Patay! Si Peter nakalimutan ko. Kailangan ko siyang balikan at bantayan dahil baka gutom na 'yon at may iniluwa na. Binilisan ko na lamang ang aking pagkain at pagkatapos ay nagpaalam na sa mag-asawa. "Maraming maraming salamat po talaga sa pag-imbita niyo sa akin na dito maghapunan. Pasensiya na po kung binilisan ko ang pagkain dahil may kaibigan po kasi akong maysakit. Kailangan ko po pala siyang bantayan. Wala po kasi siyang kasama." "Ano ba ang sakit ng iyong kaibigan kung hindi mo mamasamain. Kung hindi mo kasi alam Ineng, magaling na hilot itong si Domeng." tanong ng asawa ni Tatang. "Nalason po ang aking kaibigan ayon sa manggagamot na tumingin sa kanya. Galing po kami kanina doon. Dapat nga hindi ko siya iniwan dahil nga po ang sabi ng manggagamot na may iluluwa siyang bagay

