"Hindi naman sa ganun Gustavo! Syempre kailangan ko din ng kaligayahan..." Biro nya rito. "Ah ganun." At bigla syang sinikmuraan nito. "Kaligayahan pala hanap mo. Yan, siguro naman liligaya ka dyan." Napangiwi si Dastan sa sakit. Parang sasabog ang tyan nya, dahil na din siguro sa dami ng ininom nya. Napapikit sya at kinimkim ang sakit. Napahawak pa sya sa balikat ni Gustavo. "Ba-bakit mo naman ako sinuntok?" "Inagaw mo kasi ang babae ko e. Alam mong akin ang lugar na ito." "Bweset ka talaga!" Mahinang sabi nya at namimilipit sa sakit. "May sinasabi ka?" Inilapit ni Gustavo ang tenga sa bibig nya. "Ang sabi ko, bweset kang kalbo ka!" Bulyaw nya rito. Tumawa lang ng malakas si Gustavo at tinapik tapik sya sa balikat. "Kita ulit tayo, bata. Ihanda mo ang pangbayad mo, malapit n

