[MONDRAGON RESIDENCE] HAPON, sa likod ng bahay naglalakad si Mr. Hassan papunta sa garahe matapos nitong linisin ang sasakyan. Tahimik ang paligid, ngunit biglang lumitaw si Ezra mula sa gilid ng pader. Ngumiti ito sa bata at sandaling tumigil habang palapit sa kanya si Ezra. “Mr. Hassan, pwede po ba tayong mag-usap?” malamig at diretso ang tono ng boses ng bata. Nagulat si Hassan, pero agad siyang tumango. “Oo naman, young Master. Anong—” “Alam ko pong mabait kayo at matagal na kayong kasama ng pamilya namin. Pero gusto ko lang pong linawin…” huminga nang malalim si Ezra, pilit pinipigil ang emosyon, "gusto ko lang malaman at maging malinaw saken kung anung relasyon nyo sa mom ko?" Napakunot ang noo ni Hassan. "Nakikita ko kung paano ka tumingin kay mama. Nakita ko rin kayong mag

