na kinabagsak ni Kinnick.
"Aray naman!" sabi niya habang sapo ang pwitan.
"Sorry ha." Kaagad siyang tumayo at sabay kaming nagtungo sa elevator. Siya ang pumindot ng floor na kinagulat ko. Ang galing naman niyang mangabisado ng location gayong sabi niya maliligawin siya.
Pagtungtong sa 6th floor ay puro pintuan na ang bumungad samin. Nasapo ko ang noo ko.
"Kae..." tumingin ako kay Kinnick.
"Oh?"
"Wala na 'yung blue eyes mo." Tumingin ako sa repleksiyon ng elevator. Oo nga wala na. Buti naman.
"Tara, alam ko na kung nasaan d'yan si Kit." Nauna siyang lumakad. Malapit na akong mapa-wow ha? Sumunod ako sa kanya kada daan namin ay automatic na umiilaw ang paligid. Himinto si Kinnick sa isang pinto. Kusa namang bumukas 'yon.
"Kit!" sigaw ko dahil siya ang nakita ko pagkabukas ng pinto. Patakbo ko siyang nilapitan.
"Kae!" nakangiting sabi niya.
"Ano na?" tanong ko.
"Okay na 'ko, thanks to Cronux." Napatingin ako kay Cronux. May buhat siyang bata na tulog na. Seryoso siyang nakatingin sakin.
"Mabuti at nakarating ka." Sabi niya.
"Oo naman, basta ba para sa kakambal ko." Muli akong napatingin sa bata lalo na sa balat nito sa braso.
"Anak nga pala ni Cronux 'yung hawak niya, si Enpinitte." Nangunot ang noo ko. Si Cronux? May anak na?
"Ah, sayang tulog na siya,"
"Maaga talagang natutulog itong anak ko." Sabi ni Cronux. Hindi parin mawala ang pagdududa ko. Parang may mali dito.
"Dala mo ba yung charger ni Lelouch the android? Na lowbat kasi eh." Lalo akong nagtaka dahil ang alam ko ay kaka-full charge lang ng mga android kahapon.
"Di ko dala eh, papabuhat ko nalang siya kay Kinnick." Nasa labas lang ng kwarto si Kinnick, kaartehan na naman ang pinairal niya.
Hindi daw sanay ang anak ni Cronux kapag wala siya sa tabi nito kapag natutulog kaya matapos kong magpasalamat at magpaalam sa kanya ay nauna na siyang lumabas ng kwarto samantalang kami ay nasa labas na ng mansyon nito.
"Kae! Hintay naman, ang bigat kaya nitong android ni Kit!" eh, sorry siya ayaw na lumabas ng blue eyes ko eh.
"Kaya mo 'yan! Para ka namang bakla oh!" sigaw ko sa kanya. Kami ni Kit ay nasa loob na ni Fly.
"Kit? Ayos kalang?" nakatulala kasi. Parang Mariana's trench ang lalim.
"Kae, matanong ko lang. Nagkaanak na ba 'ko before?" nabitawan ko ang susi. Napalunok ako sa tanong niya.
"Ha?"
"Hay, Kae, magtutuli ka nga!" sikmat niya.
Buti nalang at dumating na si Kinnick at hindi na siya nagtanong uli. Mabilis parin ang kabog ng dibdib ko. Di kaya.. pero, paano naman niya maalala 'yon?
*flashbacks*
"Kae? Nasaan na? Nasaan na ang anak ko?" hindi ako makatingin kay Kit. Sa tatlong araw niyang pagkakahimbing ay siyang tatlong araw na pagkawala ng sanggol niya. Sa hindi namin malaman na dahilan ay bigla nalang nawala ang sanggol. Ano'ng gagawin namin ngayon? Paano namin ipaliliwanag ang lahat sa kanya?
"Lelouch, bakit ba yaw niyo 'kong sagutin? Gusto ko lang makita nag anak ko, nasaan na?" nagtinginan kami ni Lelouch gayon din ni Paolo.
"Kit, patawad pero..."hindi kaagad nakapagsalita si Lelouch. Si Kit naman ay tilang gulong-gulo.
"Ano?! Sagutin niyo kasi ako ng maayos!" sigaw ni Kit.
"Kit, nawawala siya..."
"Ano?!"
"Nawawala ang sanggol Kit." Si Paolo na ang nagpatuloy. Tuluyang tumulo ang luha ko. Kasalanan ko ito, dapat ay binantayan kong mabuti ang pamangkin ko.
"H'wag nga kayong magbiro ng ganyan! Hindi nakakatuwa!" bumaling siya kay Lelouch.
"Totoo ba 'yon? Nagbibiro lang naman sila diba?"pilit siyang tumayo at hinawakan ang kamay ni Lelouch.
"Totoo ang mga narining mo, nawawala ang anak natin." Nakayukong sabi ni Lelouch. Ilang Segundo na nakamaang si Kit. Gustong sumabog ng puso ko sa aking nasasaksihan.
Hindi ko kaya na nagkakaganyan ang kakambal ko. Labis na hinagpis ang sunod na umalingawngaw. Yakap lamang siya ni Lelouch habang panay ang paghagulgol.
Ilang araw ang lumipas at napapansin namin na iba na ang kinikilos ni Kit, dala ng depresyon ay lagi siyang umiiyak o di kaya ay hindi ako kinakausap kahit sino sa amin. Madalas siyang magkulong sa kabilang kwarto na hindi ako kasama. Hanggang sa humantong na may hawak na siyang manika at sinasabi niya na 'yon ang anak niya. Doon na namin napagpasyahan ni Lelouch burahin ang ala-ala niyang iyon. Masakit sa'kin iyon. Dahil may panghabang buhay akong lihim sa kanya.
*end of flashback*