EXF 30- NEW KIT
Kae's POV
"Andropholos..." tawag ko sa kanya kahit na nakapikit ako.
"Andropholos..." ulit na tawag ko na kinatulo nang luha ko. Masakit pala talaga kapag umiyak ka ng nakapikit. Humihikbi ako. Ayokong magmulat. Gusto ko kasi na may makita kahit isang tao sa buhay ko na nasa tabi ko kapag nagmulat ako.
Napakatanga ko. Bakit hindi ko agad nalaman na siya iyon. Bakit hindi ko siya agad natandaan? Siya pala iyon, ang nagligtas sa buhay ko limang taon na ang nakakalipas. He always there to protect me. Naramdaman ko na may tumabi sa akin. Hinaplos niya ang buhok ko.
"Shhh..." pagpapatahan niya sakin. Lalo akong humikbi at unti-unting nagmulat ng mga mata ko. Nakita ko ang nakangiting si Andropholos, kahit na parang may mga galos siya ay ang gwapo niya parin at kumikinang ang kulay abo niyang mga mata.
"Bakit ka umiiyak? Wag kana umiyak please, nandito na ako." Pinigilan ko an paghikbi. Bakit ba ganito siya kabait?
I think he deserves my hug all the way. I giving her a tight no, a super tight hug.
"Andropholos, thank you...thank you very much." He just hugged me too.
"Naaalala na kita, ikaw 'yon diba?" tanong ko sa kanya nang kumalas ako. Nakatitig lang siya sakin. Please sabihin mo ikaw iyon.
"Yup, I am that guy." Lalo akong napaluha. Bakit, bakit ngayon ko lang nalaman? At bakit ba ko naniwala noon na namatay ang lalaking iyon sa bar. I touched his face.
"Sabi kasi nila namatay ka." Napapikit lang siya habang dinadama ang paghawak ko sa muka niya. hinawakan niya ang kamay ko upang manatili lang iyon sa mukha niya.
"Yes, I die-to love you." I smiled, hah, what a pathetic Am I? bakit ba hindi ko kayang suklian?
"I don't understand."
"No need to know, the impotant is I am here for you again." Muli ko siyang niyakap I can't control the bursting of my emotions.
I looked at him.
He looked at me.
"And I'm willing to die for you again." He said. I touched face again and mesmerize every part of it.
"Huwag...hindi ko kayang mawala ka." I said and he smiled.
Sabay kaming nagulantang sa isang pagsabog.
"Ano 'yon?" tanong ko. Sabay kaming napatayo.
Lumabas kami upang alamin kung ano ang nangyari.
"Sa lab 'yung pagsabog." Sabi ni Andropholos. Sumunod naman ako sa kanya.
Pagkabukas ng lab ay gayon na lamang ang gulat ko.
"NO!!!" sigaw ko na kinatakip ng taenga ni Kinnick.
Si Paolo the android! Nagkapira-piraso na!
Hinawi ko ang usok na dala ng pagsabog. Kinuha ko ang ilang parte niya na nagkahiwa-hiwalay. Ano bang nangyari? Bakit siya sumabog?
I'll try to fixed my android. Wala. Wala na talaga.
Bakit? Bakit ba nila ako iniiwan lahat?
I cried outloud.
Yung android ex ko. Wala na.
--
Kaehel's POV
I'm really here. Wala ng atrasan ito.
Massachusetts
Tahimik kong binabagtas ang kaharian kung saan ako kabilang noon? Well, I wearing a aristocrats gown and rechood para naman hindi magulantang ang mga mamamayan dito at baka makilala pa ako.
Thirty years akong nawala. Ngayon lang ako nagkalakas ng loob na mag-telefort dito. I really miss him.
Androcellus
Alam ko na malaki narin ang pinagkaiba ng itsura niya. Mas matanda na siyang tinggnan kumpara noon. Ako kasi ay isang GCH na sinaksakan ng immortal venom at may mga alagang firynii. Sinira lang naman ng DGQ ang buhay ko. That day was...like hell.
I tried everything para makatakas ako noon pero hindi ko nagawa. Iniisip sana ay namatay nalang ako kaysa naranasan ang lahat ng iyon. Tapos mas nakakaalarma ngayon dahil gising na ang mga project C. hinihiling ko na hindi na nila ako ma-trace.
Naku naman oh, ang haba pala ng daan papasok ng kaharian. Kaya, mag-telefort nalang ako. Kainis!
Heto nga at nasa loob na ako. Then, suddenly I saw him. Nakatalikod habang nakatingin sa isang malaking portrait. Isang batang lalaki ang nandoon. Napatingin naman ako sa isang portrait nakung saan katabi niya ang batang lalaki na kamukhang-kamukha niya. at ang pangatlong portrait na nagpadurog ng puso ko. Tatlo kasi silang nandoon. Si Androcellus yung batang lalaki at isang magandang babae. asawa at anak niya siguro.
Hindi parin niya ramdam na nasa likuran niya ako ilang metro ang layo sa kanya. Halata nga na napakatagal kong nawala sa piling niya. Nagkaroon na siya ng asawa at anak.
Siguro nga wala ng dahilan upang magkita kami muli. Matagal na siguro niya akong nalimutan at matagal narin siguro akong patay sa puso niya. tumalikod ako.
"Umaasa parin ako na makikita kita, anak ko..." napahinto ako at napalingon sa kanya. Sa pagkakataong iyon ay nakita ko na umiiyak pala siya.
Pinagmasdan ko lang ang portrait ng anak niya prinsepe.
Paano nawala ang anak niya?
"Androcellus..."
Dahan-dahan siyang lumingon. Halos mapaupo siya ng makita ako. Tuluyan kong hinawi ang hood ko.
"Galathea..." I just smiled at him. Finally I hear his voice calling my name again. Napakakisig parin niya kahit may katandaan na.
--
Kit's POV
Nasasaktan ako.
Tama pa bang palawakin ko pa ang galit ko kay Kae?
Kumirot ang ulo ko. Hayan na naman ang boses na iyon. Ano ba kasi iyon? Napatingin ako sa metal rose at kinuha iyon. Hindi ko na kayang ipaliwanag ang mga nangyayari sakin.
' magalit ka, mamunhi ka, nawala ang anak mo nang dahil sa kanya. Kasalanan niya iyon. Kasalanan niya, itinago niya sayo ang katotohanan wala siyang kwentang kakambal, iiwan ka din niya pagdating ng araw. Magiging masaya siya samantalang ikaw miserable!'
Umiiling-iling ako pero hindi ko talaga mapigilan.
'Magalit ka! Mamunhi ka!'
Tangina oo na! galit ako. Galit na galit ako! Kasalanan niya ang lahat hindi siya dapat patawarin dahil hindi niya iningatan ang anak ko. Malamang marami pa siyang mga tinatago at hindi sinasabi sakin. Makasarili siya! Makasarili si Kae. Hindi siya dapat pinapatawad!
Nakaharap ako sa salamin. Nakikita ko ang pagbabago lalo na sa buhok ko. Humanda sakin si Kae. Ipararanas ko sa kanya ang sakit na nararamdan ko. Ang lungkot at hinagpis ko! Mararanasan niya ang lahat lahat!
--
Kae's POV
Pinagmamasdan ko ang box kung saan nakalagay si Paolo the android. Parang kailang lang nung dumating siya samin ay buo pa siya. Tapos yung pangto-torture niya kay Andropholos, paglilinis niya sa lab ko. At ang pagpapagaan sa loob ko. Lahat iyon ay hindi ko na mararanasan mula sa kanya dahil wala na siya...
Nabasa ko kanina ang huling parte ng label niya sa kung saan nakasulat na nag-eexplode lang isang android ex kapag sinabi mo na nakapag-move on kana.
Pero bakit ako? Hindi pa naman ako nakakapag-move on ah? NASAAN and hustisya!
Ni hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kanya. Sa laat-lahat. Akala ba niya nakapag-move on na ako? Hindi pa no! ni hindi ko nga kayang palitan si Paolo sa puso ko. Tapos ganito? Paano na talaga ako makaka MOVE ON! Punyeta naman eh! Kapag naman nagpapakita sakin ang Paolo na iyon parang nalilimutan ko ang ginawa niyang pag-iwan sakin pero tangina iniwan na naman niya ako! Wala siyang ginawa kundi iwanan ako ng iwanan kahit saan! Letche siya! Gugulpihin ko siya kapag nagpakita siya sakin. Hindi ko na hahayaan na patayin uli ako...sa kilig at halik! Putangina lang!
"Kae, hindi mabubuhay 'yan kung iiyakan mo lang." sabi ni Andropholos. Namen eh! Na momoment pa eh, masama ba 'yon?
"Ilang buwan ko rin siyang kasama, halos kasabay mo." Lumapit ako sa kanya. Niyakap ko siya, bakit ba? I need hug right now.
"Mamimiss ko ang bangayan ninyo na lagi kang talo." He just smirked.
"Daya eh, hindi kaya siya tao."
"Hayop lang?"
"Yung totoong Paolo ang ganoon."
Kinurot ko siya sa taguliran.
"Tigilan mo ngang i-mention ang lalaking iyon!" naiinis kong sabi sa kanya.
"Wow, parang walang mga pinagsamahan ah." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Ibig mong sabihin diyan?" tanong ko sa kanya. Napailing nalang siya.
"Bakit? Nag eat-and-run lang ba siya?" sandali loading ako oh!
"Tigilan mo ako sa mga logic mo Andropholos!" hinampas ko siya sa balikat. Tumunog ang watchphone niya.
"Hello? Kaehel? Bakit?" napalayo ako sa kanya. Napabugtong hininga nalang ako.
"Sige, hintayin mo ako." Pagkatapos ng tawag ay nagpaalam siya sakin.
"Kae, puntahan ko lang si Kaehel urgent eh." Ngumiti ako ng pilit.
"Sure," dali-dali siyang umalis halos magkandadapa pa siya sa pagmamadali.
Dapat ba akong makaramdam ng paghihinayang? Pero anong karapatan ko? Walang-wala. Everything has change na nga siguro. Kung dati alam mong sayo lang umiikot ang mundo niya pwes ngayon hindi na. dahil bukod sa napagod na siya ay mayroon ng ibang umiikot sa mundo niya. Sana nga maging masaya na siya bagong tao na alam kong magmamahal sa kanya.
Napakaswerte ni Kaehel sa kanya sana mahalin niya rin si Kinnick. Hay Kae, nakapagmove on na ang mga tao sa paligid mo ikaw miserable parin sa isang tao na hawak ang susi ng puso mo.
Paakyat ako nang makasalubong ko si Kit.
WHAT THE HELLOGRIPHICS!
She's wearing a black lipstick, black dress. She stares at me then he grinned.
Pakiramdam ko ay umiba ang ihip ng hangin. Mga ilang Segundo kaming nagtititigan.
Tuluyan siyang bumaba. Sandali nga, si Kit ba talaga ang nakikita ko? Sinundan ko siya.
"Kit san-" hindi ko siya mahawakan dahil sa kumislap sa kanya. Nilingon nya ako.
"Anong karapatan mong kausapin ako?" tinulak niya ako.
"Pwede ba, wag mo akong hahawakan!" mabuti nalang at napakapit ako sa hawakan ng hagdan.
"Nabalitaan kop ala ang nagyari sa android ex mo, kawawa ka naman at pati siya sinukuan ka dahil napaka selfish mo!" napakagat labi ako. Puta, Kae nasaan ang tapang bakit ayaw lumabas ngayon?
"Lahat ng tao iiwan ka dahil masama ang ugali mo! Makasarili ka! Wala kang kwen-" tangina hindi kona napigilan. Sinampal ko siya ng pagkalakas-lakas.
"Sobra kana ha! Pinagbibigyan kita dahil, naiintindihan ko ang sitwasyon mo, oo! Ako na, ako na ang may kasalanan ng lahat! Ako na ang dahilan kung bakit nawala ang anak mo dahil pabaya ako at hindi ko siya iningatan. Ako na ang tanga! Ako na ang walang kwenta ako na ang lahat!" sigaw ko sa kanya. Kailan ba matatapos ito? Nang hindi huminto ang pagtulo ng luha ko ay tinalikuran ko siya.
"Pero hindi dahilan ang lahat ng iyon para magbago ka ng ganyan sakin. Hindi lang ikaw ang nasasaktan Kit, hindi lang ikaw ang naghihirap at naghihinagpis hindi lang ikaw ang may pinagdaraanan. Sana, Kit bumalik kana, pero kung hindi man ikaw iyan, pwes ibalik mo ang kakambal ko." Tuluyan na akong umakyat. Walang mangyayari kung pakikipagsagupaan ako ng galit sa kanya.
--
A/N: Hayan, bestmode narin si Kae. Salamat. Maraming salamat sa mga walang sawa na sumusoporta kahit sa mga silent reader diyan. Sana mahipan kayo ng hangin nang mag-vote kayo. Hahahaha. Okay, coming right up is Cronux life story, baka mahaba dahil ma-drama ang buhay ng isang ito. At dito niyo malalaman ang kasaysayan ng sangkatauhan hahahah jk. Syempre ang pinagmulan ng DGQ at mga Project GHC na iyan.
--