BBC Chapter 45

1471 Words

"Ineng, 'san ka punta---?" Biglang may nagsalita sa likod. Paglingon ko ay may nakita akong matandang lalaki na nagliliwanag ang katawan. "Aaaaaaaaaaaaahh..!!!" "S-san-tilmo!!!" Napasigaw kaagad ako sa takot. Walang lingon likod ay kaagad akong tumakbo--- "Ay--aray ko po!" Kung minamalas ka nga naman. Sawi na nga ako sa pag-ibig, tapos ngayon hinahabol pa ako ng mga kakaibang nilalang. Nakakatatlong hakbang pa lang ako ng mapatid ako sa lupa. Pagtingin ko sa aking paanan ay may nakausli palang ugat ng puno ng balete. Umupo ako at hinilot ang aking paa. Pagtingin ko sa aking harapan ay nakikita kong papalapit na ang nagliliwanag na matanda. Pumalahaw na ako ng iyak sa sobrang takot. Puno na ng putik ang aking damit dahil sa nabasa ako ng ulan at ngayon ay nakasalampak sa lupa.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD