"Good morning po, Ma'am Cat." hinilot ang sintido at nahihiya. Sino ba naman ang gustong makita ng amo na tulog sa sofa habang sumisikat na ang araw. "Good morning din." Tugon nito na katatapos lang sa pag ehersisyo. "Hindi ka pala umuwi kagabi. Alam ba nila?" Tumango-tango si Dastan. "Ang totoo sila pa ang nagsabi na dito muna ako. Ayos lang naman saken." "Kung iniisip mo pa din yung perang ibinayad mo, wag kang mag-alala hindi naman kita sinisingil agad at hindi ako nagmamadali. Bukal sa loob ko ang ginawa ko. Tsaka, lumabas ka din paminsan-minsan, pwede ka naman mag day off, ikaw din hindi ka makakakita ng babaeng maiibigan mo kung nandito ka lang sa casa." Wika ni Cataleya. Yumuko si Dastan at ngumiti. "Naku ma'am Cat, hindi din naman ako nagmamadali para sa mga ganyan. Kung sa b

