Hindi agad nakapagsalita si Zefro ng makita ang bisita ng kaibigan. Nawala din ang pagkapresko nito na animo'y batang walang bait. Hindi siya makapaniwala na ang dati niyang amo ay makikita niya. "Grabi, Dastan kahit nakatalikod, ang ganda ni ma'am Cataleya." Bulong ni Zefro na palihim na tinitignan sa may pinto ang babae habang naghuhugas ito ng pinagkainan nila. "Manahimik ka nga. Parang gusto ko ngang maglaho sa hiya." "Hayaan mo na, bihira yang ganyang anak mayaman ay marunong sa gawaing bahay." Pagkukumbinsi ng kaibigan. "Pero teka, saan siya natulog? Sa kwarto mo?" Panunukso pa ito at tinuro sa balikat ng hintuturo ang kaibigan. "Oh bakit?" "Anung bakit?" Nangingiting sabi nito. "Sige na wag kana mahiya, magkwento ka. Anung nangyari kagabi? Magkatabi ba kayo matulog?" Pi

