EXF 32- THE PLANNED
Kaehel's POV
"Kae! Are you there?" pinindot ko ang remote controller upang bumukas ang pinto. Nakita ko si Andropholos na labis ang pagaalala. Kaagad niya akong nilapitan nang makita niya akong nakahndusay sa sofa.
"What happened to you?" lalo akong humagulgol ng iyak. Bigla ko nalang siyang niyakap saka umiyak nang umiyak gusto kong ilabas ang lahat.
"This f*****g feelings. I wish that I coundn't back in the past. Sana hindi ko nalang sinubukan. Right now, living in the past is like a damn hell! Sana hindi ko nalang siya binalikan. Sana hindi ko nalang ina-tempt na makita siyang muli. Why? Why? He so rude like that?"
"Ano bang ibig mong sabihin?" hindi ko siya sinagot at humagulgol na lamang ako. Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Sariwa parin ang mga sandaling iyon na halos isumpa niya ako.
Flashbacks
"Galathea..." I freeze at the the moment when are eyes met.kaagad iyon napalitan ng mga mata niyang puno ng galit sakin.
"Anong ginagawa mo dito? Bakit ka bumalik?" sigaw niya sakin na kinagulat ko. Hindi ko inaasahan ang lahat ng ito. Lalo akong hindi nakagalaw.
"Sagutin mo ako! Bakit ka nagbalik!" puno ng pagkasuklam na tanong niya sakin.
"Ano bang kasa-" pero bigla niyang pinutol ang sasabihin ko.
"Kasalanan mo? Malaking malaki! Dahil nawala ang anak ko dahil sayo!" kinagulantang ko ang sinabi niya.
"Paanong ako?" nag-ngingitngit parin ang kalooban niya.
"Bakit ba kasi nabuhay ka pa? edi sana di nawala ang anak ko!" pilit parin akong nangangapa sa mga nangyayari. Di ko na alam ang iisipin at gagawin ko.
"Siya ang naging kapalit para mabuhay ka!"
"A-ako?" napasigaw siya sa galit.
"Umalis kana ngayon din! Ayokong makita ka. Alis!" kaagad akong tumalikod at mabilis na pumitik. Naglalandas na ang mga luha sa pisngi ko. Di ganito ang inaasahan kong muli naming pagkikita.
-End of flashbacks-
"Grabe naman siya! Gusto mo resbakan ko!" kaagad kong pinigilan si Andropholos. Nakatayo na eh.
"Huwag na." muli siyang naupo ay he touched my face.
"Ayokong may nasasaktang babae." pilit akong ngumiti sa sinabi niya. huminto narin ako sa pagiyak.
"Sandali, parang pareho pa kayo ng sitwasyon ni Kae ah? Siya rin ang sinisisi sa pagkawala ng anak ni Kit eh,"
"Oh?yung sakin kasi ngayon ko lang nalaman. Gusto ko pang alamin ang buong detalye." Sumeryoso ang mukha ni Andropholos.
"Buti at hindi kana nate-trace ng DGQ?" tanong niya sakin.
"Hindi naman kasi si Cronux ang humawak sakin noon, kundi yung unang pinuno. Kapag nagbalik iyon ay paniguradong mate-trace ako."
"Ayon sa napagmetingan namin, hindi clear kung darating ang taong iyon. Pero sana wag na. ayokong madamay ka sa nalalapit na Lost date. Gusto ko lagi kang ligtas." Hinawakan ko ang kamay niya.
"Kung laban mo 'to, dapat ay kasama ako hindi naman tayo namamatay eh." He smiled. Hinawakan din niya ang kamay ko.
"Bakit ngayon kalang, dumating sa buhay ko." My heart skipped a beat.
"Kanta ba 'yan?" tanong ko sa kanya na sabay naming kinatawa.
"Oo, pero para siya sayo." I smiled at him. How sweet he is.
"So, nanliligaw ka niyan?"
"Bakit? Mukha ba?"
"Ang corny eh," he pinched my nose.
"Arte, gusto din naman." Hinampas ko siya sa balikat.
"Tse, tara magbukas na tayo ng shop, marami kapang lolokohin." Bumalunghit lang siya ng tawa. Sana nga siya nalang.
--
Paolo POV
Kindly, bring back my last Project C. Cionele Wyniea.
Tinapon ko kung saan ang microchip na naglalaman ng mensahe ni Cronux. Arte niyang hayop siya, anong akala niya sakin na matatakot sa mga balak niya?
"Anong gagawin natin sa bihag MetaL Uneses?" tanong sakin ni Seldo?
"Tulog pa ba?"
"Oo, at mukhang mahimbing pa ang tulog dahil may mga nakapalibot pang yelo." Napatingin ako sa screen kung saan nandoon ang bihag.
"Siguraduhin niyon hindi siya mate-trace ng mga taga DGQ lalo na ni Cronux." sumaludo ito sa kanya.
"Masusunod. Metal Uneses." Pagkalabas ni Seldo ay nagpalabas ako ng isang screen at lumabas doon si Ellen Knightz ng EK quarters from Xavierheld colony.
"Anong maipaglilingkod ko?" magiliw niyang tanong sakin. Ang colony nila ay unti-unti pa lamang nabubuo pero alam ko ay may mga magigiting siyang militar doon.
"Natanggap mo ba ang pinadala ko?" isa pa itong maganda eh. Alam ko naman na magaganda ang mga nasa Xavierheld.
"Oo, nacommand kona silang tatlo. Pupunta na sila maybe nextweek." Napangiti ako sa sinabi niya.
"Thank you, sisiguraduhin ko na marami silang matutunan dito sa Stelar." Tumango lang siya.
"Pwede ba tayong mag-coffee nextime? Pag pumunta ako diyan sa EK quarters." Aya ko sa kanya na kinatawa niya.
"Sorry, busy kasi ako at tapusin mo muna 'yang war mo." Yun lang at namatay na ang screen. Sungit ah? Minsan na nga lang ako mag-aya ayaw pa. Buti nalang Maganda siya. Hindi niya ba alam na madalang lang sa comet ako kung mag-aya ng date?
Umiiral na naman ang pagkababaero ko. Bumabalik na naman ang dating Paolo nung hindi ko pa kilala si Katrina. Isa pa pa siyang hindi ko makalimutan eh. Dapat nung pinasabog kona yung android ay limot kona rin siya kaso hindi ko magawa.
Hindi naman na ako ang mahal niya. Si Andropholos na! hindi naman tao ang isang iyon eh! Bakit gan'on? Ang sakit sakit pala talagang masaktan dahil sa pag-ibig na iyan. Alam ko naman na nasaktan din siya ng labis. Pero mas masakit na hindi ka nga niya kayang patawarin ipagpapalit kapa. Hindi kana mahal. Ang sakit s**t.
I would like to meet Kronica right now. Like Katrina ay parang ganoon din ang feelings ko sa kanya. Hindi ko lang naman tinanggap ang proposal niya n'on dahil naalala kolang si Katrina. But right now. I'm willing to know who she is behind her mask.
Binuksan ko ang email ko at kaagad na nagpadala ng mensahe sa kanya.
From: KRONICA
Yes, sure.
Para naman akong tangang napapangiti. Sana naman ay hindi niya hampasin kapag nagkita kami.
Atlantis Mall...
My usual get up with my silver mask. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kong kaba. Then, I saw Kronica entered. Kaagad niya akong nahanap. Naka all red siya. Lady in red at it's finest.
"Hi, how are you?" tanong ko sa kanya habang nakatitig sa mga mata niya. Pwede bang ako na ang magtanggal ng mask niya?
"I'm fine, what do you want? May you consider my product right now?" baritong tinig niya. hala, mukhang seryoso nga at dinidibdib parin ang pag-reject ko.
"I just want to know you better." Pinagalaw-galaw niya ang daliri niya na animoy nagpipiano. Bakit ba pati mannerism ni Katrina alam niya?
"Mas gusto kong makilala ka." Sabi niya na kinagulat ko. Ang saya naman mukha pareho kami ng nararamdaman ah.
"Well, I'am broken hearted. May iba ng mahal ang Ex ko nakapagmove-on na siya kaya inunahan ko na na pasabugin yung android Ex niya. actually, ako pala may-ari ng Ex Factory kaya kung may Ex ka sakin ka umorder ha?" this is damn Paolo! You're like stupid! "How about you Kronica?"
"Mahal ko parin ang Ex ko. At punyeta siya dahil hindi ko siya makalimutan hindi kona alam ang gagawin ko. Galit lahat ng tao sakin sa hindi ko malamang dahillan ay parang mawawala sakin ang lahat." I knotted my eyebrows.
"Sa tinggin mo ba sasaya parin ako?" tanong niya. hindi ko alam parang may guilt akong naramdaman.
"I know this is missed the rules pero okay lang ban a makita na natin ang mukha ng isa't-isa?" matagal bago siya sumagot. Lalo akong kinabahan.
"Sure, why not." She said.
Sabay naming hinawakan ang maskara namin. Yumuko ako, gayon din siya habang unti-unti naming inaalis ang maskara. Pagkatanggal ay gayon na lamang ang gulat ko.
"Paolo?"
"Katrina?"
Sabay naming sambit.
"Ikaw si Metal Uneses?"
"Kronica?"
Sabay namin uling sabi. Paano nangyari ang lahat ng ito?
Gulong-gulo siyang tumayo at lumabas. Sinundan ko naman siya.
"Trina wait..."
Pero bigla niya akong iupper cut. Jawbreaker na si mahal.
"Ano bang problema mo?" hiyaw ko. Sakit sa panga ah!
"Ipagmamayabang mo sakin na ikaw ang may-ari ng Ex Factory tapos pinasabog mo lang ang android ex ko!" gigil niyang sabi sakin. Lesson learned Paolo; ang karma ay high-tech.
"So?"
"So? I so-so mo lang ako! Kay mahal mahal ng produkto mo! Hindi mo man lang ako binigyan ng discount! Letche ka!" hinawakan ko ang kamay niya pero pumiksi siya.
"Don't you ever dare!" tinalikuran niya ako. Ano? Susundan ko paba? Masakit na panga ko eh.
Pinili ko nalang siyang wag sundan.
--
Cronux's POV
Hindi parin ako makapaniwala sa kung sino ang kaharap ko ngayon. Ang dating pinuno ng DGQ.
"Platus..." it's been a long years.
"Nice to see you, Cronux. mukhang maganda ang naging pamamalakad mo dito sa DGQ." Wika niya. hindi ako sumagot.
"Huwag kang mag-alala wala naman akong balak na bawiin ito. Gusto ko lang magbalik sapagkat tutulungan kita sa nalalapit niyong digmaan sa Stelar quarters."
"Handa na ang mga tauhan ko Platus, upang bawiin ang mga IC's." ngumisi lamang siya. Parang may gustong ipahiwatig ang isang 'to ah.
"Did you know na pagala-gala ang first project K sa Earth?" napatingin ako sa kanya.
"Akala ko ba rejected siya?"
"Iyon din ang akala ko. Pero hindi bale, may kapalit naman." Kumunot ang noo ko.
"Sino?" tanong ko sa kanya?
Itinuro niya si Lelouch na nasa loob ng glass cylinder.
"Siya. Ang tanging susi ng lahat." Sinundan ko siya ng nilapitan niya si Lelouch.
"Hindi ko akalain na kahawig na kahawig niya ang kanyang ama."
"Alam niyo ba ang dahilan kung paano siya naging carrier?" bigla itong tumawa.
"Cronux, Oo naman. Ako ang nagdala sa kanya sa mga scientist na iyon mula sa Britanya!" hindi ko gustong pangitain ito pero parang intersado ako sa buhay niya.
"Who is he before?"
"He is Prince ____" nanlaki ang mga mata ko nang malaman ko ang tunay niyang pangalan. Did he? What the hell! This is a nightmare!
Pagkatapos ng paguusap namin ni Platus ay umalis na siya at nagtungo na sa pinagtataguan niyang base. Kaagad ko namang pinindot ang isang botton at sabay-sabay na nagsilaglagan ang project C. at Kitara.
"Anak ng-! ano bang problema mo Cronux?" sikmat sakin ni Kitara. Habang ang Project C ay unti-unti palang nagigising.
"Kung tatawagin mo kami ay pwede namang mag-intercom diba?" irritable parin si Kitara. Sabay-sabay silang naupo.
"'yon lang ba?" tanong niya sakin. Palibhasa kayang magparalisa ng bawat tao.
"At tungkol sa Kapatid mong inutil. Si Clarity na gagawa n'on." Nabigla naman ito.
"A-ako?" turo niya sa sarili. Napapailing nalang ako.
"Caela, tulungan mo ang kapatid mo. Ayoko ng palpak na trabaho." Mariin kong sambit.
"Masusunod pinuno."
Si Calix ay tahimik na pinaglalaruan ang apoy sa kanyang mga kamay.
"Calix, magmamasid tayo sa kabilang teritoryo. Kailangan nating makuha si Cionelle." He firm his fist.
"Kapag may ginawa silang hindi maganda sa kapatid ko ay matitikman nila ang galit ko!"
"Easy lang. malapit na ang lost date. At gusto ko sa araw na iyon tayo ang magwawagi!" sabay-sabay silang napangiti.
Konting tiis nalang at nababawi kona ang dapat ay sa amin ng Lolo. Pagbabayaran ni Paolo ang pagpatay niya sa Lolo ko. Lahat sila, mananagot sila sakin. Nang matapos ang pinag-usapan naming plano ay isa-isa na silang lumabas.
Isinandal ko ang ulo ko sa headrest. Nagsisimula na naman ang migraine ko. Kinuha ko sa bulsa ko ang maintainace ko. Painom na sana ako nang mapansin ko ang patak ng dugo na nasa kamay ko. Nagmula iyon sa ilong ko.
--