Chapter 16

2201 Words
EXF 16- MECHANISM - process or sytem that is used to produce a particular result. ~ Cronux's POV I hugged Kit. Then, inilabas ko ang isang electric laser na mismong singsing ko, itinapat ko iyon sa batok niya saka bumagsak ang noo niya sa balikat ko, nakatulog na siya. Binuhat ko siya, kasabay nang pagtapat sa ulunan ko ng aking plate car at mabilis pa sa ala-una kami ay nag-telefort tungo sa isang space Jet. patungo kami ngayon sa Dark Galactic Quarter. I just want to scared one of my pet there. Si Lelouch. Dahil masyado akong nainis na puro nalang siya ang bukambibig nitong si Kit kanina. This is not the right time para makuha ko siya, hindi pa dumarating ang lost date para tuluyang maging buhay ang mga infinite capsule na naka tanim sa kanila. So, Kit is a Purple IC carrier. Poor her. Sapagkat... Isa ako sa pinuno ng Dark Galactic Quarter.. I need all the IC and let the planet Earth hailed me as GOD. I know Kit is an innocent but she's a carrier of a curse. I don't need anything from her. Only just the Purple IC. Next time you will find out kung bakit ko ginagawa ang lahat ng ito. Sila ang may kasalanan. Kailangan nilang pagbayaran ang lahat. Hindi ako titigil hangga't hindi ko nakukumpleto ang mga IC. Pagkasakay namin sa space jet ay wala pang kalahating oras na nakarating ako sa head quarter. The last time when I do a plan to play the twins. Yeah, ako ang nagpabagsak sa chandelier ng mansyon nila for some reason dahil nandoon ang isang nakatagong microflask na makapagbabalik sa ala-ala nilang kambal. Nasa shuttle jet na kami patungong Planet Dark. Well, it's easy to go there, may isang mahabang cylinder na naka-hold sa isang wormhole. Yes, nakahuli ako ng wormhole five years ago at hindi 'yon naging madali. Isa lang ito sa mga paraan para makarating ka sa paroroonan mo kung nasa outer space ka. Minuto lang ang lumipas at nasa Dark Galactic Quarters na kami. Kaagad napalitan ang suot ko, automatic na ito kapag may mga taong papasok sa head quarters maging si Kit ay napalitan narin ang suot, metallic satin fitted space suit. Bagay naman sa kanya. Di bale, gagawin ko ang lahat para maging kabahagi siya ng Dark Galactic. Ipinasok ko siya sa isang laboratory. Isinilid ko siya sa isang glass cylinder at kinabitan ng neuro trans cord sa noo. Sinindi ko ang monitor pinindot ko ang isang button upang bumaba ang isang glass cylinder kung saan nandoon si Lelouch, sana ay matuwa siya sa sorpresa ko sa kanya. Inutil na pakelamerong Andropholos na yon, hintayin niya lang ang panahon at ako ang maniningil sa kanya kapag nangialam pa siya sa mga plano ko. Nakapatay ang monitor ni Lelouch, natutulog siguro siya sa sarili niyang utak. Isa pa siyang walang kwenta. Paano kaya ito natagalang mahalin ni Kit? Ni kalahati ay walang binatbat sa akin. Sapilitan kong binuksan ang monitor niya. isang masamang titig niya ang bungad niya sakin. "Wala kang kasing sama! Pakawalan mo si Kit, hayop ka!" "Ano may idadagdag ka pa?" punyetang lalaking ito kung wala lang sa kanya ang green IC matagal kona winakasan ang buhay niya. "Mamatay kana!" tumawa ako ng malakas. "Lelouch, ang kabobohan mo talaga ang qualified sa forever. Stupid, how I die in this situation?" hindi siya nakasagot. Sabi na eh, bobo talaga. "Alam mo bang hulog na ako sa kanya? Pero sorry siya dahil mas mahal ko ang purple IC niya." napatingin ako kay Kit at nilapitan siya. Nagbukas ako ng isang program kaagad na lumabas an mga memories slot ni Kit. Napahinto ako sa isang nakita ko. May passcode ang isang memories niya'yun ay nung itinanim sa kanila ang mga Infinite capsules, napakatuso talaga... binabalak ko pa naman buksan kaso malakas ang ginamit na erasing ampule. Naaasar ako, sa halos buong memories niya ay puro sila ni Lelouch ang sarap tanggalin kaso hindi 'yon ang gagawin ko. Nagtungo ako sa memorya niya kung paano siya nag-umpisa sa FC world at makilala ako bilang si Crydhelle Luke Smith. Buburahin ko ang lahat ng 'yon. Lalo na ang mga sinabi ko sa kanya kanina, gusto ko ay mahulog siya sakin sa ibang paraan. I'll eliminate it permanently. Pati si Lucille ay aalisin kona sa kanya gusto kong bumalik siya sa pagiging Katrinity Jimenez. Trinity...argh! Never mind. Matagal na siyang wala. Tumingin ako uli kay Lelouch. "Masaya kaba na muli mo siyang nakita? Sorry, hindi ka nga lang makalapit." Panunuya ko sa kanya. Mamatay ka sa inggit dahil gagawin ko ang lahat para hindi na siya bumalik sa'yo. Kaso kaysa sagutin ako ay namatay ang monitor. Nakakagago talaga ang carrier na 'to. Napatingin ako kay Kit at laking gulat ko dahil nakadilat siya. Napalunok ako nang makita ko ang mga mata niyang kulay purple. Hindi 'yon kumukurap at may kung anong mga linya ang gumuguhit mula sa pisngi niya pababa sa leeg. Kaagad akong humarap sa monitor at minadali ang pagbubura. Nakalimutan ko na electrical substance pala ang purple IC lalo pa't naka metallic suit siya. Tumutunog na ang emergency system. Nagliliwanag na si Kit samantalang ako natataranta na. Kung ano-ano na kasi ang nasusulat sa memorya niya mga salita at pomulasyon na hindi ko maintindihan, ibig sabihin ay hindi biro ang nakatanim sa kanyang IC. Inalis ko ang neuro trans cord ay pinindot ang button ng glass cylinder upang mabuksan iyon. Nilapitan ko si Kit hinawakan pero kumislap ang isang linya at nakuryente ako. Hindi ako makapaniwala sa nasasaksihan ko. Abot kamay kona siya ngunit hindi pa ngayon ang oras. Maya-maya pa nga ay nawala na ang liwanag at linya pati narin ang kulay purple niyang mga mata at muli siyang nahimbing. Napangiti ako. "80 percent...paano pa kaya sa lost date?" binuhat ko siya at naglakad na kami palabas ng laboratory. Mula doon ay nakasalubong ko ang aking kanang kamay kasama ang ilang genetical code humans. "Nagawa mo ban g maayos ang trabaho mo?" tanong ko sa kanya, tumango siya at tumingin kay Kit. deretsong lumakad. Sumakay na uli kami ni Kit sa shuttle Jet pabalik ng Earth. ~ Kit's POV Kung dati ay migraine lang ang nararamdaman ko. Ngayon ay parang hinihiwa-hiwa at binobola-bola ang ulo ko. Hindi kona kaya! Kaya heto, at nakadukdok ako sa mesa ko. Nakatapat sa'kin ang limang monitor. Bakit ba kasi hindi ito nagparamdam kanina para hindi nalang ako pumasok? Iniangat ko ang ulo ko at isinandal headrest ng swivel chair. Pagkatingin ko sa ceiling ay umiikot iyon parang bumabaliktad ang sikmura ko, at maya-maya nga ay napatutop ako ng bibig at tumakbo patungo sa restroom ko sa loob ng opisina. Idinuwal ko kung ano kinain ko kaninang almusal. Akala ko ay magiging maayos na kaso ay parang sumakit lalo. Kaya no choice ako kundi pindutin ang system na makakapagpabago sa opisina ko bilang kwarto,pagkakita ko sa kama ay kaagad akong nahiga doon. Basang-basa na ng pawis ang buong katawan ko. Tinawagan kona si Kae kanina siguro naman ay parating na siya. Tumunog ang metallic door ng opisina ko. Nakapikit ako kaya hindi ko alam kung sino ang pumasok. "Kit.nandito.na.ako." kaagad akong napamulat. Si Lelouch the android ang bumungad sakin. Kahit wala siyang emosyon ay nakikita ko sa mga mata niya ang pagaalala. "Nasaan si Kae?" "Kae.is.busy.ako.pinapunta.aalagaan.kita." hindi ko maiwasan mapangiti. Huminga ako ng malalim dahil para na namang binuboldoser ang utak ko. Malapit na akong magpa-brain transplant! Hinawakan niya ang noo ko. "Nilalamig.ka."pakiramdam ko ay papanawan na ako ng lakas. Nanginginig na ang buong katawan ko. Naramdaman ko na tumabi sa'kin si Lelouch the android dahan-dahan niya 'kong inangat upang mayakap ako. "Yakapin.mo.lang.ako."napapikit ako. Naalala ko ang mga ganitong memories namin ni Lelouch na everytime na yayakapin niya ako ay parang ligtas ako sa mga bisig niya. Lalo na kapag masama ang mga panaginip ko, kaya noon ay hindi siya umaalis ng bahay hangga't hindi ako nakakatulog ng maayos. Kaya noong hiwalayan niya ako ay hirap akong mag-adjust dahil nasanay ako na lagi siyang nasa tabi ko na may yayakap sakin anumang oras, may magaalaga sa'kin at may susuporta sa'kin ng buong pagmamahal. Kaya malaking tanong kung bakit niya ako sinaktan ng ganito, iniwan niya ako ng walang dahilan na mapanghanggang ngayon ay hindi ako maka-move on nasaan ang hustisya sa lintik na pag-ibig na 'yan? Na kapag nasaktan ka lugi ka pa. Ngayon, pakiramdam ko ay parang siya ang yumayakap sakin, pakiramdam ko ay mahal niya parin ako. Ang masaklap ay nasaan na siya. Kailangan ko ang tunay na siya, pero nasaan siya? Wala...kaya mas lalo akong nasasaktan kasi hindi ko kayang tanggapin na tapos na ang lahat. Hindi na maibabalik ang lahat dahil pati siya hindi pa bumabalik. Napakasakit. Sobrang sakit. Pero mas masakit parin ang ulo ko. Punyeta, ano bang nagawa ko upang magkaganito ako. Ang utak ko kahit masakit ay may gamot parin para dito ngunit ang puso kong lubos na nasaktan ay hindi magagamot. Kaya kapag ang utak at puso ay sabay na sumakit wala kang magagawa kundi ang magtiis kahit sobrang sakit na. Hindi ko namalayan na nahihimbing na pala ako. ~ Kae's POV Nakatitig ako sa microflask na hawak ko gayon din si Kinnick hanggang sa pareho kaming naging duling dahil sa liit ng MF na ito. Bigla ko siyang binatukan. "Aray naman!" nakakadistract eh, halos yung ash grey na mata niya ang nakikita ko. Sinusubukan kong basahin ang napakaliit na nakasulat. "Magluto kana kaya ng lunch," napasimangot siya. "Anong ulam gusto mo," "Sinigang na Kinnick with toyo okay naba 'yon?" lalo siyang napasimangot. Ang sarap talagang asarin ng isang 'to. Nagtungo na siya sa kusina. Sumasakit na ang ulo ko sa microflask na ito, ang nakakainis pa ay wala pa akong card reader for this kaya gumawa ako. Kinuha ko ang tablet at tinawag si Paolo the android. Gusto kong tulungan niya ako para dito. Sana naman ay hindi magtampo sa'kin si Kit na si Lelouch the android ang nagtungo sa kanya. Tapos problema ko pa kung paano niya nakalimutan si Cronux as Crydhelle Luke at nawawala pa yung fc account niya. Ang sakit nila sa ulo pareho. Pinasunod ko si Paolo the android sa laboratory upang tingnan ang finishing ng hermes shoes na ipe-present ko bukas kay Metal Uneses doon uli sa Atlantis Mall. Makikita ko na naman siya at mararanasan ang kasungitan niya. Ano bang problema niya? Wala naman akong ginawa sa kanya or maybe talagang ayaw niya sa mga babae, bakla ba siya? Kaagad akong naupo upang i-edit ang design ng hermes shoes. Nakita ko ang neon blue na kulay. May naalala na naman ako sa kulay na 'yan. Paborito naming kulay ni Paolo lalo na yung galaxy. Napatingin ako kay Paolo the android nakatingin lang siya sakin. "Paki check yung system kung na-activate ko." Tumango-tango siya. Medyo hindi na ako nabi-bitter simula nang dumating ang mga android ex namin, gumagaan ang pakiramdam ko dahil pwede ko naman silang jombagin ng utos. "Kae, handa na 'yung tanghalian, dadalhan naba kita?" tawag ni Kinnick mula sa intercom. "Hindi, sasamahan kitang kumain." Sagot ko. Hindi ko alam pero habang tumatagal ay lalong gumagaan ang pakiramdam ko sa kanya, masaya ako kapag sinasabayan niya akong kumain at mga corny jokes niya at childish acts. Unti-unti kona ba talaga siyang makakalimutan? Matutulungan nga kaya ako ni Kinnick? Handa na nga ba akong magmahal muli? Kaya ko na ba siyang palitan sa puso ko? At balewalain ang lahat ng sakit na dulot niya? "Pao, ikaw na bahala dito sa design ha?"lumingon sakin si Paolo the android at tumango. Lumabas na ako ng laboratory at nagtungo sa kusina. "Ano'ng niluto mo?" tanong k okay Kinnick pagtungo ko sakusina. "Favorite mo, adobo." Napangiti ako.Yay! paborito ko talaga ang adobo lalo na kung luto ni... Tsk! Naman oh! "Tara, kain na tayo." Dinala niya ang tray patungo sa dinning hall. Sinimulan na nain ang kumain. Pinagmamasdan ko siya, ngayon ko lang na-realize na ang pogi niya pala, paano kasi napaka isip bata. "Kae?" natauhan ako. "Ayos ka lang? nakakatulala ba talaga ang kagwapuhan ko- Aray!" big ko kasing sinipa. Napahangin kasi. Ako naman, ano bang kagagahan 'to? Mukha akong tanga. "Manahimik ka! Kumain nalang tayo." Napasimangot siya. Hayyy, bakit ba iba ang awra niya? Kaya ayung, bigla ko siyang sinipa uli. "Ano ba?" hiyaw niya." "Wag kang magpa-cute nakakairita!" inis kong sabi. "Bakit? Nacu-cute-an ka ba sa'kin?" "Kapal ah!" inirapan ko siya. "Bakit mo ako pinipigilan?" tanong niya. "Mukha ka kasing aso! Ano, kakain k aba o lalayasan kita?" bulyaw ko sa kanya. "Sabi ko nga kakain na tayo." Hayst! Nakakaloka! Naku Kae, manahimik ka lang sa kalandian mo. Tandaan mo, hindi ka pa nakakamove on! "Pabalikin ko na kaya si Lelouch the android?" mas maganda yataay iuwi nalang niya si Kit. "Mas okay nga 'yan para mas matutukan natin si Kit." I call Lelouch the android. Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. "Ano'ng sinasabi mo na nasa hospital kayo dahil ayaw magising ni Kit?" bigla akong napatayo na kinagulat ni Kinnick. "Bakit?" tanong niya. "Nasa hospital daw si Kit, ayaw magising!" pasigaw kong sambit habang nangangatal. Hindi ko kakayanin kapag may nangyaring hindi maganda kay Kit! "KAE!" irita akong tumingin kay Kinnick. "Yung plato..." napatingin ako sa sinasabi niya. Gayon na lamang ang aking pagkabigla dahil nakalutang ang plato, baso, kutsara, at tinidor. Tapos 'yung kamay ko ay nakataas dahil sa tension at kaba nadarama ko. Ibig sabihin...ako ang nagpapalutang sa mga'to? "At ang mga mata mo Kae, kulay blue..." 'yun anghili kong nainig kay Kinnick bago ako mawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD