Chapter 23

1867 Words
EXF 23- CONJOINED -- Kit's POV "Papa..."tila nakahinga ako ng maluwang nang marinig ko ang boses ni Enpinitte. Napabitiw sakin si Cronux saka pinuntahan ang anak. Gusto kong halikan ng paulit-ulit ang bata dahil niligtas niya ako sa isang sitwasyon na halos ikamatay ko. Jusko naman kasi! Tama ba naman doon magtapat at maglambing? "Cronux, lalabas muna ako ha?" napatingin siya sakin. Kaagad naman akong napayuko at lumabas. Malay ko ba bakit ngayon pa ako nakaramdam ng hiya at awkward. Gayong parati naman kaming naglalandian. Duh? Paano pala ako uuwi niyan? Yung cellphone ko nasa mansion. Kasi naman magwo-walkout ng walang dala kahit ano eh! Buti nalang sabi sakin ni Cronux may kwarto daw dito na may mga damit daw na pambabae. Hayun at pinuntahan ko nga. Bakit ba kay lalawak ng mga kwarto dito? Dalawa lang naman silang nakatira mag-ama. Nagtungo ako sa gahiganteng walk-in closet. Tinalo ang mga wardrobe ng mga sikat na fashion shows may human size mirror pa. nang buksan ko ay tumambad sa akin ang mga nagkikinangang damit na mga branded pa! Laking pagtataka ko. Sino ang gumagamit ng mga ito? Sandali? May binabahay ba dito si Cronux? Sabi na eh! Gagawin niya din akong kabit tulad ni Lelouch! Ang kakapal nila!!! Pero paano 'yon? bakit kailangan pang maghanap ng Mommy ni Enpinitte kung may binabahay naman pala si Cronux? WAIT! Naku poooo sana mali ang akala ko. Di kaya bakla si Cronux? At sinusuot niya ang mga ito tuwing kabilugan ng buwan? Pwede diba? Tapos ginagamit niya lang ako para pagtakpan ang totoo niyang pagkatao na ayaw niyang ilabas. Aha! Bigla kong sinampal ang sarili ko. Tanga lang Kit? Kung ganoon siya bakit niya pa itinuro sayo itong mga damit na ito? Para inggitin ka? Hays! Makapili nalang nga! Ano-ano pang iniisip eh! Kumuha ako ng isang dress. Kulay yellow lagpas tuhod ang haba. Pagkatapos kong maligo at makapagbihis ay nakasalubong ko si Cronux sa corridor. Naka-business attire na siya mukhang nagmamadali siya base sa kilos niya napahnti siya nang makita ako. "Kit, paalis kana ba?" tanong niya. "Balak ko na sama umuwi , bakit?" sagot ko. "May biglaang meeting kasi ako. Pwede bang wag ka muna umuwi?" he hold my right hand. "Wala kasing magbabantay kay Enpinitte, mamaya pa darating yung Tita niya eh." I smiled at unti-unti kong inalis ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. nakakaramdam na naman kasi ako ng awkwardness eh. "Sure, why not." He smiled. At bigla akong hinalikan sa pisngi na kinagulat ko. "Thank you very much." Sabi niya saka para tila bulang nawala. Mga ilang Segundo bago ako nakakilos. PUTCHA! Hinalikan niya ako sa pisngi! Waaaaahhhhh gusto kong magtambling! KINIKILIG AKO! Masaya akong nagtungo sa kwarto ni Enpinitte. Sige Kit. Baby sitting ka muna sa future junakis mo. -- Kae's POV "Ano Phol? Wala parin si Dr. Mershelle?" "Kae naman, Kinnick nalang itawag mo sakin! At mukha ba akong google map at info center?" ay? pilosopo na ang gagong ito? "Sa gusto kong Phol eh, paki mo ba? At subukan mo akong pilosopohin. Pupunitin ko resume mo." Nagulat siya sa sinabi ko. Lintik na lalaki balak-balakan na mag-apply sa coffee shop nung Kaehel. Kesyo daw hindi dinudugo ang ilong kapag iyon ang nakikita. Kamanyakan ang pinaiiral ng ugok eh, sarap tadyakan hangang kabilang galaxy. "Ang harsh mo po Ate." Nag-pout siya. Ayyyyyy! "Putangina. Ate? Anong kagaguhan 'yang tawag mo sakin?" jusko po! Walang araw na hindi ka babadtripin nito eh. "Edi Asawa nalang ang tawag ko sayo kung ayaw mo ng Ate." Napadukdok na ako sa keyboard ng laptop ko. Wag kayong magtaka kung mamamaya may pulis na dito sa mansion. Dahil mapapatay ko talaga sa kunsumi ang taong ito! "Pwede bang kunwari di nalang kita kilala?" sabi ko. "Okay lang, kunwari lang pala eh. Hello, Miss Di ko kilala." Kinuha ko ang resume niya. "Tangina! Mag-apply kana nga! Baka ma-" sabay kaming napalingon sapagkat tumunog na ang isa sa mga system. Ibig sabihin ay may pumasok na bisita. "Sorry I'm late Hija." Bungad ni Dr. Mershelle. Kagad akong tumayo upang magmano sa kanya. Umalis na si Kinnick. Iba na naman kasi ang titig sa kanya ni Dr. Mershelle. "Nasaan si Kit?" nagkibit balikat ako. Sawa na akong magpaliwanag eh. Sabay kaming naupo. Inilabas ko ang microflask. Gayon na lamang ang gulat na nagunita ko sa mukha ni Dr. Mershelle. "You knew everything?" "Yes. And will you please explain all these." Tumikhim muna siya bago kinuha ang microflask at ipasok iyon sa slot. Magkastart ng program ay mabibilis ang mga nakikita kong code na pinipindot niya. at hanep. Halos sabay-sabay ang mga daliri niya na tumitipa habang nakatingin sa monitor. Infairness hindi pa pala ganoon kalabo ang mata niya matanda na si Dr. Mershelle palibhasa ay pinakabata kila Lolo at hindi na naglove-life at inalaynalang ang sarili sa career. Special code for the deities: 00000567432 Infinite capsule activation and formulation 81122241815 ILU WKB GHLWLHV: -------------------------.....-....--.......-...--..--- 1812118181318722 242611861522 DCWLYDWFRQ .--.-.. IRUPXODWLRK Alang hiya! Ano bang code iyan bakit ang haba? Nagpatuloy lang siya sa type. At nang huminto siya ay isang video clip ang lumabas in high definition. Bwisit! Video lang pala bakit napakadami pang code! ** Scene on the video "I love you Mommy, I love you Daddy!" masasayang tinig ang nadinig ko mula sa dalawang bata. Nang itapat ni Mommy ang video camera ay doon ko napagtanto na kami ni Kit ang dalawang bata. Pero ang lubos na nakapagtataka ay kung bakit tila hindi kami nanghihiwalay. "Pauwi na po ba si Daddy ha, Mommy?" tanong ng batang ako kay Mom. Lumapit samin si Mom habang hawak parin ang camera. "Yes, mga anak. Pauwi na si Daddy at masisimulan na natin ang picnick natin dito sa garden." Masayang humagikgik kami ni Kit. Mula sa di kalayuan ay hindi namamalayan ng tatlo na parating na si Daddy na bigla silang ginulat. Halos mapaurong ang lalamunan ko naang tumayo sina Kit at Kae na nasa video. Magkadikit nga sila... Kahit medyo naluluha na ako ay pinagpatuloy ko ang panonood. Isa pala kaming masaya at buong pamilya noon. Binawi sa amin ni Kit ang mga ala-ala na iyon. Pero sabi nga, hindi sa lahat ng oras ay puro saya. Napunta ang video nang dumating si Lolo. Madali kaming kinuha ni Mommy at ipinasok sa loob ng mansion. Nagusap si Lolo at Daddy. Pero di yata pabor si Daddy sa gustong mangyari ni Lolo. Kaya, napilitan si Lolo na tawagin ang mga tauhan upang ipakuha si Mommy at kami ni Kit sa loob ng masion. Na-cut ang video nang ipasok na kami sa loob ng sasakyan. ** Napatingin ako kay Dr. Mershelle. "Bakit kailangan niya kaming paghiwalayin ni Kit?" seryosong tanong ko sa kanya. Sana naman ay hindi na puro kasinungalingan ang marinig ko mula sa kanya. "Simply because the IC didn't formulate the two person at pareho kayong mawawala ni Kit kung di namin kayo napaghiwalay. During the operation kayong dalawa ang mas tinutukan kahit hindi kayo ay carrier ng pinakamalakas na IC." "Bakit kailangan mawala nila Mommy at Daddy? Bakit kailangan may idamay pa kayong ibang bata bukod samin ni Kit?" i said I high tone. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na mag-outburst. "Patungkol sa mga magulang niyo hindi mangyayari iyon kung hindi nila kayo itinakas before the surgery. At tungkol sa dalawa pang bata na carrier na kasama niyo doon..." napahinto siya. "What? Ganoon nalang iyon? Dr. Mershelle hindi normal ang mga buhay namin! For pete sake! Pare-pareho kaming sumpa!" napailing lang si Dr. Mershelle. "Hindi mo pa nalalaman ang lahat Kae, just explore the ability of your IC." Tila lalong nag-init ang ulo ko. "What the f*****g s**t are you saying? Exploring the curse inside my spinal? Are you kidding me?" tangina lang magkawalaan na ng respeto! "Accept the fact that you and Kit are the carriers." Naikuyom ko ang kamao ko. "I don't ever the fact that you're the one who ruined and destroyed our lives." Tinalikuran ko siya at patakbong umakyat sa itaas. Bakit ba kasi nayon pa umalis si Kinnick?gusto ko ng kayakap eh! Habang binabagtas ko ang pasilyo ng ikaapat na palapag ay bigla akong napahinto. Mula sa nanlalabo kong mga mata dahil sa luha ay naaaninagan ko ang isang nakatindig na lalaki. Nasa tapat siya ng malaking bintana. Lalo akong napahikbi nang makilala ko siya. Parang wala akong lakas a magalit ngayon sa kanya. Patakbo ko siyang tinungo at walang ano-ano ay niyakap. Mahigpit din niya akong niyakap. Sa loob ng limang taon ay ang yakap niyang ito ang hinanap ko. Sanay wag na niya akog bitawan. Dito nalang siya. Wag na niya ako iiwan. Dahil baka hindi ko na kakayanin. Paolo...dito kalang... __ Kit's POV "Are you sure that you're okay now Baby?" tanong ko kay Enpinitte habang nasa living room kami at ina-arrange ko ang mga art materials niya. tapos kona rin siyang pakainin kanina ng lunch nangmagising siya at ngayon ay nag-request siya na gusto niyang mag-drawing kami. Aba syempre bilang nanny niya ngayon ay pagbibigyan ko ang future junakis ko. Nagpuppy-eyes siya saka tumango. Hinaplos ko ang buhok niya. nakakapagtaka talaga bakit kahit sang hilatsa niya ay parang di siya kamuha ni Cronux. Puro si Lelouch ang naaalala ko eh. "Miss Kit, if okay, I'll call you my Mommy already? Cause I know you and Daddy is getting married someday." Napanganga ako sa sinabi niya. lokong Cronux iyon ah, kung ano-anonng sinasabi sa bata hays. "Ofcourse Baby, you're allow to call me what ever you want, and about your Daddy and I..." I suddenly stopped when someones enter inside. "Tita!!!" nakatalikod ako kaya hindi ko pa nakikita kung sino ang dumating. Tumayo si Enpinitte at tumakbo patungo sa pinto. Pagkalingon ko ay gayon narinang gulat ko. What the hell? "WHAT ARE YOU DOING HER?!" sabay naming sambit. Nanliliyab ang mga mata niyang nakatingin sakin. Samantalang ako ay naestatwa na sa kinatatayuan ko. Paano nangyari... "Tita, Andromeda do you know Miss Kit?" painosenteng tanong ni Enpinitte habang buhat ni Andromeda. "Yes, baby I know her ." tumingin siya sakin at plastik na ngumiti. Bumaba si Enpinitte nila sa kanya. "Baby, will you go upstairs? Miss Kit and I have something to talk privately. I'll follow you later." Tumango ang bata. Bago ito umakyat ay hinalikan muna ito sa noo ni Andromeda. Hindi parin ako makapaniwala sa mga nakikita ko. Pagkaakyat ng bata ay saka niya ako hinarap. "Nice dress...even that is mine. And you always stole what are mine."matigas na wika niya na nagpaatras sakin. Aba malay ko bang sa kanya ito? Mamaya pagkauwi ko ay susunugin ko. "Wait. I don't hurt you, edi nalintikan ako kay Cronux. Now, tell me what are you doing here?" naupo siya sa couch at nag-cross legs. "Pinabantayan muna sakin ni Cronux si Enpinitte hanggat di ka pa daw dumadating." Errr pasalamat talaga siya at nandito ako sa teritoryo niya. "So, now I am her. You may go now and get out of my sight. Naiirita ako sayo!" she said in bitchy way. Dali-dali akong nagtungo sa pinto pero saglit akong napahinto. "Pwede ba akong magpaalam muna kay Enpinitte?" "What for? Umalis kana." lumabas na ako. Bwisit na babaeng iyon. Sana di siya pagmanahan ng ugali ni Enpinitte. Parang may samasagasib naman sa damdamin ko while I stared at Enpinitte room. Sumakay ako sa kotse ko. Papadilim narin pala. Handa na ba akong umuwi? Napatingin ako sa susing nakasabit sa rearview mirror. Iyon ang supplicate key ni Lelouch sa condo niya. mahigit limang taon kona rin palang hindi napupuntahan iyon simula nung maghiway kami. Hmn? Doon muna kaya ako magpalipas? --
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD