EXF 22 - The Four Great Scientist
Kit's POV
Pagkamulat ko ay nasa isang silid ako. Pamilyar na sakin ang silid na ito kaya di na dapat ako magulat. Nang ipaling ko ang ulo ko ay bigla na namang sumakit iyon.
I just remember last night. I can't control the IC and i don't know how to stop it. Saktong kumatok naman non sa bintana ng sasakyan ko si Cronux. He said na patungo daw sana siya sa mansion kaso ay nakita niya daw ako na lumabas sakay nung sasakyan ko. Pagkatapos daw ay sinundan niya ako kung saan ako magtutungo. Nawalan daw ako ng malay.
Siguro dala narin ng kakaiyak ko dahil sa sama ng loob. Nananatili parin ang sakit. Mas masakit pa sa pagmomove-on ko.
Muli akong nahiya habang hawak parin ang noo ko. I saw my reflection on the glass ceiling. Nangangalumata ako.
May kumatok sa pinto.
"Come in." I said. Iniluwa naman non si Cronux na may dalang tray na may brealfast meal.
"Breakfast on bed. Are you feel better now?" I just smiled at him. Inilapag niya ang tray sa tapat ko.
"Salamat..." sabi ko. Hawak kona ang tinidor nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. I stared at him. Alam ko gwapo siya. Pero putcha pati ba naman kahit bagong gising at gulo-gulo ang buhok pogi parin? Tatay na yan ha!
"Wala 'yon. Basta ikaw," he said. Binitawan niya ang kamay ko.
"Ikaw ba nagluto ng mga ito? Mukhang masarap eh." Pero para sakin kahit hindi na mag-almusal. Mukha palang ni Cronux...busog kana. Waaaahhh
"Yep, sana nga masarapan ka. That was my first time na mag-luto at ikaw ang unang makakatikim." Parang gusto kong kiligin. Nagluto siya para lang sakin.
Sinimulan ko ang kumain. Syet! Ang sarap nga! Pero patawarin dahil mas masarap parin magluto si Andropholos. Edi sila na marunong magluto ng masarap!
"Si Enpinitte?" Tanong ko sa kanya. I also miss that little cute girl.
"Tulog pa. She's in sick now. Fever." May tila tumadyak sa damdamin ko. Labis na pagaalala ang naramdaman ko.
"Pwede ko ba siyang puntahan sa room niya?" Kaagad namang tumango si Cronux na kinangiti ko.
After kong kumain ay kinuha na ni Cronux ang tray saka kami sabay na lumabas ng kwarto. I felt awkwardness para kasi kaming mag-asawa sa lagay namin.
"Ammm.. pupunta nako sa kwarto no Enpinitte." Sabi ko.
"Sure, siguradong matutuwa siya kapag nakita ka." Sagot niya.
Huminto ako sa kwarto ni Enpinitte. Pumasok ako sa loob. Napa-Wow ako sa laki ng kwarto. Ang ganda pa ng interior design. I saw many paintings and drawings around the room. Naalala ko tuloy ang kwarto ni Lelouch. Palibhasa kasi fine-arts ang isang iyon. Mukhang si Enpinitte nga ang gumagawa ng mga art na nandoon. May mga art materials kasi sa isang table. May isang malaking book shelf sa corner. Napakaraming libro. Siguro napaka talino ng batang ito.
Sa isang king size bed nakshiga si Enpinitte. Napangiti ako sa kulay pink na bed sheet. Nilapitan ko siya
"Mama..." bigla akong napahinto. Mukhang nananaginip siya. Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Bakit ba kasi iniwan si Enpinitte ng sarili niyang Ina?
Nang makalapit ako sa higaan niya ay sinalat ko ang noo niya. Mataas-taas parin ang lagnat niya. Binuhat ko siya. Gusto ko siyang patulugin ng mahimbing. Nakakatuwa dahil sobrang higpit ng yakap niya sakin.
"Huwag mo na po ako iiwan Mama ha?" Di nalang ako sumagot. I hold her in my arms. Pakiramdam ko talaga ay siya ang bumubuo sa buhay ko. Nang lullaby ako. Weird, pero parang bahagi siya ng aking pagkatao.
While I'm humming ay napatingin ako sa kaliwang braso niya. May mark na infinite iyon. Wait? Saan ko nga ba kasi nakita ang mark na iyon?
Pumasok si Cronux na may dalang cold compress. Inilapag ko ang bata habang pinagmamasdan. She looks like...Lelouch...noong kami pa kasi.ay madalas ko siyang tinititigan kapag natutulog. Pero ano ba itong iniisip ko? Bakit siya ang puro laman?
Napangiti nalang ako the way kung paano alagaan ni Cronux ang anak niya. Nakaksinis yung nanay ni Enpinitte swerte na nga siya kay Cronux pero nagawa pa niyang iwan pati ang bata. Nakita ko ang isang magandang painting. Nilapitan ko iyon dahil may kalakihan ang portrait.
"Si Enpinitte ba gumawa nito?" Tanong ko kay Cronux habang nasa painting parin ang tingin ko.
"Tinulungan ko siya." Sagot naman niya na kinamangha ko. So, parang pinakabonding nila ang mag-paint?
Nakakatuwa naman yung painting. Abstract na magaganda ang blend ng kulay.
Nabigla ako nang may yumakap mula sa likuran ko. Parang nanigas ang leeg ko.
"Alam mo ba ang meaning ng painting na 'yan." I will do anythimg to feel comfortable pero damn! Nakakapanghipnotismo siya.
"A-no nga bang meaning?" Hinigpitan niya ang yakap sakin.
"Make Love. Not war." Napalunok ako at muling tumingin sa painting. Tama nga siya parang nirerepresent ng pula at black ang sinasabi niya.
"Kit,mahal kita." Bulong niya sakin.Lalo akong hindi nakakilos.
Ano nga bang sasabihin ko? s**t! Na-trapped ako!
--
Kae's POV
"Kaehel...Kaehel...Kaehel..." Nak nang!
"Hoy Phol! Titigilan mo ba ang pagcha-chant mo diyan o palalayasin kita?" Napahinto naman siya. Kakairita eh!
"Hayaan mo nalang ako para mabulunan siya. Kaehel... Kaehel...Kaehel..."
"Ano ba! Sabihin mo, crush mo yung coffee girl no?!"
"Hep! No no no no!!! Oo maganda siya. Pero mas maganda ka."
"Ulol." Pinagpatuloy ko ang paglalaptop. May nireresearch kasi ako.
"Hala ayaw maniwala. Edi si Kaehel nalang ang maganda." Bigla kong nahampas ang keyboard.
"Tangina. Ang bagal oh!" Kung di lang ito bagong bili tinapon kona.
"Maniwala ako sayo Kae, kailan pa nag-buff ang internet mo? Selos ka no?" Puta? Ako? Magseselos?
"Manahimik ka nalang!" Nagtatalon naman siya sa tuwa. Hays. Lakas talaga ng tama oh.
"Phol, ano ba ang totoong apelido mo?" Tanong ko sa kanya para maiba ang usapan.
"Sino si Phol?" Napasabunot ako ng buhok. Konti nlang talaga at tatamaan na siya sakin.
"Ikaw tanga!" Inis kong sabi.
"Ah, ako ba...ah apelido ko?" He clear his troat. " Jiravechsoontornkul" napahinto ako sa pagtatype.
"Puta, parang umakyat lahat ng period ko sa ilong ko ah! Seryoso ba 'yan?" Natawa siya.
"Oo nga, kaya nga di ko ginagamit eh. Buburulin na ang nagsusulat di parin tumatama ang spelling." Dismayado niyang sabi.
"Well, goodluck sa mapapangasawa mo." Tangina. Amargo nalang ako.
"Edi Goodluck sayo." Pilyo siyang ngumiti.
"Asa ka. Amargo nalang ako kaysa Jiravechvjfsjfkhkgsb kung ano man 'yan." Lalo siyang natawa.
"Jiravechsoontornkul po." Inirapan ko siya.
"Katrina Adellane Erie Jimenez- Jiravechsoonturnkul. Oh, diba? Bagay na bagay?" Napakamot nalang ako mg ulo.
"Nasusuka ako...sa haba." Humalagapak lang siya ng tawa.
"Edi iklian nalang natin ang pangalan ng mga magiging anak natin." Sabi niya na kinagulat ko. Hinampas ko siya sa braso.
"Advance ng kamanyakan mo ah!"
"Ikaw lang naman nagiisip non eh! Ano bang masama sa anak?" s**t! Mababaliw nako.
"Ikuha mo nalang nga ako ng bi-nake mong cake!" Utos ko sa kanya.
"Di ko bi-nake yon. Binili ko sa Bookish café kay Kaehel." Tiningnan ko siya ng masama.
"Joke lang. Tinitingnan ko lang lung selos ka talaga." Sa inis ko ay kinuha ko ang pigurin sa tabi ko at iniamba sa kanya.
"Sabi ko nga. Kukuha na." Tumakbo siya sa kusina. Bwisit na lalaki.
Hayun. Sa wakas nakita kona ang private article about sa four great scientist na nag-creat ng Infinite Capsules.
INFINITE CAPSULES
A generated ampules with higher power by it's color. This is the most invented device for the Techno Era.
The creators:
Abilar Ormane- creator of Blue Infinite Capsule.
Pablo Amargo- creator of Black Infinite Capsule.
Santiano Mershelle- creator of Green and Purple Infinite Capsule.
Crisologo Lausigne- The brain and the inventor of Infinite Capsule.
Napahinto ako sa huling pangalan na nabasa ko. Lausigne?
Diba Lausigne si Cronux? Kaano-ano niya ito?
Naalala ko ang napanood namin sa microflask. Namatay si Crisologo dahil sa pamamaril ng mga armadong gumulo sa labotatoryo nung itinatanim samin ang mga IC.
Di ko namalayan na inilapag na ni Pholos ang cake ko.
"Phol, pwede bang tawagan mo si Dr.Mershelle?"
"Bakit naman? Kita mong init ng ulo sakin non."
"Sumunod ka nalang po kaya?" Nagkibit balikat siya at inilabas ang 3D screen na cellphone. Tinawagan niya ang Doktor.
Di parin umuuwi si Kit. Nasaan naman kaya yon? Mamaya ko nalng siya i-track. Pati Android Ex niya wala rin dito. Nag-date kaya sila? Palibhasa kasi kung nasaan kami nandoon din sila. Yung android kong si Pao nasa lab puro tulog ang ginagawa. Ireklamo ko kaya kay Metal Uneses ang mga invention niya may defects katulad niya.
"Papunta na daw siya." Sabi ni Andropholos.
Tumango lang ako at muling nag-analys. Ano kayang koneksiyon ni Cronux kay Crisologo?
--