"Leave me alone!!!" Malakas na sigaw nito. "Young master! Mag-usap po tayo, buksan nyo na 'tong pinto." Nagmamadaling nagsipagtakbuhan naman paakyat sina Tamilla at Samira na inaasikaso ang mga naiwang bisita sa baba. Bakas sa mga mukha nito ang pag-aalala. "Hassan, anung nangyayari?" Tanung ni Tamilla. Yumukod muna si Hassan sa mga ito. "Ang young master, inilock nya ang pinto sa loob, baka kung anu nang mangyari sa kanya." "Naku, jusko! Ezra, apo! Please open the door. Let's talk. Okey?" Tarantang sigaw ng lola nito. "Anak, si mommy ito. Please open this. Mag-usap tayo. Alam ko nagtatampo ka, sige na anak. Buksan mo na itong pinto." Si Tamilla na nakasandal at nakalapat ang tenga sa pinto. "No!! Leave me alone! I don't want to talk any of you!!" Sigaw nito. Mangiyak ngiyak

