Chapter 29

1686 Words
EXF 29-PURPLE IC CARRIER -- Paolo's POV "Metal Uneses." Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ko ang boses ni Seldo. Halos kalalapag ko palang sa SQ. "Putcha! Seldo, aatakihin ako sayo!" impit siyang natawa sarap kutusan kung minsan. "Mukha ngang aatikihin ka, saan ka galing parang pagod ka?" hindi rin siya usisero no? pero kahit na ganoon pa man ay hindi ko parin napigilan mapangiti. "Wala kana dun, good mood ako wag mong sirain." Kumunot ang noo niya. hindi yata naintindihan ang logic ko. Hahaha bahala siya. "Ang mabuti pa, magtungo na tayo sa base." Hayan na naman ang base na iyan! Pagkapasok namin sa loob ay sabay may pinasok din sina Miss Casa. Isang bihag mula sa DGQ. Isang babae na GCH na pilit kumakawala sa kanila maraming mga shield na nakalagay sa katawan ng babae upang hindi siguro dapuan ng mga Firynii ang mga humahawak dito. "Sino siya?" diin kong tanong. "She is Project Caela. Rejected GCH siya at hindi niya kayang kontrolin ang mga firynii niya that's why she is under our experiment." "So, you mean binuhay na nila ang mga project C?" I firm my knuckle. "Anak ng-!" hindi ako makapaniwala na itutuloy nila ang isa sa mga di dapat plano ng mga taga DGQ. Kapag pinagpatuloy nilang buhayin ang mga Project C ay malalagay sa panganib ang mga mamamayan ng Earth. Wag na magtaka kung bakit ko alam ang mga ito. Akala ko ay nagbibiro si Cronux sa huling paguusap namin. He's crazy as fang! Project Caela, Clarity, Calix. Sila ang mga delikadong Genetical Code Humans. Rejected man sila kaso ay mas malalakas sila kaysa sa Project K witch mean sina Kaehel, Kitara, at Kinnick. Paano pa kaya kung mabuhay narin ang mga kakayahan ng mga GCH na ito? Kailangan namin ito magawan ng paraan sa lalo't madaling panahon. Nilapitan ko ang project Caela nanlilisik lang siyang nakatitig sa amin. "Sayang ang gandang babae." bulong sakin ni Seldo. "Sige, ikaw na ang sumuri sa kanya samahan mo si Casa." Utos ko sa kanya na agad niyang sinunod. Naku po, basta magagandang nilalang game na game ang loko. Palibhasa walng lovelife. Puro pagaarala ng inatupag. Habang hawak si Caela ng mga tauhan ko ay napatingin siya sa gawi ko at napangiti. Sa isang iglap ay huminto ang oras. Hindi gumalaw ang mga tauhan ko pwede sakin. Parang tali lang na tinanggal ang mga nakapalibot sa kanya habang papalapit sa akin. "Masyadong maiinit ang mga tauhan mo. Parang may pinadadala lang naman na mensahe ang pinuno ko." Pinagpag niya ang sarili. Nawala ang ultimo galos niya kanina. Ganyan silang mga klaseng nilalang. "But, infairness gwapo si Seldo mong tauhan I ask him a dated next time." I took her seriously nagagawa pa niyang magbiro ah. "Anong mensahe ng pinuno mo. Baka maubos nag pasensya ko sayo at makalimutan kong babae ka." Tumawa lang siya ng mahina sabay may kinuha sa bulsa at ibinato sa akin. Kaagad kong sinalo iyon. "Humanda kayo sa galit ng pinuno." Pahabol na sabi niya bago maglaho. Saka nanumbalik sa normal ang lahat. "Nasaan nay un? Anong nangyari?" halos tanong nila Seldo. Hindi kona lamang sila pinansin at napatingin ako sa hawak kong microchip. Ano na naman kayaang pakulo ng Cronux na iyon? -- Kae's POV Ang init...bakit parang umaapoy ang buong paligid? May mga taong nagtatakbuhan. Takot na takot ako di ko alam kung saan pupunta habang hinahabol ng apoy. Kasabay non ay may isang lalaking papalapit sakin bago pa may sumabog ay niyakap niya ako upang protektahan sa apoy na papalapit sa akin. Pabaling-baling ako sa higaan. Bakit ba ang init? Ano ba nananaginip parin ba ako? Huminga ako ng malilim pakiramdam ko kasi ay hinuhugot ang hininga ko. Magkamulat ko ay ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko biglaang nagising ang diwa ko. Nasusunog ang kwarto kung nasaan ako! Paksyet! Inikot ko ang paningin ko at nakita ko ang isang roba at agad na sinuot iyon tangina wala akong suot ni isang saplot eh. Kaagad akong tumakbo patungo sa pinto halos mapaso ako sa init ng seradura pero naka-lock iyon. "Tulong!!! Tulong!!! Nasusunog ang kwarto!" malakas kong sigaw. Napatingin ako sa apoy. Bakit parang may buhay iyon? Nagiging kulay blue tapos magiging pula. Pinagpatuloy ang pagsigaw. "Kit! Andropholos! Tulong!!!" nauubo na ako sa usok na nalalanghap ko. Unti-unti akong naghihina at umiikot ang paningin. Katapusan kona ba? Parang nanumbalik ang lakas ko nang bumukas ang pinto at iniluwa non si Kinnick. May isang sitwasyon ang bumalik sa isipan ko. Siya nga ba iyon? Yung lalaki sa bar na nagligtas sakin before? Naramdaman ko ang mga bisig niya na animo ay handa akong protektahan anomang oras. Doon na ako nawalan ng malay. -- Andropholos POV Nang makuha ko si Kae ay kaagad namang namatay ang apoy. Kasabay non ang paglabas ng isang lalaki na kaagad ding naglaho. Humanda siya sakin mamaya. Nilabas ko si Kae at dinala sa sala. Kaagad ko siyang nilagyan ng oxygen. Buti nalang at may mga ganitog materyales sa laboratory niya. nakahinga naman ako ng maluwag dahl naging normal ang heartbeat niya. hindi sila nakakatuwa. Kailangan nilang pagbayaran ito. Pupuntahan ko sila sa mansion ni Cronux! Gunamit ko si Air upang mabilis na makapunta doon. Wala akong pinansin sa mga security system na natatamaan ko. Puta, beast mode ako. Tangina lang! taong mahal ko iyon mga gago sila! Pagkabukas ko ng bulwagan ng mansion ay kompleto silang nandoon si Enpi ay tulog sa mga bisig ni Cronux. "PUTANGINA MO CALIX!!!" sabay-sabay silang napatingin sakin. Kaagad kong kinuha ang isang espada na nandoon. Mapapatay ko talaga ang hayop na'to! Nagsihawian sila upang makapag-dwelo kami ni Calix. Gumawa siya ng espada niya sa pamamagitan ng apoy.siyempre suko ang Lolo niyo apoy at metal tangina ang init ah. "Magaling, si Calix lang pala ang makakapagpabalik sayo dito." Narinig kong sabi ni Ate. Tiningnan ko siya ng masama. "Hindi kayo nakakatuwang lahat!" sigaw ko sa kanila. Sinulyapan lang ako ni Cronux. "Hinaan mo boses mo. Kapag ang anak ko ay nagising tatapusin kita." Banta niya sakin. "Akala mo ba natatakot ako sa'yo?" buong tapang kong sabi sa kanya. Ngumisi lamang siya. Kasabay ng paglabas ni Caela. Nyeta pati pala ito nabuhay na. tuwang-tuwa itong dinaluhan ng yakap ni Clarity. "Bumalik na si Ate yehey!" tuwang-tuwa ito. Palibhasa bunso sa Project C. "Mamaya mo na lambingin ang ang Ate mo Clarity." Nagbigay pugay muna si Caela. "Nakarating na sa SQ ang iyong mensahe." Napailing na lamang ako. Aminado naman ako na mas malalakas ang mga Project C kaysa sa aming mga Project K. bakit pa kasi sila binuhay? "Mabuti kung ganoon. Kumpleto tayo ngayon para pagusapn ang ating plano sa nalalapit na lost date." Napahinto si Cronux dahil naalimpungatan si Enpinitte nang makita kaming lahat ay biglang umiyak. Kaagad naman itong pinakalma ni Clarity at muli nga itong nahimbing. Pero ang lubos na kinabigla ko ay nung mapatingin ako sa sa likuran ni Cronux at may lumabas doon na babae. tahasan ang kulay ko. Hindi...hindi ito maaari... "Kit!" lalapitan kona sana siya pero pinigilan ako nila Calix. "No, it's should be...Trinity..." nakangising sabi ni Cronux. paano na? -- Dr. Santiano Mershelle's POV I am here at my own room. Halos gulo-gulo na ang buong paligid dahil sa kakahanap ko sa isang libro. Kailangan kong mahanap iyon kundi mahuhuli na ang lahat. Isa iyong libro ng mga pormulasyon ni Crisologo patungkol sa Infnite Capsules at mga Genetical Code Humans. Aware ako na lumalabas na ang mga project C at nanganganib ang buhay ng purple IC carrier na siyang si Kit. Kailangan kong matupad ang pangako ko kay Abilar na siyang Lolo nila. Kailangan kong ingatan ang kambal. Ako na lamang ang natitira sa aming apat. Kaya kailangan sa akin manggaling an solusyon. May nakita akong isang video tape na may nakasulat na 'Kamika's docs' na kaagad na kinakunot ng noo ko. Paano ito napunta dito? Sa pagkakaalam ko ay iniingatn ng anak ni Abilar ang mga ganitong gamit. Pero susubukan ko dito baka may ilang clue sa tape na ito. Kaagad kong isinalang iyon. *Video scene* Nakikita sa video nakinukunan ni Kamika ang iniexperiment ni Dr. Crisologo. Kamika was a college student back then naka school uniform pa ito. "I love purple color what is that?" nginitian laman ito ni Crsologo. "It's a confidential experiment for the future used." Ngumiti lamang si Kamika. Itinutok nito ang camera sa giangawang experiment. "It's like atoms. May chemical chemical reactions ba iyan? And oh, apat pala ang kulay?" nagpatuloy lang sa paglalagay ng mga chemical substances di Crisologo. "Nasusulat mo ba ang lahat ng nakikita mong ginagawa ko Kamika?" "Yes Tito," sagot ni Kamika. "Very good. Keep that para kung mabigo man ang experiment na ito ay may pagkukunan parin ako." Ngumiti lang si Kamika. "As you wish Tito." Nagpatuloy ito sa pagsusulat. Biglang nalipat ang video kung saan nagmamakaawa si Kamika na wag kuhanin ang kambal. "No! no! hindi ako papayag na si Kit ang lalagyan niyo ng purple IC bakit kaialngan niyo itong gawin sa mga anak ko?" nagmamakaawang pakiusap ni Kamika sa Ama at kay Crislogo. "Just tell us where is the book?" biglang natahimik si Kamika. "Hindi ko sasabihin sa inyo kung nasaan ang libro! Hindi kona kayohahayaan sa mga masasama niyong balak! Ibalik niyo ang mga anak ko!" "Misama? Bakit hindi kaba naging masama nang patayin mo ang anak ko? Ito nalang ang kabayaran!" pilit na nagpumiglas si Kamika. "Hindi ko pinatay ang anak mo! Siya ang pumatay sa sarili niya! kaya utang na loob ibalik niyo ang mga Anak ko. Papa! Ano ba!" pero pilit parin siyang pinigilan ng dalawa. Sinara ng mga ang pinto ng laboratory. *End of Video* Biglang pumasok sa isipan ko ang isang idea. Hindi kaya nasa mansion lang ang libro? O di kaya ay....napailing na lamang ako sa naisip ko. -- Cronux POV "Daddy! Daddy! Did you saw my doodle book?" kaagad kong binuhat ang aking munting prinsesa. "What is that Baby? The book with four colors?" kaagad na tumango ang anak ko. Sa pagkakaalam ko ay nasama ang libro na iyon nung sanggol pa lamang siya nang kuhanin ko siya. Tinawag ko si Clarity. "Yes? Ano 'yon?" kaagad niyang sagot. "Nakita mo ba ang doodle book ni Enpi?" napaisip siya. Nagsisimula namang humikbi si Enpi. "Kapag itong si Enpi umiyak-"kaagad siyang sumagot. "Nakita ko na! nasa ilalim ng kama!" kaagad niyang tinungo ang ilalim ng kama ni Enpi at nakita nga doon ang libro. Tuwang-tuwa naman bumaba sakin ang anak ko at kinuha ang libro kay Clarity. Nagtungo siya sa mini table niya at binuklat ang libro. Na-curious akong tinggna ang loob non kaya tinabihan ko si Enpi habang kinukulayan niya ang mga naka-drawing doon pero paramihan naman ay puro printed letters. Nanngunot ang noo ko pagkabasa ko sa isang pahina. 'The Formulation of Purple IC' by Kamika Arameia Ormane. --
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD