"What's the problem, Sir?" tanong ni Tommy sa professor niya nang pinigilan siya nito. "You are asking me why? You are just in the middle of your entrepreneur course but you want to stop it. Yet you are asking me what's the problem?" balik tanong rin nito. Tuloy ay nakaramdam ng inis si Tommy. Wala siyang problema kahit hindi niya matapos ang letseng entrepreneurship course niya dahil gustong-gusto na niyang uuwi. Sa katunayan ay nakahanda na ang lahat kahit ang ticket niya ay may naka-booked na rin. Kahit ang mga gamit niya ay nailagay na niya sa malaking box. Sa katunayan ay napicked-up na ng cargo bago siya pumasok sa unang araw sana ng semestreng iyon. "I don't have a plan in finishing this entrepreneurship course, Sir. Because I need to go home in Philippines to finish some busines

