TANGHALI na ay hindi pa din lumalabas ng kwarto si Ezra. Nag-alala si Tamilla rito kaya nagmadali syang umakyat at pumasok sa kwarto nito. Naglalaro ng video games ang bata at tila ba parang hindi sya nakikita ng madatnan nya ito. "Ezra, bakit hindi ka lumalabas? Masama ba ang pakiramdam mo?" Mahinanong tanung ng ina at umupo sa may bandang paanan nito. Binitiwan ni Ezra ang remote game at pinatay. Inilapag niya ito sa gilid ng kama nya. "Gaanu po kayo kalapit sa isat isa ng driver natin?" diritso at seryosong tanung ng bata. "Hindi kita maintindahan, anak." Naguguluhang wika nito. "Nakita ko kayong magkayakap ni Mr. Hassan kagabi." Dagdag pa nitong sabi na mas ikinagulat ni Tamilla. Parang nanlamig ang buong katawan nito sa narinig. Dahilan para hindi agad sya nakapagsalita. "Ah

