EXF 33 TRAPPED
Kae's POV
Kung hindi ba naman...
Tanginang buo! Binabangungot ba ako? Aba! Gusto kona magising ngayon din mismo! After all siya pala! Siya pala si Metal Uneses? Anak ng putanginang pinulot sa kawali!
Mapahinto ako sa paglalakad at nilingon siya. Ang walang hiya! Di man lang ako naisipang sundan para makapagpaliwanag din siya diba? Pero, ayun siya oh tumalikod narin at naglakad.
Napailing nalang ako. Kakambal ko rin ba ang paasahin ang sarili ko?
At sandali. Yung mga sinabi niya kanina?
Broken hearted siya sa Ex niya? pinagsasabi niyang hayop siya? Broken hearted pa siya sa lagay na iyan? nakakainis!
Bumalik na nalang ako sa opisina. Sana naman wag akong beast-mode-in ng mga empleyado ngayon. Wala kasi si Kit at ako ang gumagawa ng mga trabaho niya. wala akong pake kung nasaan siya ngayon ayoko munang makipagbangayan sa kanya.
"Kae, need na namin ang ibang orders dito. Pakibilisan daw ang pag-approve." Si Cexza na nasa kabilang screen. Ano ba 'yan! Mga hindi ba marunong maghintay?
"Miss Katrina, bumababa po ang sales natin this month." Sabi namin ni Mildra na siyang nasa sales department.
"Cexza, ipadadala ko mga papel diyan in a minute okay?" tumango si Cexza sabay nawala sa screen.
"Mildra, oo alam ko, hindi demand ang mga produkto natin ngayon kaya talagang babagsak 'yan!" hindi ko na maiwasan ang iritasyon ko. Jusko stressed everywhere.
"Maam, hindi nga demand kasi po, nasa crital case ang pag-down natin ngayon." Pinagalaw-galaw ko ang mga daliri ko. I'll tried to calm self inhale exhale.
"Papatawag ako ng meeting right now!" utos ko sa kanya.
"Yes, Ma'am." Nawala siya sa kabilang linya.
Mapatingin ako sa gabundok pa na papeles. Ayoko naman ibalibag ang mga iyon. Puta, hirap magpulot eh.
Ano kayang gagawin ko dito sa kompanya? Hindi ko naman ito kaya ng mag-isa eh.
Pinagmasdan ko ang bawat sulok ng opisina Kit. I'll remember the simple days in our lives here. Yung trabaho bahay lang kami wala kaming iniintindi kundi ang pagpapalago nitong kompanya kahit pagod kami araw-araw kaya naman namin pasayahin ang bawat isa. Nandyan yung simple sabay kaming maco-coffee after work tapos kapag nasa mansion na ay maghaharutan kami hanggang sa makatulog.
I really missed my twin sister. My twin for life.
Napasandal ako at hinilot-hilot ang sentido ko. Hindi ko maiwasang humikbi. Nasaan na nga ang kakambal ko? Parang hindi ko na kakayanin kung hindi pa siya babalik sakin. Gusto kona ulit makatawanan siya ng walang sawa. Makamurahan siya ng malulutong. Ang iyakan siya kapag naaalala ko si Paolo. Ang yakapin siya kapag nananaginip siya ng masama, alam kong mahina ang loob niya ako lang naman ang tanging nagapagtanggol niya.
Kit.
Ipinilig ko ang ulo ko. Kailangan ko munang tapusin ang mga trabaho ngayon dito.
Sa board meeting.
"How many times that I could say that I didn't sell any of my formulation. Hindi iyon ang paraan para tumaas uli ang sales natin." Shits kailangan ko pang magpasensya.
"But, Ms. Vice President baka hindi mabawi ng isang linggo ang critical down stage ng sales. Wala na tayong option bukod diyan." Loko ang isang board member na ito ah, suntukan kaya kami ngayon.
"Try to decrease one percent of our marketing sales." Nagtinginan sila.
"I would like to buy the whole sale of market." Sabay-sabay kaming napatingin sa nagsalita.
Si Paolo. Lalo kong hinilot ang sentido ko.
"Did you know, kapag ginawa mo 'yon ay ikaw na ang magmamay-ari nito?" he grinned. Puta, pangit ang kutob ko ah.
"Edi ibibigay ko uli sa 'yo." I just hissed.
"Pumayag kana Ms.VP wala na tayong magagawa eh." Nagsitanguan naman ang ibang board members. Mga letche porke ba gwapo ang kaharap mga nahumaling naman!
"Para sa kompanya!" pagsangayon ko na kinabunyi nila. Mga balimbing! Tanggalin ko kayong lahat eh!
Lumabas ako ng boardroom alam kong sinundan ako ni Paolo.
"Nakuha mo na gusto mo diba? So, welcome new CEO!" sabi ko sa kanya bago isara ng malakas ang opisina. Utang na loob Paolo bakit ba para kang multo sa buhay ko?
"Trina, we need to talk." Nilingon ko siya.
"Not now, masakit ulo ko." Sabi ko sabay kuha ng bag ko. Hinila niya ang braso ko para iharap sa kanya.
"Alam ko kung paano mawawala'yan." Then, he kissed me. Pakiramdam ko talaga parang parang may mighty bond ang labi ng lalaking ito eh, madikit eh!
Napatulala lang ako ng bumitiw siya. "Ayos ba?" tinulak ko siya. Napakapresko talaga ng sira-ulong ito!
Mabilis akong lumaba ng opisina. Kailangan ko munang i-kape ito.
Nandito na ako sa Bookish Café. Partida bungad sakin diba? Si Andropholos at Kaehel nahaharutan sa counter.
"Aherm." Sabay silang napatingin sakin. Tangina nitong si Andropholos kahapon pa ito hindi umuuwi eh.
"Oo Kae, uuwi ako mamaya promise." Inismiran ko lang siya.
"Isang espresso yung mapait na mapait!" yun lang at tinalikuran ko sila. Naupo ako sa sulok sa kung saan hindi ko sila makikita. Baka maitapon ko lang sa mga pagmumukha nila ang kape eh.
Si Kinnick ang nag-serve sakin.
"Kae, sorry sinamahan ko lang-"
"Sabi ko bang magpaliwanag ka? Anong pake ko kung dito kana tumira?" hayan, damhin mo lahat ng inis ko na kanina kopa sa trabaho kinikimkim.
"May sariling buhay ka diba? Kontrolado ko ba buhay mo?" he smiled bitterly. That's striked at me.
"You're right. I won't depend my life with you." Tumalikod siya. Nakaramdam naman ako ng punyetang guilt. Ano ba 'to? Dapat ba akong masaktan he deserves that words partially!
Tiningnan ko ang kapeng si-nerve niya. hindi iyon espresso kundi cappuccino na may bubble art na 'smile Kae' lalo akong nakaramdam ng guilt.
Pinili ko nalang tumayo. Nagkamali yata ako ng lugar na pinuntahan. Wala na sa counter si Kinnick si Kaehel nalang ang nandoon hindi ko alam kung ano ang nangungusap sa kanyang mga mata habang nakatingin sakin. Lumabas nalang ako.
Isasara kona sana ang gate ng mansion nang may lumapit saking babae.
"May kailangan sila?" tanong ko sa kanya.
Nakangiti lang siya sakin.
"Sige isasara ko na ha?" pinigilan niya ako at lumapit siya sakin. Itinatapat niya sa noo ko ang dalawang thumb niya. May kung anong nakikita ako mula sa loob ng memorya ko. Napapikit ako.
Ang ala-alang nakikita ko ay nung araw na nawala si Aria. Nakikita kong inilapag ko siya sa crib pagkatapos ay may lumapit na lalaking naka-hood. Pero sa nakikita ko ay parang kilala ko ang mukha niya.
Humarap ang mukha ng lalaki. Iyon ang lubos na kinagulat ko. Kung sino siya.
--
Andropholos/Kinnick POV
"Okay kalang?" bungad sakin ni Kaehel nang pasukin niya ako sa opisina niya.
"Maniwala ako." Hinarap ko siya. At napangiti ako. Nakakatuwa naman dahil siya ang nakakapagpangiti sakin ngayon.
"Galing lang siguro sa trabaho 'yon kaya mainit ang ulo." Umasim muli an mukha niya.
"Pero di parin tama na ganoon ang approach niya sa'yo, parang wala kalang." Naupo siya sa couch na nandoon saka nag-regenerate. Ako rin mamaya ay magreregenerate na. May badnews pala ako. Ang mga uri pala namin ay hindi na magkakaanak kahit kailan. Saklap naman ng lahi ko oh. Sinabi sakin lahat iyon ni Kaehel dahil mas matagal na siyang GCH kaysa sakin.
"Pagkatapos ng lost date bubukod na ako sa kanila." napatingin sikin si Kaehel. Pinagdesisiyonan ko rin kasi iyon.
"At sasama na ako sa'yo." Halata kong nabigla siya.
"Seryoso ka?" tanong niya. I just smiled.
"Tayo ang nababagay eh," kita ko ang pamumula ng mga pisngi niya. Habang tumatagal ay lalo siyang gumaganda.
"Sasamahan kita sa lahat. Lalo na sa pagtuturo ng mga bata sa kindergarden na pinagtuturuan mo." She smiled. The sweetest that I ever seen before.
"Oo, at isasama kita sa kanila." ay, ang bully niya talaga psh.
"Buti nalang at hindi tayo pwedeng magkaanak. Baka lahat magmana sa'yo" lalo siyang namula. Hah! Kala niya ah!
"Tangina mo!" Hinampas niya ako sa balikat. Dumikit naman sakin ang firynii niya.
"Hindi ka pa tapos magregenerate!" hindi naman ganoon ka creepy kung naaagnas ang kalahati ng katawan niya kulay purple naman ang mga firynii. Pumaloob sakin ang mga firynii niya na dumikit sakin kiniliti ako ng mga ito. Tawa naman ng tawa si Kaehel.
Narinig namin na parang may pumasok.
"Oh, mag-serve kana dun." Sabi niya. Muling dumikit sa kanya ang mga firynii niya. pagkalabas ko ay bumungad sakin sina Ate Meda, Calix, at Caela.
"Pa-order ng isang Project K." sabi ni Caela. Bigla ay pinahinto niya ang oras. May pinaamoy sakin si Ate na kinahilo ko. Ang tanging nasa isip ko lang ay non ay hindi nila ma-trace si Kaehel.
Pagkamulat ko ay si Enpinitte ang bumungad sa akin.
"Tito Pholos." Nakangiti siya. Nginitian ko rin siya habang unti-unting tumatayo. Nasa DGQ ako. Kaharap ko ngayon sina Cronux at ang lintik na mga project C. kasama si Ate Meda. Nagtungo na uli si Enpi sa mga bisig ni Cronux nilagyan nila ng earpuff ang bata.
"Anong kailangan niyo sakin?!" sigaw ko sa kanila. pero, putsa! Hindi ako makagalaw!
May pinindot si Cronux. may bumaba na isang glass cylinder. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.
"Napakasama mo!" si Lelouch ang nandoon. Pakiramdam ko ay nanlaki ang ulo ko naglipat-lipat ang tingin ko sa kanilang lahat.
"Ate! Paano mo nagawa 'to sa kanya?" buong akala ko kasi ay totoo siyang minahal ni Ate.
"Mamaya kana mag-react. May ipakikita pa ako sayo." napatingin ako sa screen. Lumabas doon ang imahen ng isang babae habang may inilalapag na sanggol sa crib.
Sandali. Si Kae ba 'yon?
Nang umalis ang babae ay saka naman may pumasok na lalaki at kinuha ang sanggol. Hindi ako makapaniwalang napatingin ka Cronux.
"Si...si..." nanginginig ang daliri kong itinuro si Enpinitte. "Siya ang anak ni Kit at Lelouch?!" sinusubukan kong tumayo pero ayaw talaga.
"Pakawalan niyo ako! Hayop ka talaga Cronux! kinuha mo ang anak ni Kit!" nakatingin lang siya sakin.
"So, anong balak mo? Ang sabihin sa kanila?" sa wakas ang ay nakagalaw na ako.
"Oo! At hinding-hindi niya ako mapipigilan!" ngumiti lang si Cronux.
"Talaga lang ah." May pinindot siya muli. Nakita ko sa screen si Clarity at...Kae! Hawak ni Clarity ang noo ni Kae.
"Nakalagay na ngayon sa utak ni Kae na ikaw ang kumuha kay Aria." Napatingin ako Cronux. I firm my fist. Hindi ito maaari! Mabilis pa sa hangin akong umalis doon. Parang awa mo na Kae! Wag kang maniniwala sa mga nakita mo!
--